Chapter 26 - Independent

2061 Words

"AVAILABLE pa ba 'yong sinasabi mong kwarto na paparentahan mo?" tanong ko kay Rosa habang nagliligpit ng mga gamit. Mabilis siyang tumango. "Bakit? Nakapag-isip ka na?" I nodded my head. "Puwede ko ba tingnan bukas?" "Oo naman. Sakto, linggo. Day-off natin." Tumayo na siya mula sa kinauupuan at isinukbit ang bag sa balikat niya. "Tara, uwi na tayo." Bahagya akong ngumiti. Tumayo na rin ako sa kinauupuan at isinukbit sa isang balikat ang dalang bag. Nang maglakad kami ni Rosa palabas ng mall ay pinag-uusapan pa rin namin ang mangyayaring pagtingin ko sa kwartong pinaparentahan niya. Natapos lang ang pag-uusap namin nang maghiwalay na kami ng daan. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay dumeretso ako sa parking space ng mall kung saan naghihintay sa akin si Curse. Tulad ng laging gawi,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD