MORNING GIFT
PROLOGUE
MASIGLA ang pakiramdam nang gumising si Cai ng umaga ng sabado, kaya parang siyang nawawala sa sariling nag-tatatalon sa kama. Summer vacation, walang school works pero may training naman siya bilang isang volleyball player sa Marillac Academy.
Sa murang edad nahasa na ang kaniyang talento sa paglalaro ng volleyball at sa iba pang sport. Maganda rin ang kaniyang academic performance dahil nagtataglay siya ng isang abilidad na pwedeng kabisaduhin at intindihin ang isang libro sa isang basahan lang.
"Makapaglinis nga ng kwarto! Mukhang kaylangan na ng general cleaning itong silid ko." Sigaw ni Cai habang tumatalon- talon at nililibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto.
Kahit may sariling katulong, siya ang mismong nag-lilinis ng sariling-silid. Ayaw niya kasing may gumagalaw sa gamit niya. Magmula nung araw na may aksidenteng naitapon ang isang mahalagang bagay nang maglinis ang kasambahay nila. Dahil sa pangyayari 'yon ay talagang kinaiyak niya ng husto at ilang linggo muna ang nakalipas bago niya matanggap ang nangyari.
Bumaba siya sa kama at dinampot ang telepono. "Morning, Nay Nelly." Masiglang bati niya sa kabilang linya. "Pakidala na lang po ang breakfast ko dito sa room...opo, with extra two sunny-side-up and a pitcher of fresh mango juice po please... Kamsahamnida." Ilang segundo pagkababa niya ng tawag, tumunog ito at nakita niyang galing ang tawag sa Dining Area. "Yoboseyo."
"Little Bear, waeyo?" Narinig niya ang baritong boses ng Kuya Migz niya.
"Anong bakit?" Takang tanong niya.
"Bakit di ka sasabay mag breakfast?" Nagtatampong sambit nito.
"Kuya ayokong mawala yong momentum ko sa paglilinis ng silid ko. My room needs me." Habang nilalaro-laro niya ang kordon ng telepono.
"Okay, Akala ko alam mong... Sige ituloy mo na yan, baka kung ano pang hayop tumira diyan sa kwarto mo." Pagbibiro ni Migz.
"Baka nga may anaconda na dito, eh." Gatong niya sa biro nito na tinawanan naman ng kuya niya. Alam naman niya na hindi ganun kagulo at karumi ang sariling silid. "Kuya talaga!, bentang-benta ang jokes ko, 'no. Well maintained kaya ito at anong hayop naman ang titira dito."
"I know, natawa lang ako... Okay, later I will bring lunch also huh, tiyak na aabutin ka ng hapon diyan. Ang OC mo kasi... Nga pala dahil maglilinis ka ngayon may gift ka sakin. Happy cleaning!"
"Kamsahamnida, Oppa. Teka anong Gift?!" Takang tanong niya.
"Sekretong malupit, bye." Hindi na siya nakapagtanong pa dahil binabaan na siya nito ng tawag.
"Hala siya! Babaan daw ba ako. Ano na naman bang kalokohan ang naisip mo, Miguelito?" Napapaisip na sabi niya.
Imbes na matuliro sa pagiisip sa sinabi ng kapatid nagpalit nalang siya ng damit na isang fitted black cotton sando and creamy brown stripe na boxer shorts. Kinuha niya ang kaniyang I-pod, nag-soundtrip na lamang siya at hinayaang malakas ang pagkakatugtog nito.
Paindak-indak si Cai sa saliw ng musika na kaniyang pinapakingan. Napapapikit at napapakanta siya sa bawat ritmo nito. Hindi niya napapansin na meron isang pares ng mata na tuwang-tuwa at naaaliw na pinagmamasdan siya. Nasa magandang imahinasyon siya habang nakapikit at nasisiyahan sa kaniyang naiisip.
Ang gwapo talaga niya, hindi lang gwapo super duper ang kagwapuhan... "I really really like..." Yakap ang sariling umikot ng 360 degrees habang may ngiti sa labi sabay nito ang pagmulat ng kaniyang mga mata. "YOU!...JACE!!!" Gulat na gulat na sambit ni Cai sa pangalan ng binata nang makita niya ito sa hamba ng pintuan at hawak-hawak ang kaniyang almusal. Naka-ngising nakatitig ito at mukhang naaaliw sa kaniyang ginagawa.
Lumapit at nilapag ni Jace sa lamesita naroon ang almusal niya. Umupo ito sa bakanteng silya. Pagkatapos ay nakapalumbabang ngumiti ito sa kaniya. Darn that smile, tameme na naman ang beauty ko.
