Part 12
Okay nag Enjoy naman siya nang gabing kasama ang kanyang mga kaibigan sa pintahang club. Sa sobrang enjoy nga niya nakalimutan niya kung sino siya,
Dinala siya ni Zach sa gitna nang bulwagan at nag sayaw sila pareho na sinasabayan ang maharot na tugtugin, naka inom narin siya at unti unting ginaganahan sa pag sayaw,
ganun pala talaga pag may na mimiss kang tao na gusto mong kalimutan dahil nalolongkot ka.. totoong na mimiss niya si luke at dinadaan niya lang sa pakikipag close sa iba, malaking bagay din si Zach sa kanya, pareho lang sila na nakikinabang sa isat isa, si zach pilit nitong kinakalimutan ang katutuhanang malapit na itong mawala at idinadaan nalang sa pag sasaya ang bawat natitirang sandali dito sa Mundo.
Nang mapagud saka sila umupo." nag enjoy kaba?" Tanong ni zach sa kanya.
"hindi ba obvious?" Tanong niya
"i mean na kasama ako?" Nakangiting tanong nito.
"pwedi na."
"gusto kong kalimutan mo na si luke micah at ako nalang ang isipin mo pwedi ba yun.?" Seryoso nitong tanong. Hindi pa alam ni Zach na sila parin ni luke.
"wala sa usapan natin yun na kalimutan ko si luke." May tila bikig sa kanyang lalamunan, si luke kasi ang buhay niya,
"Balang araw mawawala ako sa tabi mo micah..tas siya ulit makakasama mo.. pweding pag ako ang kasama mo..ako muna ang isipin mo." malongkot nitong saad
Saglit siyang nalongkot, ayaw niya sanang mababanggit iyon ni Zach, ayaw niyang malongkot ito nang ganoon,
"Alam ko naman ang dahilan kung bakit mo ako sinagot eh, dahil naawa kalang sakin, at hindi mo ako mahal, pero umaasa ako na matutunan mo din akong mahalin at makakalimutan mo saglit si luke, promise gagawin ko lahat micah.".
di siya kumibo kasi naman kapag nag salita pa siya tiyak niyang lalo itong masasaktan
Di niya kasi kayang mag mahal nang dalawa, para lang kay luke ang puso niya.
hinawakan siya nito sa kamay saka tumingin sa kanya. Mas gusto niya yung nag aasaran sila kesa ganitong seryoso si Zach. Natatakot siya sa pweding gawin nito sa kanya
"i love you Micah thank you kasi gusto mo ako mapasaya, tsaka naging honest ka sakin..naging totoo ka sa damdamin mo.",. Shet niyakap nanaman siya ni Zach nakakarami na ata ito, Marahan niyang ipinatong ang kamay sa likod at tinapik ito,
"Okay Zach pwedi bitawan mo na ako," pakiusap niya.
Marahan siya nitong binitiwan, sakto namang palalapit ang mga kaibigan kasama ang kani kanilang boyfriend na galing sa gitna at nag sasayaw, walang ginawa ang mga ito kundi ang tudyuin sila ni zach.
Lihim nalang siyang nangingiti.
Nang sumapit ang graduation ceremony nila ay isa si Zach sa nag punta sa school kahit hindi ito makalapit sa kanya dahil naroon ang parents niya, ganoon man ay nakikita niya itong panay ang kaway, nakita niya kung gaano ito kasaya para sa kanya..
nag hintay din ito hanggang sa matapos ang program kahit na inabot pa ng ilang oras. sinamahan pa nga siya nito sa party at may dala pang gift para sa kanya.
"congrats baby..i love you." Chat nito matapos ang party, Masaya nitong ipina abot ang regalo para sa kanya sa pinsan nitong si ella,
Corny man pero sobra niyang na appreciate, pauwi na sila nang mag chat ito uli, naka sakay na siya noon sa kotse nang ama.
Ang sabi nito ngayong naka graduate na siya ay mas madalas na daw sila mag kikita, hindi niya na ito ne reply.
Hindi rin naman nag pa huli ang boyfriend niya kung gift lang ang pag uusapan dahil nag pa package pa ito, pag dating niya sa bahay ay saka iyon ibinigay nang kanyang parents na siyang unang naka tanggap noon,
Dipa man siya nakaka pasok sa room niya ay tumatawag na si luke, nagmamadali naman niyang sinagot ang tawag nito, binati lang naman siya nang nobyo at huminge nang tawad dahil madalang na ito maka tawag sa kanya, naroon nanaman ang guilty niya, sinikap niyang sabihin ang tungkol kay Zach pero dina niya magawa, alam niya kasing hindi siya nito mauunawaan,
Kaya itinago nalang niya muna sa nobyo ang tungkol dito.
Matapos ang tatlong buwan ay nag start na siyang mag trabaho bilang training nang kanyang ama sa office
napaka caring ni zach bilang boyfriend niya na pinupuntahan siya sa trabaho, maliban doon ay sinusundo pa siya nang lalaki, at yung plano nila ni babe na susunod siya sa sweden ay nakalimutan niya na..
"it seems you are busy..kilan ka pupunta dito tapos na graduation niyo.?" Isang gabi habang kausap niya si luke sa video call ay saad nito.
Di siya maka tingin nang deritso sa lalaki ang totoo si Zach ang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis, ayaw niya itong iwan dahil paniguradong masasaktan ito, lalo na at malapit nang mawala ang lalaki,
"im sorry.." mahina niyang tugon,"
"Sorry for what babe.?" Naka kunot nuong tanong nito,
"for everything. For making you disappointed." Napaka longkot niya nang sabihin yun, may luha pa nga sa mga mata niya,
"Sounds you are not interested to come.. may i ask you something micah.!" Mahinang saad nito na deritsong naka tingin sa mga mata niya, "tayo paba? Or may iba kana.?"
Marahil ay nararamdaman ni luke ang pag babago sa kanya sa tuwing mag kakausap sila, hindi na kasi siya katulad nang dati na nilalandi niya ito, hindi narin nito nararamdaman na kinikilig siya sa simple nitong pag i love you, iyon ay dahil na gu-guilty siya.
hindi siya nakasagot, mahal niya si luke at never itong napalitan sa puso niya pero hindi ito deserves na lukuhin,
naawa siya kay zack at gusto niya itong samahan hanggang sa huli.
Kaya naman,
"Break na tayo luke," aniyang malongkot, nag ipun pa siya nang lakas nang loob.
Nakita niya ang pag guhit ng matinding sakit sa mga mata nito, na hindi nakapag salita. Matagal silang nakatitig sa isat isa, hanggang sa nakita niyang namula ang mga mata nito bago napa yuko,
Ang bigat nang kaluoban niya sa mga sandaling iyon, parang libong karayum ang tumarak sa dibdib niya..
".i'll understand.." malongkot nitong saad, "kasalanan ko naman eh kasi iniwan kita, i wish you'll be happy with him micah,"
Katagang tumagos nang subra sa mga buto niya, umiyak siya nang umiyak na parang namatayan.
mas mabuti nalang yun kesa patuloy niyang lukuhin si luke..ayaw niya naman maging unfair sa lalaki,. sa ngayon focus na muna siya sa training at kay zach