Chapter 8 "Kaya mo bang bumangon?" alalang tanong niya habang itinataas ang comforter hanggang sa aking dibdib. "I can't," ngumuso ako. Sobrang sakit ng gitnang parte ng hita ko at parang binugbog ang katawan ko. Binuhat niya ako kanina para mag-warm bath pero itinuloy namin ulit ang mainit na yugto roon kaya natuluyan na ako. But somehow I felt rejuvenated and wonderful for some reason I don't know. "I'm sorry." Pinakatitigan niya ako at hinalikan sa sentido. "Kung hindi ka makakapasok, ayos lang naman. Irereport ko na lang sa 'yo ang mga mapag-uusapan namin tungkol sa event bukas." Tumango ako at pumikit dahil parang lalagnatin ako sa ginawa namin ngunit nasarapan naman ako kaya ayos lang. Bago siya umalis ay pinakain muna niya ako at pinainom ng gamot. Ipinanhik din niya sa kuwar

