Wala na si Anton sa bahay nang magising ako, kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Bagaman galit ako, alam kong kailangan kong pa ring pumasok sa trabaho. Naka-schedule na ang aking mga araw-araw na gawain, at ayokong magpatalo sa pambubully niya sa akin.
Sumasama pa rin ang loob ko dahil maruming babae pala ang tingin niya sa akin.
Noong makababa na ako sa kusina, napansin ko ang isang maliit na sobre sa mesa. Nalito ako, kaya binuksan ko ito. Sa loob ay isang papel na pera. Wait! Is he kidding me? Bente lang?! Halos mag-usok ang ilong ko sa inis! Nag-iwan pa siya!
Napahalakhak ako. Natatawa ako dahil sa perang hawak ko. Who could imagine that a heiress like me only owns a 20-peso bill right now? Ibinulsa ko iyon at nagmadaling lumabas at pumara ng jeepney. I had no choice but to ride it.
Ayaw kong isipin si Anton dahil sinisira na niya ang araw ko, hindi pa man ito nag-uumpisa. Tuwang-tuwa siguro iyon ngayon dahil naiinsulto niya ako. But I won't let him know that I'm affected.
Nang pumasok ako sa locker room sa resort, lumapit sa akin si Martia, na may ngiti sa kanyang mga labi. Iniwasan kong magtaas ng kilay. "Marunong ka palang mag-commute?" sabi niya, sinisikap na alisin sa mukha ang tawa.
"Basic," maikli kong sagot.
Napatawa si Martia. "Kung sabagay sa Cebu City ka pala nag-aral baka roon ka natuto."
Tama siya. I learned to commute there. May mga yaya at driver ako noong nag-aaral, pero dahil sa kuryosidad ay sinubukan ko silang takasan ng ilang beses at mag-commute mag-isa. It was fun, actually. I got the freedom that I wanted. Wala roon si Papa na laging nakabantay sa lahat ng gagawin ko.
Napailing ako. Those memories that I'm missing. Napangiti ako ng mapait noong itulak ko na ang cleaning cart.
Kasama si Martia, nagtungo kami sa unang kuwarto na lilinisin. Sa pagpasok namin sa kuwarto, sinimulan kong ayusin ang kama habang si Martia naman ang naglinis ng banyo.
"Saan ka pupunta sa weekend?" Martia asked.
Nagpatuloy ako sa pagpalit ng bedsheet. "Backa magbasa lang ako ng libro sa bahay."
"Wala ka bang kaibigan?"
Napangisi ako. "Sa tingin mo, babarkada ka pa rin ba sa tulad ko kung na-post na ang mukha ko sa mga newspapers and even on the news?"
Humalakhak siya. "Napatunayan naman na wala kang kasalanan sa nangyari."
Hindi na lang ako sumagot. I heaved a sigh. Makikita mo talaga ang mga tunay mong kaibigan kapag nakakaharap ka sa mga ganitong sitwasyon. Baka nga itakwil ako ng mga elite kong friends kapag nalaman nilang isa na lang akong chambermaid ngayon. But I don't give a f*ck! I don't need them anyway. Isang kaibigan lang sapat na, gaya ni Hugh.
Sa buong umaga, naglinis kami mula sa isang kuwarto patungo sa iba pa. Ipinagpasalamat ko na lang na daldal lang ng daldal si Martia, kaya hindi ako nainip.
Nalaman kong labingwalo pa lamang siya noong maging empleyado siya ng resort. Dito na niya halos iginugol ang buhay niya. May anak na siya ngunit walang asawa.
Napapataas ang kilay ko tuwing pinupuri niya si Anton. "Alam mo, suwerte ang papa mo kay Anton dahil mahal ni Anton ang resort ninyo. Suwerte rin si Anton dahil nakahanap siya ng katulad ng papa mo. Napakabuti ni Senyor Paulo," kuwento niya.
Iniwasan ko na lang magkomento.
Pagdating ng tanghalian, nagpahinga kami ni Martia at pumunta sa cafeteria ng mga empleyado. Kumuha kami ng aming mga plato at sumali sa ibang mga staff para pumila sa counter. I couldn't help but notice a few judgmental glances directed my way, but I paid them no mind. Their opinions were irrelevant to me.
Lumapit si Martia sa akin at bumulong, "Huwag mo silang pansinin, Ey. Inggit lang sila dahil mahusay ka na agad sa trabaho."
Taas-noo akong lumingon sa kanya. "I don't need your empathy, but thanks."
Nagpatuloy kami sa aming pagkain at hindi na pinansin ang mga tingin ng iba. Matapos ang tanghalian, bumalik kami sa aming mga trabaho at patuloy na naglinis at nag-ayos ng mga kuwarto. Sa huling oras ng trabaho, naglakad kami pabalik sa locker room. Nakaramdam ako ng pagod at umupo sa bakanteng monoblock na naroon. Isinandal ko ang aking likod at pumikit.
"Hanggang kailan kaya siya tatagal?" dinig kong bulong ng babaeng naghuhubad ng kanyang uniporme.
"Pupusta ako, isang linggo."
"Ako, four days. Tingnan mo siya, pagod na pagod na. Ilang kuwarto lang naman ang nalinis."
"Ano ka ba? Senyorita 'yan sa mansion nila, expected nang malamya," sabi naman ng isa.
"Hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka. Sesantihin pa tayo," bulong ng isa.
"Maldita raw 'yan, kaya walang nagmamahal."
"Deserved!" Paumailanlang sa loob ng kuwarto ang hagikgikan nila.
I frowned, still my eyes closed. Pumasok sa utak ko kung deserve ko ba talagang mag-isa. Am I that bad to hear such things? Alam nilang nandito ako pero harapan akong iniinsulto.
"May nakapagsabi sa akin, pati nga si Senyor Paulo hindi na nakatiis sa ugali niya."
"Tumigil na kayo!" boses iyon ni Martia.
"Wala naman kaming binabanggit na pangalan, a!"
"Mind your own business! Magsi-uwi na nga kayo!" si Martia ulit.
They all groaned. Rinig ko ang mabibigat nilang hakbang sa paglabas. Dumilat ako at ang nakangiting mukha ni Martia ang bumungad sa akin. I wonder why she is so good to me now compared to the other day.
"Bukas ulit, Ey. Papasok ka pa rin?" aniya.
"Oo naman." Like I have a choice, right?
"O, siya! Mauuna na ako, mag-iingat ka sa biyahe pag-uwi." Kumaway siya sa akin. I gave her a nod.
Nanatili akong nakaupo roon. Hinilot ko ang sentido dahil biglang sumakit ang ulo sa mga narinig ko. I took that moment to pull out my phone and send a text message.
To Hugh:
Hi, can you pick me up after work? I need a lift.
I waited for a response, and after a few moments, a message from him popped up on my screen.
From Hugh:
I wish I could, but I'm swamped with university stuff today. I can't make it. Sorry.
I sighed, a bit disappointed, but I understand it. I put my phone away, focusing my attention back on the present moment.
I had no choice but to wait for Anton. Ubos na ang bente na ibinigay niya. Nag-crave kasi ako ng ice cream kanina. Napakabilis pa lang maubos ng pera. I'm curious how poor people with a fixed income manage to get by each day. At paano pa 'yong mga wala talagang mapagkukunan ng ikabubuhay?
Life is unfair. I had this sudden wish: na sana mayaman na lang lahat tulad ko. Tumawa ako dahil sa iniisip ko. Lumabas ako sa locker room.
I headed down to the parking lot. Umupo ako sa waiting shed na naroon. Pinagmasdan ko ang mga empleyadong lumalabas at pumapasok. Bumalik ang aking diwa nang mapansin kong papalapit si Anton sa kanyang sasakyan.
He was wearing a black t-shirt, tamang fit lang sa maskulado niyang katawan. Nanatili lamang akong nakaupo ngunit nanuyo ang lalamunan ko bigla nang mabaling sa akin ang tingin niya.
Wearing his jeans and old rubber shoes, I noticed Anton trying to exude an intimidating aura. Matikas ang kanyang tindig.
However, I remained unfazed by his appearance. I met his gaze with confidence and rolled my eyes, refusing to be affected by his attempt at intimidation.
I saw through his facade of arrogance and hostility, recognizing it as nothing more than an empty display of power. Despite his well-defined body and the way he moved, I saw past the superficial traits he used to assert dominance.
I knew that true strength lay in one's character and actions, not mere physical attributes. With a smirk on my face, I stood up, unbothered by his presence, and walked near him.
Napansin ko ang paggalawan ng panga niya. "May hinihintay ka pa ba?" Malamig niyang sabi. "Get in; don't waste my time."
Nag-alangan ako kung sasakay ba ako, pero ibinaba ko ang pride ko. Wala na akong pera, kaya wala akong choice. Tahimik akong sumakay. We were both silent while going home.
Habang nasa daan ay may nakita akong isang pamilyang kumakain sa isang restaurant. Sinusubuan ng matandang babae ang kanyang anak na lalaki. Ang matandang lalake naman ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. I used to feel that warmth in their eyes. Ganoon din ako noon tingnan ng aking ama. I was also pampered by my mom. Those were the days, and I missed it.
I smiled pathetically. Habang pinagmamasdan sila ay na-realize ko na wala na akong pamilyang inuuwian. Wala na rin akong bahay dahil nakapangalan na ang mansion kay Anton.
I suddenly felt so alone. Nanatili ang mga mata ko sa bintana habang umaandar ang kotse. Malungkot kong pinanood ang mga pamilyang nagtatampisaw sa tabi ng dagat.
Simple lang ang buhay nila, pero makikita sa mga galaw na kuntento na sila sa kung ano mang meron sila. I suddenly got jealous of the happiness on their faces, causing my heart tightened.
Santander is not a happy place anymore for me. No one wants me here. No one needs me here.
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa aking kuwarto. Dumapa ako roon at umiyak ng tahimik. Doon ko napagdesisyonang umalis na lang dito.
Kinapalan ko ang mukha kong tumawag at humiram ng pera kay Hugh. Gusto kong ibenta ang mga mamahalin kong gamit ngunit hindi ko magawa dahil pati WiFi namin ay pinutol din ni Anton.
