“NAGBANYO lang ako,” pagdadahilan ni Ira. “Okay. Go back to sleep. It’s still too early,” wika nito sabay takip sa mga mata ni Ira. “Ano ba?” Pilit na inalis ni Ira ang kamay ni Xyrus sa kanyang mukha. “Pinapipikit lang kita para makasiguro kong matutulog ka pa,” paglilinaw ni Xyrus nang ibaba nito ang kamay. “Hindi mo ako kailangang hawakan. Pipikit na ako, okay?” Pumikit na nga si Ira. Baka kasi kung ano pa ang maisip gawin ni Xyrus. Inaantok pa rin naman siya. Pansamantala lang na nawala ang antok niya nang makita ang reaksyon ng katawan nito sa ganoong oras. May nabasa na kasi siya dati na may morning erection daw ang mga kalalakihan. Napatunayan niyang totoo pala iyon at hindi lang basta tsismis. Naramdaman ni Ira ang marahang paghagod ni Xyrus sa buhok niya. Ang sarap sa paki

