RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 3
**********WEIRD FEELINGS*********
PRIMROSE;
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko nalimutan ko na isarado ang kurtina ko kagabi ,hindi talaga ako pinatulog ng Attorney na iyon at talagang kinaiinis ko.
Nagtungo na ako sa banyo upang mag ayos dahil ngayon ang prelim Test namin at kailangan hindi ako malate sa School.
Inayos ko ang mini skirt ko at inayos ang uniform ko medyo naiirita ako feeling ko kasi pag hanggang tuhod para akong losyang,Kinuha ko ang Bag ko at bumaba na.
“Goodmorning Dad!” Masayang bati ko pero napalitan ang ngiti ko ng mabungaran ko ang kaibigan ni Dad na si Attorney Sirius.
“Prim hindi mo ba babatiin si Sirius?” Sabi ni Dad na kinangiti ko ng pilit .
“Goodmorning Attorney!”
“Good Morning din sayo Prim!”nakangiting bati nito na kinairap ko ng palihim.
“Maupo kana Prim Anak!”
“Naku Dad hindi na po baka malate po ako sa School sa Canteen Nalang po ako mag aagahan!”.sabi ko kanina ganado ako mag agahan pero ngayon parang nawalan na ako ng Gana.
“Oo nga pala Prim pinakiusapan ko si Sirius na ihatid ka may kailangan pa Kasi ako tapusin!”.
“Pero Dad kaya ko naman po mag commute at isa pa Nakakahiya po kay Attorney!” Pagdadahilan ko dahil sa totoo lang ayaw ko sumabay rito.
“Pero Anak nakakahiya ikaw lang talaga sinadya ni Attorney rito!” Hindi na ako nagprotesta pa dahil di rin naman ako mananalo kay Dad.
“Dito nalang po ako sa Kanto!” Sabi ko .
“Malayo pa ang School mo!” Sabi nito.
“Lalakarin ko Nalang po!”
“Diba sabi mo baka malate ka kaya ihahatid na kita!” Pagpupumilit nito at sa huli ay wala ako nagawa.
Bumaba na ako ng sasakyan niya at nagpasalamat.
“Salamat po Atty.Sirius !” Tumingin lang ito sa akin,hindi kona ito hinintay pang sumagot at tuluyan na ako bumaba.
Hindi ko na nagawa pang lumingon at isipan pa na nagpapacute ako sa kanya,pagkapasok ko nakaabang na si Lindsay sa May Gate.
“Hoy Prim balita!?” Usisa nito.
“Ayun muntik na ako mapahamak sa kagagawan mo!” Sabi ko.
“Sorry na ikaw naman kasi sugod ka ng Sugod!” Sa huli ay sinisi pa ako.
“Ay di ka nalang nagpasalamat at pinahiya ko Jowa mo!”.
“Yun nga problema eh hindi ko naman siya Jowa!”
“So Ano Asawa?”
“Lalong hindi!”
“Eh Ano? “ Bigla naman ito lumungkot ang mukha.
“Matagak ko na siya gusto pero lagi niya ako nirereject dahil bata pa raw ako at may gatas pa sa labi!”
“What?” Napalakas ang boses ko sa sinabi nito.
“O my G Lindsay nakakahiya ka! Kung umiyak ka akala mo niloko yun pala ikaw tong malakas ang tama sa utak!” Sabi ko.
“Sorry na!”
“Alam mo ba ang pangit ng nangyari sa akin pagkatapos mo ako iwan!”
“Ano yun?” Usisa nito at akmang magsasalita ako ng biglang may nagsalita.
“Hi Bhie !” Si Miguel na bigla nalang sumulpot at may dalang bungkos na rosas.
“Ang Sweet naman!” Kantiyaw ni Lindsay kaya napangiti lang ako.
“May gagawin kaba mamaya uwian ? Pasyal tayo treat ko kayo ni Lindsay!” Aya nito .
“Sige G kame !” Sabat ni Lindsay na kinangiti ni Miguel.
Tatlong buwan na kame ni Miguel na magkasintahan pero hanggang ngayon ilang na ilang parin ako sa kanya hindi ko magawa maging kumportable sa kanya,nirerespeto naman ako nito kung bakit hindi ko pa kaya ipaalam kay Dad ang tungkol sa Amin ,mabait at gwapo si Miguel pero hindi ko parin magawang ibigay ang buong atensyon ko bilang girlfriend sa kanya at hindi ko alam kung bakit?.
Buong test namin ay lahat napag aralan ko kaya mabilis ko natapos ang test paper ko at kasabay ko matapos si Lindsay nauna kame nakapagpasa kaya maaga kame pinauwi,paglabas namin ng Room nakaabang na sa may hagdan si Miguel nang makita kameng dalawa ni Lindsay ay umayos ito ng tayo at kinuha ang bitbit kong Bag.
Sumakay kame sa sasakyan ni Miguel ako ay katabi niya habang si Lindsay ay nasalikuran namin at abala sa katext sa cellphone.
