RAPIDO 2 ("SPECIAL SOMEONE")

1194 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 2 **********SPECIAL SOMEONE********* PRIMROSE; kahit wala naman talaga kame pinag usapan ni Lindsay na aalis kame ay naggayak ako at balak ko nalang maglibot sa Mall kesa naman narito ako sa bahay at kasama ang attorney na iyon. Matapos ko maggayak bumaba na ako para magpaalam kay Dad naabutan ko si Dad at si Attorney sa may sala na nagtatawanan ,una ko naagaw ang atensyon ni Attorney kaya naman bigla ko na naman naramdaman ang pagkalabog ng puso ko mukhang kelangin ko na magpacheck dahil napapadalas ang pagtibok nito ng mabilis . Naiilang ako sa pamamaraan ng pagtitig ni Attorney sa akin pero patay malisya lang ako ayoko ipahalata na apektado ako sa mga titig niya . “Dad aalis na po ako!” Paalam ko na kinatango ni Dad. “Oo nga pala Anak sumabay ka nalang kay Sirius tutal madadaanan naman niya iyong Mall diba Sirius?” Sabi ni Dad na kinatango naman ni Attorney. Tahimik ako nakatingin sa bintana wala ako nagawa kundi sumabay kay Attorney dahil kay Dad ,binalot kame ng katahimikan buong byahe at napatingin ako kay Attorney na tumigil ito sa parking Lot . “Samahan na kita!” Sabi nito at mukha nabasa ang nasa isip ko. “P-ero kasama ko ang kaibigan ko!” Pagdadahilan ko nalang na kinangisi nito. “You Such a Good Liar Sweetheart !” Sabi nito na kinakunot ng noo ko . “What do you mean?” “Alam kong nagsisinungaling ka lang na aalis kayo ng Friend mo right?” Sabi nito . “P….paano mo—--?”takang tanong ko . “Im a Attorney Remember?” Proud na sabi nito na kinairap ko. “Yes i know!” “So kaya ko magbasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan sa pagbasa sa mga mata nito!” Sabi nito. “So what din Mr.Attorney?” Sabi ko at bubuksan na ang pinto ng kotse ng magsalita ito . “Sabihin ko kaya sa Dad mo na,nagpunta ka ng Bar tapos bigla ka nalang nanghihila at nanghahalik ano kaya ang magiging reaksyon ng Ama mo pag nalaman iyon?” “Ano ba kailangan mo ah?” Galit na turan ko. “Samahan mo ako mamili ng pangreregalo ko !” Sabi nito . “Bakit ako? Ano ba malay ko diyan! Tawagan mo girlfriend mo at doon ka magpasama!” Sabi ko . “I Can't!” Sabi nito. “You Can!” at akmang lalabas na ako ng matigilan ako sa sinabi nito. “Wala akong girlfriend!” “Asawa? “ “Lalong wala !” Sabi nito. “Sa kapatid mo wala ka bang kapatid na babae?” sa sinabi nito. “Sa gwapo mong iyan impossible wala kang girlfriend?”kastigo ko sa aking isipan pero nabasa ata nito. “Dahil hindi pa handa yung taong gusto ko pakasalan!” seryosong sabi nito kaya natahimik naman ako bigla at napaisip bakit at paanong hindi pa handa? “At isa pa may kasalanan ka pa sa akin sa pagnakaw mo ng halik remember Sweetheart?” Sabi nito na kinairap ko. Tahimik lang ako nakasunod kay Attorney dahil di ko naman alam kung pano ko siya itatrato dahil hindi talaga maganda ang unang pagkikita namin dahil sa kagagawan ko. Natigilan ako ng makita ko ang cute na necklace na pa butterfly at may mga diamond na pinaghalong kulay na pink and purple maganda ang kulay nito. “Nice necklace?” Agaw pansin ni Attorney na katabi ko na pala. “Yeah ang ganda niya!” Bulalas ko. “I think magugustuhan iyan ng pagbibigyan ko !” Sabi nito nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya kasi ang ganda talaga ng Necklace na iyon siguro babalik nalang ako para ipabili kay Dad. “Thank you Sir!” Sabi ng Cashier na bakas ang pagkakilig kay attorney. Nakakalungkot lang dahil nag iisa lang pala iyon sa buong mundo dahil masyado expensive ang necklace na iyon at masasabi niya napaka especial naman ng taong pagbibigyan ni Atty. Sirius dahil binili niya iyon para iregalo lang. Tamlay ako sa pagsama kay Attorney dahil siguro na boboring na ako . “Nagugutom ka na ba? May gusto kabang kainin?” Usisa nito . “Wala naman at hindi ako nagugutom!” Sabi ko at nauna ng naglakad natigilan ako ng mapansin ko kung sino ang naglalakad kaya sa taranta ko dali dali ko hinila si Attorney papasok ng photo Booth. Tinignan lang ako nito na may panunuri kaya naman ngumiti ako ng alanganin. “Ano ginagawa natin dito?” Takang tanong nito. “S-yempre magpipicture!” Dahilan ko nalang. “Ayoko!” At akmang aalis ito ng hilahin ko uli pabalik sa loob . “Sa Ayaw sa gusto mo attorney magpapapicture tayo,diba tinatanong mo kung ano gusto ko ? !” Sabi ko at hinila na ito patapat sa Camera. “Ngiti Attorney!” Sabi ko at pilit naman ito ngumiti na yamot ako dahil sa ilan take ng picture namin lagi lang ito seryoso o pilit ang ngiti kaya tumingala ako dahil matangkad ito sa akin pero mali ata ang pag angat ko ng mukha kasi bigla itong tumingin din sa akin at malapit ang mukha namin sa isat isa at di ko inaasahan ang biglang pagflash ng Camera kaya roon ako natauhan at umiwas . “Ano ba yan wala naman kagana gana kasama ka sa picture ! Oh ayan ikaw na magtago para may remembrance ka sa Crush mo!” Naka ngising saad ko at tuluyan nang lumabas ng Booth . Napabuntong hininga naman ako ng mapansin kong wala na ito sa dami ba naman pwede kasalubong bakit si Miguel pa?, masyado na marami nalalaman ito si Attorney sa akin at ayoko pati ang pagboboyfriend ko ng palihim ay malaman niya pa di lalong laki ng alas nito sa akin kung nagkataon. Hinatid na ako pauwi ni Attorney at alam naman daw ni Dad na siya ang maghahatid sakin sa bahay at isa pa wala rin kasi si Dad may biglaan itong Flight sanay naman ako naiiwan sa bahay dahil safe naman ako rito at lagi napagbibilinan ang mga guard ng subdivision na ito. “Gusto mo samahan kita hanggang sa bumalik ang Dad mo?” Alok nito na mabilis ko kinatanggi. “Ok lang po ako ! “ Sabi ko tumango lang ito. “Ok pumasok kana sa loob!” Sabi nito kaya naman pumasok na ako sa may Gate namin at iniwan nalang siya sa labas ng bahay hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng sasakyan nito hudyat na nakaalis na ito . Pagkapasok ko sa bahay sa silid ko ako nagtungo at humilata sa kama,pinikit ko sandali ang mga mata ko pero mabilis din napabalikwas dahil imahe ni Attorney ang lumabas sa balintataw ko at ang halik niya. “S**t !” Bulalas ko dahil bumilis ang kabog ng dibdib ko . “Mukhang need ko na talaga magpacheck up dahil baka may sakit na ako sa puso !” Sabi ko sa aking sarili at bukas na bukas rin ay pupunta ako ng hospital
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD