Luna's POV
After that incident sa office/library ni Kyros few days ago ay nagbago na ang pakikitungo niya dito. Kara talk some sense to her ng gabing yun, pakiusap nito na kailangan niya ding ipakita sa tao na mahal na mahal niya ang asawa.
Bumuntong hininga siya sabay hawak sa marriage contract nila. Nang dahil sa papel nato, biglang nabago ang mundo niya. Ngayon isa na siyang asawa nang batang bilyonaryo, at aminin man niya o hindi nahuhulog na siya dito. Sino ba ang hindi?
"Sweetheart which tie should I use?"
Napalingon siya sa likuran niya at nakita si Kyros na nakasuit na habang may dalawang necktie na pinapakita. She pointed out the dark blue on kaysa sa plain black. Agad niyang tinago sa drawer ng side table niya ang marriage contract nila bago naglakad palapit dito. She grab the tie na napili niya bago isinuot iyon sa asawa. Ramdam niya ang mga titig nito kaya kagat labi na iniiwasan niya ng mga mata nito.
"Yan finish na." She said after doing his tie for him. Tatalikod na sana siya nang hulihin nito ang kamay niya at ipalibot nito ang kamay sa bewang niya.
"Didn't I told you to never bite your lips pag nasa malapit ako?"paos na sabi nito kaya napatingala siya sa lalaki. Halos magbanggaan ang ilong nila sa lapit nang mukha nilang dalawa. "Magagalit ba ang asawa ko if halikan ko siya ngayon?" He said habang inilapit nito ang labi nito sa kanya. At tila nang aasar na pinagdampi nito ng mabilis ang labi nila.
Itutulak na sana niya ito nang bigla itong tumawa bago higpitan ang yakap sa kanya. "Aww dont be mad sweetheart, dika naman sumagot kung pwede eh. So pwede ko bang halikan ang asawa ko? Pampagana lang para gumanda ang araw ko?"
Inirapan niya ito bago niyakap ang lalaki at isinandal ang ulo sa dibdib nito . Ramdam niya ang pagtigil nito pero agad din nitong inihaplos ang mga kamay nito sa likod niya.
"Mamimiss kita Ky." Mahinang sabi niya bago ipinikit ang mata at ninamnam ang pakiramdam habang yakap ito.
"Why sweetheart? Gusto mo bang sumama sa akin sa office?" Tanong nito kaya umiling siya at tiningala ito.
"Di naman yun eh." She said habang nakanguso. "Mamimiss ko ang ganito pag tapos na yung kontrata natin." Sabi niya.
Kita niya ang pagbuntong hininga nito sabay kabig sa kanya para halikan ang noo niya. "Why are you thinking about those things early in the morning anyway?"tanong nito sabAy haplos nang isang kamay sa mukha niya. "We've been together for about two months now, malayo pa ang deadline natin love so please stop thinking about it and just enjoy the moment."
She smile bago tumango. "Oo na." She said bago niyakap ang leeg nito. "You may kiss your wife na love." She tease na nagpangisi sa asawa.
Yes she call him with that endearment na, not always dahil naiilang siya pero pinipilit naman niya.
"Yes ma'am" he said bago nito sinakop ang labi niya para bigyan siya nang mainit na halik. And being kiss and hug by him is being normal and natural between them now. After the kiss ay niyakap ulit siya nito bago bigyan nang tatlong beses na halik sa noo na kinasanayan na niya.
And even though they kiss and sleep together, her husband never take advantage of her. Kaya mga bes sagutin niyo ako, paano ako hindi maiinlove sa lalaking to?sagot.
"Pag may kailangan ka dont hesitate to ask our maids ok? And please tell kara to drive safely, kung bakit naman kasi ayaw niyong gawing driver si ashton." Sabi nito na nagpatawa sa kanya.
Magsashopping kasi sila ni Kara tapos girl bonding nadin daw. "Hayaan mo na, ayaw lang naming maghintay si ashton sa amin." Sabi niya na tinanguan nalang nito.
"Fine. Just please call me if magkaproblema kayo ok?" He said, she already got a phone courtesy of her husband kaya tumango na siya. "Bye now love, and if you guys go home early please magpahatid ka kay kara sa office para sabay tayong dalawa na umuwi."
