"HELLO, Ma'am. Puwede ko po bang mahiram ang ilang minuto nyo? Gusto ko lang po sana ipakita sa inyo ang natatangi naming mga produkto." Halos mapunit na ang labi ko sa lawak ng ngiti ko sa labi. Nang tumango ang babaeng hinarang ko sa gitna ng mall ay dinala ko na ito sa booth namin. Kagaya ng araw-araw na nagaganap sa mall, maraming tao ang nasa paligid at naggagala. Kaya kaliwa't kanan ang pagtawag ko ng pansin para mai-alok ang produktong hawak ko. Nang sumapit na ang lunch ay saka pa lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga. "Ayos ka lang?" Bumalik ako sa sarili nang marinig ang tanong ni Rosa. Pinilit ko ang sariling ngumiti at tumango bilang tugon sa kanya. Naupo siya sa kaharap kong upuan habang bitbit ang pagkain niya. Hindi kami magka-partner ni Rosa ngayon sa hinaha

