Chapter 32 - Time

2785 Words

WALA sa sarili. Lumulutang. Namamaga ang mga mata. Nahihirapan sa paghinga. Bahagyang masakit ang ulo sa kaiiyak. At higit sa lahat... mukhang nakakaawa. Sa pagkakatanda ko, nang huling makaramdam ako ng ganitong matinding sakit ay nang mamatay si Mama. Nakakaramdam man ako ng sakit noon sa tuwing nakikita sina Trisha at Aaron na masaya, ngunit hindi ganito kalala. Masyado akong nadurog ngayong araw na umabot na sa puntong hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nang makaalis ng restaurant, umiiyak akong nagpatangay kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Huli ko na natanto kung saan ako napadpad. Sa bahay kung saan ako lumaki. Blangko ang mukha ko nang pagmasdan ko ito mula sa labas. Hindi ko magawang puriin ang kagandahan nito lalo na sa tuwing naiisip ko na ang mga taong nakatira d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD