RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 8
********MARRY ME???********
PRIM ;
Limang buwan na ang nakakalipas nung unti unti ko na natatanggap ang pagkawala ni Dad,mahirap man ay unti unti ko na nasusubukan matutunan tanggapin ang lahat,pero may parte parin ng puso ko na umaasa na makikita ko siya muli.
Ayoko na kahit ang pangarap ni Dad na makapagtapos ako ay mawala lang ng ganun ganun lang kaya kahit mahirap at masakit sisikapin ko tuparin ang pangako ko na magtatapos ako sa pag aaral.
“Are you Done Sweetheart?” Bungad ni Atty.Sirius sa akin.
“Y..yes Atty.!”
“Sirius Nalang Sweetheart!”
“P…pero kagalang kagalang ka at isa ka abugado kaya dapat lang tawagin kita Atty.Sirius!” Sabi ko eto kasi ang madalas namin pagtalunan dalawa.
“Whatever!” Sabi ni Atty.na kinakunot ng Noo ko.
“Bakit ba ayaw mo tawagin kita na Atty.?” Usisa ko .
“Nothing!” Sagot nito.
“Ok Atty.!” Sagot ko na kinangisi ko,bakas ang pagkairita nito.
“Lets go Sweetheart!? Baka malate tayo!”
“Ok po!”.
Nakakasanayan ko na ang presensya ni Atty.nawawala narin ang pagkailang ko sa pagitan naming dalawa dahil sa hindi maganda ang una namin pagkakakilala .
Hindi mapakali sa sasakyan si Prim kanina pa siya parang di mapirmi sa pag upo niya maya maya rin ang tingin sa cellphone.
“Sweetheart are you ok?” Usisa ni Atty.
“Y-yes!” Pagsisinungaling niya kahit ang totoo kinakabahan siya.
“Don’t worry everything is going good!”
“P-pero paano kung mapunta lahat sa kapatid niya ang lahat ng pinaghirapan ni Dad!?” Sabi ni Prim.
“Hindi mangyayari iyon habang hindi ka napapapunta sa kanilang puder,makokontrol kalang nila pag sila ang nanalo maging Guardian mo! Pero hindi ko hahayaan iyon Sweetheart!” Sabi ni Atty.
“Paano kung hindi tayo manalo na ikaw ang magiging Guardian ko?”
“Edi hahanap ako ng ibang paraan para mapasakin ka…i mean para ako ang maging Guardian mo!” Seryosong sabi ni Atty.
“Sana nga Atty.!” Sa malungkot na tinig ko.
Dumating sila sa tamang oras pero hindi naging maganda ang pag uusap dahil sa Tito niyang si Emmanuel mukha ito ang mananalo dahil sa eto ang natitira niyang kamag anak at ayun ang ayaw niya dahil magiging magulo lang ang buhay niya sa kanyang Tito,alam ni Prim kung anong ugali meron ang Tito niya hindi niya alam bakit bigla ito sumulpot nalang.
“D*mn it!” Tanging usal ni Atty.at sabay hampas pa sa manubela.
“Sabi ko naman sayo wala tayo laban!” Sa malungkot na sa tinig ko at tumingin nalang sa labas ng bintana ,pinipigilan ang mga luhang nagbabadya,narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Atty.
“Sweetheart Listen!?” Imik nito pero nanatili lang ako nakatingin sa labas ng bintana kahit natatanaw ko lang ay ang mga sasakyan na nakaparada rin rito sa parking lot.
Hinawakan ni Atty.Sirius ang baba ko at iniharap sa kanya kaya nagtama ang nga mata namin,ilang segundo ako nakipagtitigan kay Atty. Hanggang sa umimik ito na kinagulat ko talaga.
“Marry me Prim!?” Hinahagilap ko sa mga mata niya na nagbibiro lang ito pero bigo ako seryoso ito at desidido sa sinasabi .
“A…Atty.Sirius?” Tanging bigkas ko.
“Marry me Prim! Yun lang ang paraan na Naiisip ko!” sabi nito.
“P-pero Atty.18 palang ako at wala sa vocabularyo ko ang magpakasal ng maaga at isa pa may boyfriend ako!” Sabi ko at napaiwas ng tingin pero hinuli parin ni Atty.ang mukha ko.
“Nasa tamang Edad kana Prim and beside hindi ko naman kailangan makihati sa pagmamahal ng Boyfriend mo, wala rin ako gagawin masama sayo at isa pa pwede ka mag annul ng Divorce sa oras na makayanan mona patakbuhin mag isa ang kumpanyang iniwan ng Ama mong si Primo sayo!” Sabi nito di ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niyang Divorce.
“A…Atty.?”
“Pag isipan mo mabuti ang sinasabi ko sayo Prim pero ikaw parin ang magdedesisyon !”.sabi nito , umayos na ng pagkakaupo si Atty.at binuhay na ang makina ng sasakyan at pinasibat na ito,habang ako nanatili iniisip ang mga sinsabi ni Atty.
Hanggang pag uwi wala iba napasok sa isip ko kundi ang paulit ulit na sinabi ni Atty.at hindi talaga ako pinatulog ng dahil doon .
Hanggang pagpasok sa School yun lang laman ng utak ko ni hindi pumapasok sa isip ko ang lahat ng lecture na tinuro samin ng mga Teacher kahit si Lindsay napapansin ang pagkalutang ko at dahil kaibigan ko ito kilala ko ito hindi ito makakapagtimpi na hindi mag usisa.
“Nyare Bhe?mula pasukan hanggang uwian wala ka sa sarili? Free to share!?” Usal nito napabuntong hininga naman ako.
“Wow Lalim mukha mabigat dinadala mo share mo narito ako para magpayo at makinig!” Sabi pa nito.
“A…ano kasi A..ano eh!” diko malaman pano sisimulan kilala ko ito si Lindsay hindi ako nito ilalaglag pero di rin ako titigilan hanggang di ako napapaamin.
“Sige Prim naiintindihan ko ang Ano???” Napipikon na saad nito.
“Inalok ako ni Atty.magpakasal sa kanya!” Biglang usal ko .
“W—what? You mean nag propose si Atty.sayo? “ Gulat na tanong nito .
“Y…yes!?”
“Hanep din si Atty.nagpropose kahit hindi kayo? Wow Lupet!?” Sabi ni Lindsay.
“Hindi naman sa ganun Lindsay ,walang ganun nangyari basta ang sabi niya lang MARRY ME Prim?”. Sabi ko na lalong ginagulo ng mukha nito ni Lindsay .
“Lakas tama sayo ni Atty.Bhe!?”
“Huy Hindi sa ganun kasi kaya gusto ni Atty.Pakasalan ako dahil para hindi ako mapunta sa puder ng Tito Emmanuel ko yun lang ang paraan!?” Paliwanag ko na kinaseryoso ng mukha nito.
“Na ang ano KASAL?” di makapaniwalang bulalas nito .
“O..Oo eh!?”.
“Pero Handa kaba?” Usisa nito.
“H..hindi ko alam? Naguguluhan kasi ako!” Pag amin ko.
“Saan Prim? Sa sitwasyon mo o sa nararamdaman mo?” Sabi nito.
“What do you Mean Lindsay?”
“Baka naguguluhan ka kasi natatakot ka mahulog kay Atty.o dahil may nararamdaman ka na talaga sa kanya o ayaw mo lang aminin?” Si Lindsay.
“H…hindi sa ganun! Ayoko ko lang gumawa ng Desisyon na di ako sigurado,saka paano si Miguel?”
“Paano si Miguel? Eh diba Deal lang naman yun sa inyo ni Atty.? Bakit balak mo ba seryosohin ang pagiging Mrs.Perez?”
“Hindi no!?”
“Eh ano inaarte mo? Kung di ka sang ayon kay Atty.simulan mo tiisin makasama ang Tito mo !”
“No way Lindsay at never ko pinangarap makasama si Tito Miguel sa iisang bubong!”
“So tatanggapin mo Alok ni Atty.?” Usisa muli nito .
“Ewan ko Lindsay! Hindi ko alam!?”
“Then alamin mo habang may oras pa!”
Sa sinabi ni Lindsay nasagot din ang lahat ng dapat ko malaman ngayon alam ko na kung ano ang pipiliin ko at desisyon ko.