RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 9
********Hindii inaasahang Bisita********
Hindi na nag abala pa magpaganda si Prim dahil malalate na siya sa School niya tinanghali kasi siya ng gising dahil sa ayaw pa ibaba ni Miguel ang telepeno kahit pa antok na antok na siya,hindi niya alam bakit bigla ito naging ganon ka active makipagkwentuhan hindi naman kasi siya tinatawagan ng ganong oras ng kanyang boyfriend sa katunayan madalas pa nga siya pinapatulog ng maaga kaya naman nanibago siya sa binata.
Pagbukas ni prim ng pinto laking gulat niya ng mabungaran ang Tito Emmanuel niya sa harap mismo ng pintuan ng bahay nila hindi niya matukoy kung paano ito nakapasok ng gate niya.
“Good morning maganda kong pamangkin!?” Bungad ng tito niya na ngumiti pa ng malaki sa kanya.
“A..ano po ginagawa niyo dito?” Tanong niya pero imbis na sagutin siya ng kanyang tito ay ngumisi lang ito at hinagod siya ng tingin na labis niya kinatakot dahil kilala niya ang Tito niya na hayok sa laman at walang sinisino basta abutan ng l*b*g.
“Ganyan mo ba itrato ang Tito mo i Mean future father mo?” Sabi pa nito na kinagalit ng kalooban niya pero mas pinili niya parin kalmado dahil pinalaki siya ng mga magulang niya ng magandang Asal.
“Paumanhin po Tito pero kailangan ko na po pumasok sa School Late na po kasi ako!” Sabi ni Prim at akmang lalagpasan nalang sana ang Tito niya ng Bigla siya hawakan nito sa palapulsuan upang pigilan .
“Bastos kang bata ka!”sabi nito at diniinan pa ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napadaing siya.
“A..aray ko po Tito nasasaktan ako!” Sigaw ni Prim pero hindi siya nito pinansin at lalo niya pa kinatakot ng hinablot sa kamay niya ang susi at binuksan ang pinto ng bahay niya.
“T..tito ano gagawin mo sa Loob?” Tanong ni Prim.
“Tayo Prim!” Sigaw nito at kinalibutan siya ng Todo gusto man niya makawala sa Tito niya pero malakas ito sa kanya ,binalya siya sa sofa at muli siya pinasahadahan ng may pagnanasang mga tingin halos mangiyak ngiyak na siya sa takot na baka pagsamantalahan siya ng Tito niya .
“A..ano po Ginagawa mo po Tito?” Kinakabahan na tanong niya ng makita na nagtatanggal ito ng belt.
“O’c’mon darling nasa tamang Edad kana at alam mo kung ano ang gusto ko ipahiwatig sayo!” Nakangising sabi ng Tito niya kaya naman labis ang pangangatog niya sa takot hindi narin maiwasan ni Prim na hindi umiyak dahil sa takot lalo pa na wala ngayon siya kasama sa bahay dahil lahat ay pinagbakasyon niya muna at ang iba ay umuwi lang saglit ng probinsya,kaya kahit magsusumigaw siya wala naman makakarinig sa kanya at lalong malaya magagawa ng Tito niya ang binabalak nitong masama sa kanya.
“P…please po Tito huwag po!” Pakiusap niya ng lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya!”.
“Ang ganda ganda mo talaga Prim manang mana ka sa Mommy mo sayang lang at hindi siya napasaakin!”sabi nito.
“A…anong ibig mo sabihin?” naguguluhang tanong niya.
“Malaki ang kasalanan ng Ama mo sa akin!”. tanging usal lang ng Tito niya at hindi niya inaasahan ang marahas na pagbaklas nito sa Blouse niya buti nalang ay naka spaghetti sando siya na pang loob ngayon pero lumabas parin ang Clevage niya dahil sa hapit na panloob niya ,bakas sa mga mata ng Tito niya ang pagkahanga sa nakikita nito at akmang tatakpan niya ng mabilis nito nahawakan ang magkabilaan niyang kamay .
“Huwag po Tito!” Pagmamakaawa niya halos mangiyak na siya sa takot napapikit siya dahil akmang hahalikan siya nito ng biglang bumagsak nalang ito sa sahig kaya napadilat siya at nakita niya na nakahandusay na sa sahig ang Tito niya at ng balingan niya ang taong may gawa nito sa Tito ay galit na galit na mukha ni Atty.Sirius ang bumungad kau Prim.
Napatingin sa kanya si Atty.kaya nagkatitigan silang dalawa at ang galit na nakikita ni Prim kanina ay napalitan ng takot kaya naman mabilis na nilapitan siya ni Atty.at niyakap ng Mahigpit.
“Ok kalang Prim?” Sabi nito kaya napaiyak na ako ,hinubad ni Atty.ang suot niyang Coat at tinakip sa akin.
“Let's go Prim!” Sabi ni Atty.at inalalayan ako sa pagtayo.
“Saan mo Dadalhin si Prim Atty.?” Natigilan kame sa tanong ni Tito,naramdaman ko ang akmang pagsugod na naman ni Atty. Ng pigilan ko ito,kaya napatingin ito sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.
“Sa tingin mo talaga Atty.mananalo ka? Mas malakas ang kapit ko dahil Tito ako at ikaw? —--”.
“Sa tingin mo palalagpasin ko ang kababuyan na binabalak mo? Talagang umaasa ka parin na mananalo ka lalo pa't muntik mo na tangkain gahasain si Prim?” Seryosong saad ni Atty.
“At sino naman maniniwala sa inyo?”
“Nakalimutan mo ata kung sino kinakalaban mo? Alam mo naman siguro na hindi ko hahayaan na mapahamak si Prim sa katulad mong halang ang bituka! Akala mo ba na nasira mo na lahat ng Cctv dito sa loob ng bahay ni Primo? Nakalimutan mo ata na matinik ang kapatid mo oh correction ampon ka nga pala ? in short sampid!” At akmang susugod si Tito na mabilis na tinutukat ito ni Atty ng baril na kahit ako bakas ang pagkagulat dahil sa bilis ng pangyayari hindi ko din napansin ang pagbunot ng baril ni Atty.
Kita ang pamumutla ni Tito ng bumungad ang baril ni Atty.Sirius sa kanya.
“Simulan mo na maghimas ng Selda Emmanuel ,ilan minuto nalang darating ang mga pulis para arestuhin ka!”
Hindi na nakaimik pa si Emmanuel habang si Atty. At Prim ay tuluyan na lumabas ng bahay,sinakay ni Atty.si Prim sa sasakyan niya at umikot na para sumakay sa drivee seat, binuhay ni Atty.ang makina ng Sasakyan at pinaandar na habang si Prim ay tahimik lang at nakatingin sa bintana.
Hinayaan nalang muna ni Atty.ang dalaga dahil labis din trauma ang bingay ni Emmanuel sa dalaga kahit pa hindi nito natuloy ang binabalak ,batid niya parin na natakot ito ng sobra at buti nalang tama lang ang pagdating niya dahil kung natuloy ang binabalak ng Tito nito baka hindi niya mapatawad ang sarili kung may nangyari na masama sa dalaga at baka hindi lang bug bog ang abutin nito kay Atty.baka malimutan pa nito na isa rin siyang alagad ng Batas .