Uminit ang pisngi ko nang mas lalo niyang idiin ang labi para mas lalong malasahan ang labi ko. He locked me with his mighty arms. Namumungay ang mga mata niya noong humiwalay siya sa akin. He cupped my face gently. "I'm sorry for being a jerk a while ago. Hindi ko napigilan ang selos at galit ko kaya nagawa ko iyon," he paused. Tinatantiya ang reaksiyon ko. Sinalubong niya ang aking tingin. "I won't make an excuse, I'm really sorry." "Wala ka naman dapat ipaliwanag. Sobrang nasaktan lang ako sa mga binibintang mo sa akin. I'm not a flirt. It just happens that I enjoy being with guys. Wala naman akong ginagawang masama at wala ka din namang karapatan para supilin ako sa kung ano ang gusto kong gawin at kung sino ang gusto kong makasama." Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niy