Natigil ako sa pag-emote noong tumunog ang aking phone. I looked at the screen and saw that Hugh was calling. Sinagot ko iyon.
"Nasa labas na ako kanina ng bahay nyo, pero hindi mo naman daw kailangan ng pera sabi ng uyab mo," malagom ang boses na bungad niya.
Napabangon ako. "Sinong uyab?" Bumaba ako sa kama. Isinuot ang fluffy white slippers at naglakad palabas ng aking kuwarto. "Nariyan ka pa sa labas?"
"Wala na." Humalakhak siya sa kabilang linya. "Nakauwi na ako, sabi kasi no'ng lalakeng kasama mo, hindi mo raw kailangan ng pera."
Pumadyak ako. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Hugo."
"Hugh, not Hugo!" He laughed and roared again.
"Bumalik ka rito at ipahiram mo sa akin ang pera mo, please." May diin pa ang huling salita ko. Magsasalita pa sana ako ngunit biglang may umagaw sa phone ko. Namimilog ang mga mata ko, noong patayin niya ang tawag.
"You, brusque pobre! Bakit nakikialam ka, ha?"
"Why do you need money?" He snarled at me.
Hindi ako sumagot, bagkus mabigat ang mga paa kong pumasok sa kuwarto. I pulled out my luggage bag and put some of my clothes inside. Kahit hindi na magkakapares ang mga damit ay ipinasok ko pa rin. Kahit hindi ko makita ang kapares ng limited edition lingerie ko ay inilagay ko pa rin sa loob.
Sumunod siya sa loob. "You're not going anywhere!" Inagaw niya sa akin ang luggage at itinago iyon sa likod niya. "Let's talk, Ey." His brown eyes plead softly.
Ngayon malumanay na siya? Wala ba akong karapatang magalit?
"I'm leaving; please give it back to me," pagod na sabi ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako na naiiyak na pagod na hindi ko na maintindihan.
Then we both heard the bell ring. Akma sana akong hahakbang para lumabas at buksan iyon, pero hinawakan ako ni Anton sa braso. "Please, Ey. Stay here," His voice almost gentle.
"Bakit pa ako mag-i-stay kung galit ka sa 'kin?" masakit ang loob kong sabi. Napalunok ako at pinigilan ang sarili kong umiyak.
Natigilan ako. Now I am finally admitting that I am damn weak! Behind my lion demeanor is a little girl crying on the inside.
"I don't belong here; nobody wants me here. Ni hindi man lang nag-aalala sa akin si papa. At ikaw!" Dinuro ko siya sa dibdib at lumabi ako. "You don't want me here," pumiyok ako at iniwas ang tingin ko sa kanya.
Sobrang sakit ng puso ko tuwing binabalewala niya ako. Ilang buwan pa lang kaming magkasama, pero na-realize kong nag-ugat na siya sa puso ko. Bakit ganoon?!
Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nang matanggal ko iyon ay naglakad na ako palabas.
"Isang hakbang pa, bubuntisin na kita!" sigaw niya. Marahas ang ginawa kong paglingon.
Namilog ang mga mata ko. "W-what?" My knees almost trembled.
Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya. "Nagseselos ako, Ey..." He murmured, and I noticed a single tear from his eyes.
Nagtiim-bagang ako. "There is no way you would get jealous. Galit ka nga sa akin, 'di ba?" Tinalikuran ko siya.
Mabilis ang mga hakbang ko ngunit mas mabilis niya akong naabutan. Binuhat niya ako, kaya tumili ako. "Put me down! You, as*hole!" sigaw ko sa kanya. I tried punching his muscled back.
"I won't! Dito ka lang!" Ibinagsak niya ako sa kama. Bumangon ako. Itinulak niya ako para mapahigang muli roon. I tried getting up again even though my heart was racing now, but he pushed me again.
Sumampa siya sa kama. Kinubabawan niya ako. Ipinaghiwalay niya ang aking hita at hinawakan ang magkabila kong kamay. Nagpumiglas ako!
Tumaas ang mga balahibo ko noong magsimula siyang mag-grind sa ibabaw ko. Nanlaki ang mga mata ko. "No, please, Anton. Hindi na ako aalis. Please, let go of me," nanginginig ang labi kong sabi.
Nang makita kong lumambot ang mga mata niya ay napaiyak na ako ng tuluyan. "You are bad." I started to sob uncontrollably.
Lumuwag ang hawak niya sa akin at pinunasan ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa mga mata ko gamit ang magkabila niyang hintuturo.
Ibinangon niya ako at ikinulong sa kaniyang bisig. Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak sa dibdib niya. He was uttering an apology while caressing my back. "I'm so sorry, Ey," halos may pagsuyo niyang bulong.
Inilayo niya ako ng bahagya sa kanya at muling pinunasan ang mata kong hilam na sa luha. "I'm so sorry, baby..."
Nagpatuloy ako sa pagluha dahil naninikip na ang dibdib ko sa sakit. Natigil lang iyon noong ipinaglapit niya ang aming mga mukha.
He kissed me warmly, and I was too stunned to respond!