Luna's POV
"Nakaalis na si Kuya?"
Napatingin siya kay Kara at tumango, nasa garden siya at dinidiligan ang mga bulaklak na tinanim niya.
"Alis tayo te." Kara said habang tila ito bata na nagbubunot nang d**o sa tabi niya.
Bumuntong hininga siya bago tumango, bored nadin naman siya kaya why not diba. Agad itong nagpaalam na magbibihis kaya sumunod narin siya. She take a bath and just wear a towel nang lumabas.
"Damn."
Agad siyang napatingin sa nagsalita at ganun nalang ang gulat niya ng makita ang asawa na nakatitig sa kanya.
"Get dressed now Luna and please always lock the door pag naliligo ka. Tandaan mo marami na ang lalaking bantay sa bahay nato." He said bago ito tumalikod at lumabas ng kwarto.
Umiling nalang siya sa inasta at sinabi nito bago ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang walkin closet nila. She picked a short na hanggang gitnang hita niya at isang simpleng itim na spaghetti strap na pang itaas. Hinayaan niya lang ang buhok na nakalugay at ng ma satisfy sa suot at masigurong hindi naman kabastos bastos ang suot niya ay lumabas na siya.
"Get in."
Ganun nalang ang panlalaki ng mata niya to see Kyros waiting infront of the walk-in closet with his masungit look.
"Ha?" She said bago lalabas sana ng tuloyan pero hinarang na siya nito at hinawakan ang braso niya.
"Didn't you hear me? Ang sabi ko get in. Mag palit ka ng damit." Masungit nitong sabi.
"Bakit ba? Inano kana naman ng suot ko?" Inis na sabi niya dito.
Pero pinagtaasan lang siya ng kilay ng lalaki bago siya nito tinulak ng mahina papasok sa walk-in closet nila. "Incase you forgot Luna, asawa mo ako. At sinabi ko na sayo dati ayaw ko ng nagsusuot ka nang short. For Christ sake you even partner it with a spaghetti strap and now hindi lang legs mo ang nakikita kundi pati nadin ang balikat mo." Tila frustrated nitong sabi. Agad itong tumalikod sa kanya at kumuha ng damit.
Halos mapanganga siya when she saw what his giving him. Isang itim na tshirt nito at itim din na pajama.
"Wear that instead." Sabi nito bago naglakad papuntang pintuan ng walk-in closet.
"Jusko Kyros pupunta kami ng mall nang kapatid mo tas ganito ipapasuot mo sa akin? Ano namang gagawin ko sa mall sa get up na to? Magpapajama party?" She said tsaka ibinalik ang damit na kinuha nito.
"Susuotin mo yan o ako ang maghuhubad sayo para isuot ang tshirt at pajama ko? Pick Love." He said bago ito sumandal sa pinto at tinitigan siya na tila naghahamon.
"Naman eh, bat ba kasi ayaw mo sa suot ko? Jusko ang init init sa pinas tas magpapajama ako ng tanghali? Nasaan ang hustisya?"she said.
"Well sweetheart your short is way too short, and I dont want anyone to see soo much of your skin. At sa suot mong yan halos makita na ang kaluluwa mo."
Napanganga siya sa sinabi nito. She then look at herself in the mirror. Ang short niya ay hanggang gitna nang hita, kaya anong sinasabi nitong napakashort nito? Tas ang pang itaas niya ay normal na spaghetti strap na halos lahat ng babae ay sinusuot ito kaya anong pinagpuputok ng loob nito? Kita ang kaluluwa? Jusko saan?
"Dammit." Napatingin siya sa asawa at ganun nalang ang pag atras niya nang makita itong palapit pero agad din siyang napatigil ng hilahin nito ang kamay niya. Halos mahimatay siya sa kahihiyan nang bigla nitong hawakan ang laylayan ng suot niyang pang itaas at hubarin nito iyon.
Pero agad din nitong isinuot ang tshirt nito sa kanya haban seryoso ang mukha sa ginagawa. "There mas bagay sayo ang nababalot, showing too much skin is a big no no to me love kaya pag sinabi kong mag palit ka gawin mo. Do you want me to change your short?" Tila normal nitong sabi kaya agad niyang na itulak ang asawa bago dali daling kinuha ang pajama nito at lumabas.
She then go to the bathroom and change in there. Nang lumabas siya ay naghihintay na ang asawa sa labas habang nakaupo sa kama nila. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at lumapit ss kanya. "Good girl." He said bago siya nito hinalikan sa noo at inakbayan palabas nang kwarto.