"You like me pala." Nagpipigil na tawang sabi nito. Damn! Yeah I like you so what. Ay hindi crush lang pala. Biglang bawi niya sa sarili.
Hinahangaan niya ito mula ng iligtas siya sa muntik niyang pagkakahulog sa puno ng mangga sa park ng subdivision nila. Mga panahon na anim na taon siya at bagong lipat pa lang ang sampung taon gulang na si Jaiven Lance Carvajal o Jace kung kanilang tawagin kasama ang Tita Jazmine nito. Magmula noon naging malapit na ito sa pamilya nila, lalo na sa kapatid niyang si Migz na naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
"Nek nek mo bale, Jaiven Lance." Pagdedeny niya.
"Weh, di nga, kakasabi mo nga lang, eh." Panunukso ni Jace na hindi hinihiwalay sa kaniya ang mga mata nito.
"In your dreams, JC boy." Pinitik niya ang noo nito nang lumapit siya para umupo sa kabilang silya sa tapat nito.
"In my dreams?!" Kunot-noong nag-isip ito na may kahalong nakakalokong ngiti sa kaniya.
"Sakto maaga pa ngayon...matulog ka ulit para managinip ka." Pagpapatuloy ni Cai habang pinipiraso niyang kainin ang sunny-side-up sa mismong harapan nito na may ngiti sa mga labi at pinapatakam niya pa ito sa sarap ng kaniyang kinakain.
"Hmmm... eh di matutulog ulit ako...problema ba 'yon." Tinignan at nginitian siya ni Jace ng ubod ng tamis habang tinatapik nito ang sariling baba. "Not bad idea huh! Okay lang matulog ngayon, basta ba nandun ka at ikaw..... ang sweet dreams ko, Heart." Nabulunan siya sa narinig. Kaya agad naman siya binigyan ni Jace ng juice. Anong saveh?! Takteng Jace toh, kung anu-ano pinagsasabi.
Inayos ni Cai ang sariling paghinga, nagbilang siya hanggang sampo bago niya tinignan ng napakasama si Jace. "Hoy lalaki papatayin mo ba ako!" Inis niyang sabi na may padurong tinidor sa tapat ng mukha nito.
"Papatayin sa pagmamahal pwede pa." Ngiting sabi nito na hindi pinapansin ang masamang tingin niya.
"Hahaha, as if naman." Ismid na sabi niya.
"Bakit hindi ba pwede?" Deretsiyong tanong nito. Pinagmasdan niya nito ng mabuti at hinihintay niyang dugtungan ang sinabi nito.
"Pwede naman dahil.... kapatid mo ko di ba. I'm your instant younger sister, RE-MEM-BER!" Pagbibiro niya sabay baba ng tingin sa kaniyang kinakain.
"Yeah, you are my Heart." Sabay gulo ni Jace sa buhok niya.
"Talagang PUSO huh, kailan mo kaya ako tatawagin ng tama sa pangalan ko." Napabuntong hininga siya.
"Little bear kasi ang tawag sayo ni Miguelito, na inggit ako. Kaya Heart ang petname ko sayo." Habang pinagmamasdan siyang kumain.
"Si kuya, may dahilan siya kung bakit Little Bear ang tawag niya. But you,.. you just got jealous at saka petname, duh... anong tingin mo sakin virtual pet sa Ragnarok online games na poring, huh." Nakangusong sabi niya rito na tinawanan naman siya bilang tugon nito.
"So what? if I got jealous. Anong gusto mo, mamili ka. Rapsy babe, Rappy Angel, Rap-rap, Rapha, Rapz or Pyrap. O kaya..."
"Ewan ko sayo, pwede naman Ericca di ba or Raphael lang. O kaya Cai." Putol niya sa sinabi nito.
"Ayoko nga, gusto ko unique ang tawag ko sayo. Yong Ericca common na yon. Ang Raphael, tawag sayo ng buong angkan ng Abellana even your cousins sa father side. Nickname mo naman ang Cai sa malapit mong kaibigan. Mas lalong ayaw mo ng Cai-cai... dahil it's too childish name, sila manong at manang lang ang gusto mong tumawag sayo noon di ba." Mahaba-habang eksplanasyon nito sa kaniya.
"Ang dami mong satsat, ang sabihin mo gusto mo lang mang-asar kaya kung anu-ano tinatawag mo sakin. Minsan mo lang ginagamit ang Heart kapag feel mong... I need to listen and understand what are you trying to say, tama ako di ba? Tama ang memorya ko di ba?" Pinagmasdan lang siya nito.
"Ikaw na... ikaw na ang may matalas na memorya." Ngiting sabi nito sabay pindot sa noo niya. "Kumain kana nga lang para matapos na itong paglilinis mo baka abutin ka na naman ng siyam-siyam." Pag-iiba ni Jace ng usapan nila. Tumayo at nagikot-ikot ito sa medyong magulong silid niya.
