RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 1
*****Nice meeting you Again!?******
PRIMROSE;
Mga maiinit na haplos at mga halik na may kasabikan na lalong nagpapatindi sa aking nararamdaman bawat haplos na siyang nagpapatindi sa aking pakiramdaman na—---!!???...
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip .
“S**t Prim ano problema mo?” Kastigo ko sa aking sarili.
“Pwede ba Prim kalimutan no na iyon isang masamang panaginip lang ang lahat na iyon ah yan itatak mo sa isip mo saka hindi na naman magtatagpo ang landas niyo!” Muling pagkausap ko sa aking sarili
“Prim Anak gising ka na ba? Bumangon kana at mag agahan!” Sigaw ni Dad .
“Ok po Dad maliligo lang po ako!” Magalang na sabi ko at tumayo na para magtungo sa banyo .
Naghubad ako ng mga damit ko at naglakad papunta sa banyo nakaugalian ko na maghubad dito sa kwarto saka wala naman ibang makakapasok rito kaya malaya ako naghubad at nagpalakad lakad sa silid ko na walang kahit na anong saplot.
Kalahating oras ang minalagi ko sa banyo bago ko naisipan lumabas at para gawin ang morning routine ko,nagsuot lang ako ng croptop at short dito lang naman ako sa bahay kaya pwede ako magsuot ng ganitong klaseng pananamit ,ayaw kasi ni Dad magsuot ako ng mga ganitong damit sa labas dahil di daw angkop sa edad ko ang pagsuot ng masyadong reveal na damit kaya sa bahay pinapayagan ako .
Bumaba na ako at nagtungo sa kusina naabutan ko si Dad na abala sa paghuhugas ng mga pinaggamitan niya s pagluluto.
“Good morning my gwapong Daddy!” Bati ko at nilingon naman ako nito.
“Goodmorning din sa prinsesa kong maganda!” At pareho kame natawa sa dahil mag ama nga kame pareho kame mabola,naupo ako at napakunot ng noo.
“Dad bakit ang daming pagkain? May bisita ka po ba?” Usisa ko
“Yes Anak darating ang kaibigan ko,matagal ko narin siya hindi nakikita kakauwi niya lang kahapon aalis sana kame nung gabi at mag iinuman pero hindi ako nakasama dahil walang mag aasikaso sayo.
Natouch naman siya sa sinabi ng Daddy niya kaya tumayo siya at niyakap ito.
“Salamat Dad pero sana sumama ka ,kaya ko naman po!” Sabi ko .
“Mas mahalaga ka sa akin anak kaya mas ikaw ang priority ko kesa sa inuman na iyan!” Sabi nito na lalo kinasaya ko.
“Paggraduate ko Dad babawi po ako! Pwede kana mag hanap ng makakatuwang mo sa buhay!” Sabi ko sa daddy ko dahil deserve niya ang maging masaya .
“Pero anak ikaw lang sapat na!” Sabi nito.ilan beses kona sinabi kay Dad na humanap siya ng bagong girlfriend pero lagi lang nito sinasabi na sapat na siya at walang papalit sa Mommy niya kaya napapasana all nalang siya at kung mag aasawa siya nais niya tulad ng Daddy niya.
Bumalik siya sa hapag kainan at sumandok na natapos narin sa ginagawa niya ang daddy niya ng sakto naman tumunog ang doorbell nila kaya naman daddy niya narin ang nagbukas nito.
Masyado hands on ang Ama niya kahit katulong ay hindi ito kumuha dahil lagi katwiran ay kaya naman niya lahat .
Tahimik na kumakain ako si Dad naman ay kanina pa hindi bumabalik hanggang sa pumasok na ito sa kusina kaya nag angat ako ng tingin at ngumiti pero nawala ang ngiti ko ng makita ko ang kasama nito halos masamid ako kaya naman mabibilis ang hakbang na dinaluyan ako ni Dad inabutan ako ng isang basong tubig nito.
“Sabi ko sayo dahan dahan sa pagkain!” Si Dad pero hindi maalis ang tingin ko sa lalaking kasama nito na katulad ko mariin na nakatingin din sa akin.
“Siya na ba si Isabelle?” Tanong nito kay Dad.
“Oo siya nga!” Pag sang ayon ni Dad
“Prim Anak ,si Atty. Sirius siya yung kababata ko noon sa probinsya!” Pakilala ni Dad,naglakad naman palapit sa amin si Attorney at nilahad ang kamay.
“Kamusta Isabelle? “ Sabi nito at hinihintay ang kamay ko ,kaya naman pikit mata na tinanggap ko ito .
“Nice meeting you Again!” Sabi nito na kinalaki ng mata ko dahil baka sabihin nito ang nangyari kagabi at paniguradong sermon ang abot niya .
“Nagkita na ba kayo?” Takang tanong ni Dad,ngumuti naman si Attorney at akmang magsasalita ng unahan ko ito.
“Opo Dad nagkasabay po kame sa may LRT kagabi !” Pagdadahilan ko na kinatango ni Dad at sabay bawi sa kamay ko na hindi parin binibitawan ni Attorney.
“Ah ok,baby kapa kasi ng Huli ka niya nakita diba Sirius?” .
“Oo nga Pre masyado pa siyang bata noon eh!”.masayang sabi ni Atty. Sirius.
“Sandali lang Attorney iwan ko lang kayo saglit at may kukunin lang ako sa may labas!” Paalam ni Dad na kinatango lang ni Attorney.
“Anak iwan ko muna sayo si attorney kukunin ko lang yung inorder ko sa labas!” Sabi ni Dad kaya kahit ayaw ko maiwan ay tumango nalang din ako sa huli .
Sinasadya ko talagang hindi tumingin kay Attorney kahit pa para akong natutunaw sa pamamaraan ng pagtitig niya binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na at makapunta nalang sa silid ko.
Ilalagay ko na ang pinggan na pinagkainan ko sa lababo ng magsalita ito .
“Good little Liar huh!?”. Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.
“May sinasabi ka?” Maang maangan ko .
“Bakit hindi mo sinabi sa Dad mo na kung paano mo ako nakilala kagabi?” Sabi nito.
“Pwede ba attorney atin nalang iyon nangyari kagabi saka wala lang iyon!” Pagdadahilan ko pero mali ata ang pagakakasabi ko dahil bigla naging seryoso ang mukha nito .
“Talaga wala lang iyon? Paano ang isang tulad mo na pumapasok sa ganong klase na Bar? Alam ba ni Primo ito?” Sabi nito kaya napatingin naman ako sa paligid dahil baka dumating na si Dad at marinig siya.
“Pwede ba Attorney sa atin nalang dalawa po iyon? Ayoko magalit sa akin si Dad!” Sabi ko.
“Ok basta ipangako mo sa akin hindi kana pupunta sa mga ganun klaseng lugar?” Seryosong sabi nito na kinatango ko.
“Mauna na po ako salamat!” At akmang aalis na ako ng hawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay ko at sa mukha nito.
“Pero di ko palalagpasin ang paghalik mo sa akin!” Seryosong sabi nito at akmang magsasalita ako ng dumating si Dad kaya mabilis na binawi ko ang kamay ko.
“Oh anak san ka pupunta?” Si Dad
“Dad nagtext po kasi sa akin si Lindsay nagpapasama po sa Mall !” Pagdadahailan ko tumango naman si Dad at nagtungo na ako sa aking silid .
Napasalampak ako sa aking kama at napahawak sa aking dibdib na hindi matigil sa pagkabog lalo pa ng hawakan ni Attorney ang kamay ko .