Part 10
Bumaba si micah upang puntahan si Zach sa labas at nahirapan lang naman siyang makalabas ng bahay dahil gising pa ang parents niya. hinintay pa niyang pumasok ang dalawa sa silid
"anong ginagawa mo dito?" Galit niyang tanong.
"alam kong miss mo na ako baka dika maka tulog pag di mo ako makita." Ngisi nito.
"Yuck..sinong may sabi.?" Napa irap siya.
"feel ko lang."naka smile nitong saad
napatingin siya sa lalaki. kung tutuusin ang layo nito kay luke.. desenting magsuot, may sense of humor kausap. samantalang si zach kabaligtaran ni luke.
bastos,walang modo, madalas pa siyang iniinsulto,, may suot pang hikaw sa kaliwang tenga.,mejo mahaba ang buhok na nakatali sa likod, at higit sa lahat mukhang tambay lang sa kanto,. yun ngalang gwapo. perfect ang biceps pwedi ngang maging artista.. teka bakit niya ba naiisip yun.
"umalis kana..baka makita ka ni daddy dito.." sa halip ay pagtataboy niya.
"Okay masaya na ako makita ka. wala bang kiss muna bago ako umalis?" Ngumuso pa ito.
"ito gusto mo?"ipinakita niya ang muscle.
"wow nakakatakot.!pahawak..?"sabay lapit pa nito sa kanya.
"umalis kana..papasok na ako." Agad niyang iwas akmang tatalikod nang pigilan siya ulit nito.
hinawakan siya sa kamay ng lalaki kaya heto natulala siyang naka titig sa color brown nitong mata habang kinakabahan
"goodnight baby.!" Naka smile nitong sabi na tumalikod, tinungo ang naka paradang sasakyan at bago pa marating ang kotse ay nilingon siya nag flying kiss saka tuluyang sumakay at kumuway na pinaharorot na ang kotse.
"Haysss bwesit..!!" Dama niya ang pag ka tulala sa lalaki kanina
Nang makabalik sa tamang huwisyo ay pumasok na siya sa loob nang bahay upang mapa tulala nanaman nang makita ang inang naka tayo sa may pintuan.
"Saan ka galing.?" Mariing tanong nito.
OMG ANONG SASABIHIN KO?
"siya nanaman. kayo naba ng lalaking yun? niluluko mo ba si luke?" Dipa man nakaka imik ay tanong nitong muli.
"mommy naman eh matutulog na ako. bukas tayo mag usap." Kunwari ay nag hikab upang maka iwas. naiinis nanaman siya kay zach pahamak talaga ito, pero kapag naalala niya ang taning nito ay naawa siya sa lalaki.
tiningnan siya nang ina na parang nababasa ang laman nang utak niya.
"wala ka bang aaminin sakin mica.? " Tanong nito, ano bang dapat niyang aminin.
",goodnight mommy." malambing niyang saad
iniwan niya na ito saka bumalik sa kanyang kwarto na kinakabahan..
pero in the end natulog siyang naka smile.
Kinahapunan pag kagaling sa school ay naunahan siyang sunduin ni zach sa ama at heto sakay siya sa kotse nito.
Wala siyang alam kung saan siya nito dadalhin panay lang ang smile nang lalaki.
"saan mo ba ako dadalhin?" Nang di makatiis ay tanong niya.
"This is our first date.."ayon dito.
"Tsss..anong date?" Talagang pinangatawanan na nito ang pagiging boyfriend sa kanya. Pero sheet ang gwapo nito ngayon, Nahuli tuloy siyang naka tingin dito.
"Date natin, wag kana mag pakipot pa baby alam kong kinikilig ka sakin ang sweet ko kaya " tumawa ito.
Napa irap siya. Kung hindi sa sakit nito hindi niya bibigyan nang panahon ang lalaki, mahal niya si luke at wala siyang balak itong palitan.
Napa pitlag siya nang tumunog ang phone tumatawag ang dad niya sinagot niya iyon at sinabing kasama niya si zach. Mabait ang dad niya at may tiwala ito sa kanya kaya wala siyang naririnig mula reto.
may ilang oras din silang nag byahe kaya inabot sila nang gabi bago nito inihinto ang sasakyan sa isang mataas na lugar kung saan tanaw niya ang ibat ibang kulay ng ilaw.
kaya heto naka nganga siya habang tinitingnan ang mga maliliit na ilaw sa malayo at para bang abot kamay niya lang.
"ang ganda..!!" Bulalas niya, dipa kasi siya doon nakaka punta, kapag nag da-date sila ni luke ay sa bahay lang nito.
"thanks nagustuhan mo pala. Hayaan mo mas marami pa tayong mas magandang lugar na mapupuntahang mag kasama." Lumapit ito at kinuha ang kamay niya, tuloy doon siya napa tingin, gosh biglang may bitwin sa paligid nila.
Pero mabilis niyang binawi ang kamay,
"galit kaba sakin or nag papakipot lang." Natatawa nitong tanong na kinuha muli ang kamay niya.
"Zach may mahal na ako, pweding friends nalang tayo." Bulalas niya
"Ayaw ko, pag friends ba tayo pwedi kong gawin ito.?" Tukoy nito sa kamay nilang dalawa.
Sheet anong nangyayari pakiramdam niya nagtataksil na siya kay luke.
Binawi niya ang kamay,
"Ahh basta friends lang tayo." Inirapan niya ito at ibinalik ang attention sa mga ilaw na nasa malayo.
Pero hinawakan siya nito sa pisnge at ibinaling ang tingin reto. bakit parang kinikilabutan siya nang mag tama ang mga mata nila ni zach. .anong mayrun sa mata to..di kaya isa itong vampire at mamaya lalapain nalang siya bigla..
"May airplane..!! sigaw niya na tumingala, nag mistula siyang limang taon kaya tinawanan siya nito, ang totoo para lang maputol ang titigan nila.
umupo ito sa hood nang kotse at walang ginawa kundi titigan siya.
"mica mahal mo ba talaga yung boyfriend mong prof." Kalaunan ay tanong nito sa kanya sa malongkot na boses.
"bakit mo naman tinatanong?" Nag iwas siya nang tingin sa lalaki.
"kasi seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo, mahal na kita." Pag aamin nito,
Sa muli at napa tingin siya sa gawi nito ng Deritso. bakit parang kinilig siya nang kunti, Nang mabilis siya nitong yakapin as in OMG.!! feel niya ang heart beat nito pati naka yakap na biceps sa kanya., nalanghap din niya ang mabangong amoy ni zach .
yayakapin din niya kaya ang lalaki or itutulak.?
"My god babe pwedi bang umuwi kana.!! Dasal niya.