Part 11
Tinulak niya ito syempre anong akala ni zach sa kanya kaladkaring babae.
"Umuwi na tayo papagalitan na ako ni Mommy " nag mamadali na siyang pumasok sa kotse
"Anu na wala ka manlang sasabihin sakin?" Sinundan siya nang lalaki at ngayon ay naka tunghay sa kanya sa bintana nang kotse bahagya itong naka yuko sa kanya.
"Sasabihing anu?"pag kukunwari niya.
"na mahal mo din ako?" Makulit nitong tanong.
panu naman kaya nito nasiguro na mahal at magugustuhan niya ito eh may babe na siya.
"di kita mahal zach, at di kita magugustuhan kaya tigilan mo na ako, si luke lang ang love ko..swear..!!."tinaas niya pa ang isang palad.
Walang ganang sumakay ito nang kotse matapos umikot sa kabilang side.
"kung mahal ka niya dika iiwan im sure may babae na yun duon." Pag sampa nang kotse ay saad nitong tinawanan siya,
"hoyyyy ibahin mo si boyfy hindi siya ganung klaseng lalaki, "galit niyang baling dito.
"Okay..mabait na siya kung mabait wala akong pake.! basta micah mahal kita di ako titigil hanggat dika nagiging akin.." seryosong saad nito na binuhay ang makina nang sasakyan.
isinumpa ba talaga ang kagandahan niyang ito para pag agawan nang dalawang gwapo, .sheeeet di ata niya kinakaya ang nangyayari sa paligid niya,
Dinala pa siya nito sa isang restaurant,
"Zach iuwi mo na sabi ako, sa haus na ako kakain, hinihintay akk nina mom." Nakukulitan na siya kay zach,
Wala itong narinig na bumaba nang kotse, may plano nanaman yta itong buhatin siya kaya kusa siyang bumaba,
Nginitian lang siya nito habang sabay silang kumakain, inirapan niya ito, naiinis siyang walang magawa, hindi naman kasi ito ang mapapagakitan ng mom niya, kundi siya.
Mabuti naman at hinatid kaagad siya pauwi after nilang kumain.
"bukas ulit baby." Pahabol nito sa kanya nang magmamadi na siyang bumaba.
"wala ng bukas zach..lubayan mo ako..tseeeee!." Tugon niya na dina nag abala pang lumingon,
"I love you..!!!!" Sigaw nito na pakiramdam niya umabot sa loob nang kanilang bahay shet nanadya ba talaga si zach, bumalik siya para hampasin ito nang dala niyang bag,
Pero nakipag habulan pa ito sa kanya, stress siyang iniwan nalang ito na hindi naka tama, ayon sermon nanaman ang inabot niya sa ina, pero katulad nang mga nakaraang araw, pasok sa kabilang tainga labas sa kabila, ganern lang.
Pag pasok sa kanyang silid kinuha niya ang phone at tiningnan ang inbox, kahapon pa ang huling messages sa kanya ni luke, kaya siya na ang unang nag chat nang "i miss you, totoong iyon ang nararamdaman niya, sa tuwing umuuwi siya si luke ang gusto niyang maka usap at makita.
Naka tulugan nalang niya ata ang pag hihintay nang minsahe ni luke,
Lumipas ang mahigit dalawang buwan.
"Sinagot mo naba si insan?" Isang araw habang nasa classroom siya ay tanong ni ella sa kanya
"excuse me..wala akong balak sagutin siya."
"Anu pa bang ayaw mo kay zack.?" Naiinis na tanong ni rita,"gwapo,macho,caring,mabait,etchetera..."
"Pero diko ko siya mahal." Putol niya sa sasabihin nito.
"kalimutan mo na si prof okay?" Nandiyan na nga si insan na mahal na mahal ka, " ani ella.
naiinis siyang tumayo.
"pwedi ba wag niyo na ipilit sakin si zach dahil diko siya type..ewwww!!" Nandidiri niyang saad
"Naman kasi friend alam kong sa huling pag kakataon ikaw lang ang mag papasaya sa pinsan ko bago siya mawala maawa ka naman sa kanya.." pag mamakaawa nito.
" Pero ayaw kung lukuhin si luke..sorry ella."
"Okay ganito nalang kunwari lang sagutin mo si insan, walang totoo,."
"Ano.? Ibig sabihin paasahin ko siya.?" Naiinis siya.
"pumayag kana kasi micah alam mo namang isang taon nalang magiging masaya si zach, at ikaw lang makapag palasaya sa kanya. " Pati ai Rita ay kinukulit siya.
Matagal siyang di sumagot.
"sige basta may contract tayo ha.. "sa huli ay pumayag na.
Dahil dito tuwang tuwa siyang niyakap ni ella at rita. Panay pa pasalamat sa kanya,
Nang sumapit ang hapon asual nasa labas nanaman si zach at matyagang nag aabang sa kanya, sa loob nang dawang buwan,
"Sinasagot na kita zach." pilit ang ngiting pinaka walan niya. Hindi siya masaya. Pero ayus lang para sa pag kakaibigan nila ni ella.
"di mo manlang pinatagal agad agad atat kadin palang sagutin ako.."mayabang pa nitong react.
Nandilat ang mga mata niya,
"abat...ayaw mo pa??"
"Syempre joke lang di kana mabiro." Tumawa pa ito," kiss na." sabay nguso.
"Lilinawin ko lang zach ha ang touch and kiss." Iniripan niya ito.
wala naman talaga siyang balak sagutin ang lalaki kundi di dahil kay ella..at sinasabi nitong may taning na si zack.
Sa sinabi niya napa simangot ang lalaki "kung ganoon dimo ako mahal, anu to nakikipag laro kalang.?" May tampo sa tuno nang lalaki,
"hoyyyyy bakulaw walang kiss na magaganap satin noh..?mamamaya buntisin mo pa ako." mataray niyang singhal kay zach na hindi tinablan sa drama nito.
"hanep saan ka nakakita nang kinis lang buntis agad?" Tumatawa na ito sa sunod na sinabi,
"ahhh..basta.,saka wag kana pupunta sa bahay baka pagalitan ako ni mommy ayaw kasi sayo kaya ililihim nalang muna ito. Pwedi ba yun.?" Tanong niyang naka tikwas ang isang kilay.
"Ayos lang basta hihintayin kita lagi sito sa school ha? Saka kung walang kiss baka pwedi hug nalang.?" Nakangising tanong nito
Nag isip siya, sabagay wala namang mawawala hug lang eh, walang masama doon.
"Okay saglit lang ha"pag payag niya,
Wala itong sinayang na sandali, na agad siyang kinabig,
"Thank you baby, pinasaya mo ako nang sobra ngayong araw."
"Ooooopps tama na."sabay tulak maybnararamdaman kasi siyang kakaiba sa matigas nitong muscle,
"takti naman wala pang seconds. "reklamo nitong galit.
Pero dina niya ito pinansin" bye na."
Problemado siyang umuwi nang bahay sakay nang taxi dahil ayaw niya nang pumunta sa bahay ang lalaki, ngayon paano niya sasabihin kay luke ang ginawa niya, panloloko kasi iyon.
Hindi siya nag pinahalata kay mommy at baka ma buko sila ni zach tiyak sermon nanaman ang aabutin niya. Agad siyang nag kulong sa kwarto.
Habang tahimik na nag iisip ay nag ring ang kanyang phone, tumatawag si ella.
Bantalot niyang sinagot ang tawag nito.
"mag bihis ka dadaanan ka namin ni rita ako ang bahala kay tita." Utos nito sa kanya,
Tipong hindi siya pweding humindi, kaya napa taas ang kilay niya halos kadarating niya lang aalis nanaman siya, baka naman putulan na siya nang mga binti ni mommy.
"Tigilan niyo ako ella wala akong sinabing sasama ako sa inyo noh..'tinarayan niya ito.
"sira..e c-celebrate lang natin ang bago niyong relasyon ni insan.." kinikilig ang boses nito, at tlagang nalaman kaagad nina ella. Sinabi kaagad ni zach ang bagay na yun
"Ella alam mo kung anong rason bakit ko sinagot si zach iyon dahil sa taning niya hmp..!!!" Maktol niya.
"what ever..!!basta mag bihis ka aalis tayo saka diba pasasayahin mo si zack kaya nga pinasagot ko siya sayo.." talak nito.
"ayaw ko period..!bye..!" Saka niya ito pinatayan ng linya.
care niya kung mag enjoy ang mga ito. nag bihis siya at nag pasyang matukog na pero ilang sandali pa nandiyan na sina rita at ella. mukang mabait si mommy na pinatuloy ang mga bruha niyang friends at heto pinag tulungan na siyang bihisan kahit na antok na siya at pagud,
"see ang ganda.!" Bihis na siya at may koloreti na sa mukha nang sabihin ni ella yun.
Sumimangit siya, "Ella may pasok tayo bukas pweding saka na " pinigilan nito ang kamay niya nang akmang tatanggalin ang make up sa mukha
"No buts lets go.!" Halos buhatin na siya nang mga ito.
naiinis nabtalaga siyang walang magawa.
Dinala siya nang dalawa sa meeting place kung saan naroon ang nakangiting nag hihintay na si zach.
"Hindi ako pweding pumunta sa inyo kaya si Ella nalang ang pina sundo ko sayo.. Ayos ba baby.?" Nakangiting tanong nito,
Hinapit ang maliit niyang bewang at ganoon nalang ang panlalaki nang mata niya matapos siyang halikan sa pisnge
Lagot..mapapasubo nanaman siya nito.