Tumango ulit siya na kinangiti lang nito bago siya bigyan nang halik sa labi at pinakawalan na sa pagkakayakap nito. Naglakad na ito palabas nang pinto nang bigla itong tumigil at hinarap siya.
"Luna Marie." He calls then smile at her, a genuine smile. "If ever our contract ends and we parted ways, always remember hahanapin kita after three years. And if both of us are not married, papakasalan kita kahit ayaw mo pa."sabi nito bago tuluyang lumabas at iwan siyang nakanganga.
--------------------
"Go na ate basta yung usapan natin ha? Kahit anong mangyari susupurtahan kita." Kara said bago ito kumaway at nagdrive paalis at iwan siya sa tapat nang building ni Kyros. Maaga silang natapos sa girl bonding nila kaya as promise nagpahatid siya dito sa opisina ng kuya nito.
Though marami silang napag usapan at talagang nag enjoy siyang kasama ito. Kara is so carefree at tila walang problema sa paligid. Napakamasayahin na sana kaugali nang kuya nito.
Habang naglalakad papasok ay ramdam niya ang mga tingin nang mga empleyado na nasa lobby, ung iba bumabati na may pabow pa. Nakakailang pero ngumingiti nalang siya sa mga ito. Hindi niya alam kung dahil asawa siya ni Kyros o ano pero walang sumabay sa kanya sa elevator.
She look at her face sa repleksiyon niya sa elevator at napabuntong hininga nalang. Nakalugay ngayon ang buhok niyang may kulot kulot sa dulo, tas ang damit naman niya at hapit sa katawan na kulay krema at tila backless ang design sa likod. She's wearing a black high heeled shoes at may nilagay din na konting makeup sa kanya. All this is kara's idea.
When the elevator open ay agad niyang nadinig ang mga pagsinghap ng mga taong nag aabang sa elevator. Nahihiyang ngumiti siya at naglakad nang mabilis palayo doon. Nagtaka siya ng di makita ang secretary ni Kyros, kaya siya nalang mismo ang kumatok at ng di makadinig ng sagot ay binuksan na niya ang pintuan at pumasok.
"I told you to just go miss. Castillo." Kyros said habang nakayuko parin sa papeles nito.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. When he look at her ay tila ito na gulat dahil nasa harap siya nito.
"Hi." She said bago lumapit dito at halikan ito sa pisngi.
Oh before kayo magtanong utos din yan ni Kara. Dapat daw batiin ko si Kyros ng ganyan.
"Nakakadisturbo ba ako?" Nakangiti niyang tanong dito.
Kyros blink his eyes three times bago ito tumayo at hinarap siya. "Love?" Tanong nito kaya natawa siya.
"Oa mo Ky." She said bago tumalikod dito and flip her hair and make sure na nakita nito ang likod ng damit niya. Turo din yan ni Kara.
"What the fck are you wearing?"biglang sigaw nito na expected na niya.
She smile bago naglakad patungo sa sofa at umupo doon. Nananakit na kasi ang mga paa niya, hindi talaga siya sanay mag heels. "Pangit ba love? Ayaw mo ng damit ko? Diba bagay?" Tanong niya na nagpalunok dito.
Kyros walk towards her bago ito umupo sa mesa sa harap niya, at sa gulat niya ay hinila nito at paa niya at inalis ang suot na mga sapatos doon. He then start massaging it na talaga namang masarap sa pakiramdam.
"You look perfect in that dress love but its way too sexy, you show too much skin." Nakasimangot na sabi nito. "And you wear makeup. Tsk I like it better if you dont have anything in your face, mas maganda ka pag ganun." He said na nagpamula sa kanya.
Shutangina Kyros tumigil ka na dahil pag nagsalita kapa, halik ang isasagot ko sayo.
"And sweetheart you dont need to suffer on wearing heels just to please me. Kahit naka paa kapa ok lang sakin, ang importante di manakit ang mga paa mo."
Jusko manahimik kana kyros.
"And please no more wear————."
"Shut up." She said bago niya hinila ang paa niyang minamasahe nito at agad hinila ang nectie ng asawa at halikan ito sa labi na nagpagulat dito.
After few seconds ay agad siyang bumitiw dito bago namumula ang pisngi na nag iwas dito nang tingin.
NAKAKAHIYA.
—————————####———————-