"Gusto ko lang naman na tawagin mo ko sa mismong pangalan ko, mahirap ba 'yon." Mahinang usal niya habang tinatapos ang pagkain ng almusal.
"ANONG meron, mukhang wala akong naririnig at nakikitang bangayan, huh?" Natutuwang komento ni Migz sa kanilang dalawa ni Cai ng pumasok ito sa kwarto. Madali nilang natapos ang paglilinis ng silid. Nadatnan sila ni Migz na nakahiga sa sahig.
"Paano kami magbabangayan, nakakapagod maglinis ng silid 'no. Saka mauubos ang dugo ko sa mokong na ito." Nahahapong sagot ni Cai habang pinag-gigigilan sa kurot ang pisngi ni Jace.
"Same here." Ginantihan din niya si Cai sa pagpisil sa ilong nito.
"Oh, meryenda. Lalance, magpahinga ka na para sa flight mo mamaya." Paglapag ni Migz ng pagkain sa lamesita.
"Flight? Aalis ka?" Nang tignan siya ni Cai.
"They said my abuelo is sick, bibisitahin ko lang. At the same time, may titignan na rin." Pabangon nasabi niya at sabay abot ng kamay kay Cai para tulungan ito bumangon. "Anong gusto mong pasalubong?"
"Paella," tumawa si Jace sa sinabi nito gayundin si Migz. "Joke, ikaw na bahala." Inubos ni Cai ang isang tuhog ng banana que na dala ni Migz na meryenda. "Thanks, sa help. And say Hi and get well soon to Lolo Pancho for me." Pagtapik nito sa ulo niya bago pumasok sa banyo.
"Miguelito, pinapakain mo ba yan ng maayos?" Seryosong tanong niya habang nakatitig sa pinag-kainang stick ni Cai.
"Hindi ka na nasanay." Nakangiting sambit nito at hinawakan ang stick.
"Grabe!, tatlong sabang saging na medyo mainit-init pa nakain niya ng ganun kabilis." Manghang sabi ni Jace, habang kumakain.
"It's amazing, isn't it?"
"It's adorable!" Ngiting nakatingin siya sa pinto ng banyo. She's always adorable.
"Adorable hahaha, hindi bagay kay Little Bear yan." Natawa silang dalawa.
"Tama, hindi bagay sa kaniya. Astig na lang, lalaki kasi siya." Lalong napalakas ang tawa nila.
"Lalance, totoong bang ikaw ang napipisil nila." Pambasag tanong ni Migz sa kaniya.
"Marami kaming pinagpipilian. Huwag kang mag-alala."
"Paano kung ikaw ang mismong napili?"
"Pwede naman tumanggi."
"Paano kung pinagpilitan na ikaw talaga?"
"Tatakas ako."
"Paano kung hindi ka makatakas?"
"Ahm, magmamakaawa ako." Alanganin sagot niya.
"Paano kung i-blackmail kanila tapos wala na talagang urungan at hindi lang ang buhay mo ang nakasalalay?" Dere-deretsyong pananalita ni Migz.
"Teka nga, Miguelito. May problema ba? Ayaw mo yata akong bumalik, eh." Takang tanong ni Jace, sabay akbay sa kaibigan.
"Wala, nangangamba lang kasi ako. Ikaw ang highest contender bilang future prince ng Sacedon." Ginulo nito ang buhok niya at pumunta sa harap ng pinto kung nasaan kapatid. "Little bear, huwag ka masyadong magtagal diyan. Bawal matulog sa bath tub, hindi ka si Dyesebel." Katok ni Migz sa pinto.
"Eh di samahan mo ko, your have a distant royal blood. As a Grandee of Sacedon." Pagtapik ni Jace sa balikat nito.
"Pinasa ko na, tapos kukunin ko pa. Ayoko nga, kontento na ako bilang isang doktor pagdating ng araw." Todong tanggi ni Migz sa ideyang sinabi niya.
"Ako din naman, di ba sabay tayo magiging sikat na doktor."
"Sikat na! Gwapo pang doktor. Kaya tiyakin mong hindi ka magiging prinsipe. Ayoko magkaroon ng kaibigan na tatawagin ko 'My Royal Highness'." Ngiting sinuntok siya ni Migz, hanggang sa naglaro sila ng shadow boxing sa isa't-isa.
"Hahaha, tiyak naman hindi ako ang mapipili ni Resse. Pag-nakikita ko siya sa Marillac. Iniiwasan ko siya, mahirap na." Tukoy niya sa prinsesa.