"HI, Akira. This is for you." Natigilan kami ni Rosa sa pagkain nang mapansin ang bago naming katrabaho, si Chris. Malawak ang ngiting nasa labi nito habang nakalahad sa aking harapan ang isang malaking chocolate. Napalunok ako at naguguluhang tumingin kay Rosa. Mahina siyang natawa sa naging reaksiyon ko, at iyon na naman ang mukha niyang halatang nanunukso. Napalabi ako bago bumalik kay Chris ang atensiyon ko. Ngumiti ako at tinanggap ang ibinibigay niya sa akin. "Salamat... sana hindi ka na nag-abala pa," usal ko. Mahina siyang tumawa na tila nahihiya. "Uhm, kauuwi lang kasi ng ate ko galing sa abroad. Marami siyang dalang chocolate... kaya naisipan ko ang bigyan ka." Pekeng umubo si Rosa dahilan para sa kanya lumipat ang atensiyon namin ni Chris. "Ako ba, wala?" Natigilan si Ch