“Bhie? San mo gusto mamasyal?” Agaw pansin nito napatingin ako kay Miguel.
“Kahit saan!” Sabi ko nalang .
“Ok!”
Mayaman si Miguelito Fresco gwapo at matangkad ,mabait at mapangumbabang tao ,matanda ito sa akin 20years old siya habang ako mag 19 palang.
“Lets go Bhie!?” Yaya ni Miguel at inalalayan ako hanggang paglabas ng sasakyan,narito kame sa Victory Mall ngayon gusto daw kasi nito matry ang bagong bukas na Restaurant kaya naisipan nito yayain nalang kame rito sa Mall.
Magkatabi kame ni Miguel sa upuan habang si Lindsay naman ay nasa tapat namin ,maya maya lang ay nilapag na sa table namin ang inorder ni Miguel talagang nakakatakam ang itsura nito ,Pinagsandok ako ni Miguel kaya ngumiti ako .
“Kumain ka ng Marami Bhie!” Sabi nito na pinasalamat ko lang.
“Salamat!” Sabi ko at una kong tinikman ang lasagna pero natigilan ako ng mahagip ng Mata ko ang lalaking nakatitig sa akin ng seryoso ,nasamid ako kaya naman dali dali dinaluhan ako ni Miguel at inabutan ng Tubig.
“Hey Bhie are you ok?” Hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko.
“Huy girl nyare?” Tanong ni Lindsay.
“O-k lang ako!” Sabi ko,at napatingin kay Atty.Sirius na hindi parin naalis ang tingin sa Akin.
Parang sinisilaban ang pang upo ko dahil hindi ako makapagfocus sa kinakain ko at naiilang kay Atty.Sirius.
“Lindsay uwi nalang tayo?” Sabi ko.
“Bakit Bhie may masakit ba sayo?” Tanong ni Miguel.
“Iba kasi pakiramdam ko ngayon!” Pagdadahilan ko nalang para umuwi kame.
“Mauna na kayo may hihintayin pa ako!” Si Lindsay.
“Sigurado ka?” Si Miguel kay Lindsay
“Oo ihatid mona yang Jowa mo !” Sabi ni Lindsay kay Migiel.
Inalalayan ako ni Miguel palabas ,kung pwede lang mag ibang way ginawa ko na kasi naman madadaanan pa namin si Atty.Sirius at isumbong pa ako Kay Dad.
Umiwas ako ng tingin at balak na lamang na lagpasan siya ng bigla itong nagsalita.
“San ka pupunta Prim?” Hindi na sana ako haharap pero itong si Miguel nagawa pang sumagot.
“Ihahatid ko na po siya Sir masama po kasi pakiramdam niya? Bakit mo kilala ang Girlfriend ko?” Magalang na sagot ni Prim.
“Oh Girlfriend? Pero wala naman nasabi ang Daddy niya na May boyfriend si Prim?” Nakangising sabi ni Atty.Sirius.
“Excuse me Sir? Sino po ba kayo?” Nagtitimping tanong ni Miguel.
“Lets go Prim ! “ Tumayo ito at binaklas ang kamay ni Miguel na nakaalalay sa akin.
“Sir ano ba problema mo?” galit na turan ni Miguel.
“Ikaw ang problema ko!” Seryosong sabi ni Atty.Sirius.
“Huwag kana pumalag dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” Banta ni Atty. Kay Miguel akmang sasagot pa sana si Miguel ng awatin ko ito.
“Stop Miguel kaibigan siya ni Dad sa kanya nalang ako sasabay! Salamat!” Sabi ko wala nagawa si Miguel kundi hayaan ako sa gusto ko.
Hindi ko iniimikan si Atty.ni tignan ay di ko ginawa dahil naiinis ako kung ano ba problema nito .
“Are you ok Sweetheart?” Tanong nito pero diko pinansin .
“Gusto mo ba dalhin kita sa Hospital?” Muling tanong nito na kinainis ko.
“Kung isusumbong mo ako kay Dad Go! Hindi mo na kailangan magbait baitan sa akin!”
“What? “
“Kaibigan mo si Dad at alam kong isusumbong mo ako sa kanya dahil nahuli mo ako kasama ko ang Boyfriend ko!” Sabi ko.
“Listen SweetHeart hindi ko gagawin iyon ok dahil ayoko magalit sayo Dad mo!”
“P-ero kaibigan mo siya Diba?”
“Oo pero hindi ibig sabihin non ay mahihimasok na ako sa inyong dalawa habang maaga iwan mo na iyang boyfriend mo kesa magkasira kayo ng Dad mo bata kapa marami kapa pwede gawin,enjoyin mo muna ang pag aaral!” Seryosong payo nito.
“Pero hindi na ako Bata!” Sabi ko natigilan naman ito at napatitig sa akin hindi ko alam pero parang may Weird na pakiramdam na hindi ko mawari sa mga tingin niya si Atty.Sirius narin ang unang umiwas ng Tingin.
“Baka hinahanap kana ng Dad mo ihahatid na kita!” Sabi nito na kinatango ko lang.