"What the hell?" Napatingin sila kay kara na palabas din ng kwarto nito. "Ano yang suot mo te? Ayaw mo nabang lumabas? Tsaka bat ka andito kuya?" She ask bago ito lumapit sa kanila.
Napatingin siya kay Kyros ng bigla itong tumawa. "Actually may pasok ako but I miss my wife so I decided to spend more time with her so that means im going to the mall with you guys. And don't question why she wear my clothes dahil mas gusto ko siyang nakikitang balot na balot at suot ang damit ko." Sabi nito tsaka siya iginaya palakad pababa ng hagdan.
"Jusko kuya sana binalot mo nalang nang kumot si ate luna nahiya naman ako sa pajama mong ang laki laki sa kanya."Kara said bago ito kumindat sa kanya with a big smile on her face. "Tsaka sexy si ate, she should flaunt it."
"And you think I will let her flaunt her sexiness? No way." He said bago ito nauna nang maglakad at iwan silang dalawa ng kapatid nito.
Napatingin siya kay Kara nang bigla itong tumawa. "My god so possessive." Sabi nito kaya napakunot noo siya. Magtatanong pa sana siya nang unahan na siya nito pababa kaya sumunod nalang siya dito.
—————————-
Tulad nga nang sabi ni Kyros sumama ito sa kanila papuntang mall and let me tell you madami itong dalang bodyguard. Tawag pansin din ito dahil gwapong gwapo ito sa puting tshirt na suot at kulay blue na pantalon.
"Ate dito." Kara said bago siya hinila papasok sa isang boutique. Pagpasok palang nila ay ramdam na agad niya ang mga mapanuring tingin nang mga nasa loob sa kanya. Jusko sino ba ang hindi eh nakapajama nga siya at nakapanlalaking damit. "Ito ate isuot mo im sure bagay ito sa iyo." Kara said bago nito ipinakita ang isang red tube dress sa kanya.
"Nope."
Syempre hindi siya yun kundi ang asawa niya na nakatayo na agad sa tabi niya.
"Too sexy for her, pick a classy one na hindi siya nakikitaan nang balat." Tila hari nitong uto sa kapatid.
"Jusko kuya pagsuutin mo nalang kaya nang pang madre yang asawa mo. Napakaseloso mo, dyan na nga kayo." kara said bago ito tumalikod sa kanya.
Magsasalita sana siya nang hawakan siya nang asawa sa kamay at hinila paupo sa may tila sofa sa gitna nang tindahan na yon.
"Good morning sir kyros, it's nice to see you again."
Napatingin siya sa nagsalita at nakita ang isang babaeng Nakangiti habang titig na titig sa asawa niya.
"Show us the store new collection now."
The lady nod bago siya pinasadahan ng tingin bago ito tumalikod.
"You look good love." Kyros said all of a sudden. Nakangiti itong nakatitig sa kanya habang hinahaplos nang kamay nito ang buhok niya. "My shirt looks alot sexier pag suot mo." He said na nagpapula sa kanya. Tangna anong nakain nito?
"Your blushing." He said at ganun nalang ang gulat niya nang halikan siya nito nang mabilis sa labi bago siya niyakap at pinasandal sa dibdib nito. "I'm sorry kung hindi na kita nabibigyan nang attention this past few days, subrang naging busy lang talaga and I'm trying to make sure na safe ka lang lagi kaya di na kita sinasama sa opisina. Pero babawi ako today ok?" He said bago siya halikan sa noo nang tatlong beses.
"Naks kung maglambingan kayong dalawa parang nasa sala lang ah." Kara said bago ito umupo sa tabi niya. At dahil hindi naman kalakihan ang sofa ay naging masikip iyon para sa kanilang tatlo.
She thought Kyros will stand up kaya ganun nalang ang gulat niya nang buhatin siya nito at paupuin sa kandungan nang lalaki at yakapin infront of the madlang people na kanina pa sila tinitingnan.
"Shut up sis, your making my wife felt so embarrassed."
To her surprise ay tinawanan lang sila ni kara bago sila kinunan nang litrato. "Damn kuya, kailan ka pa nakagat ni lovebug? Look at you happy and proud." She said na di naman niya naintindihan.
"Sir ito napo yung mga bago namin." A saleslady said habang nakaturo sa mga damit na nakahanger.
"Go love pick what you want just make sure it wont show too much skin." He said kaya tumayo siya agad at namili sa mga damit na nakahelira sa harap niya. All of them are beautiful pero may tatlo na nakatawag atensiyon niya. Mga simple lng ang tabas pero elegante kaya yun ang pinili niya at binigay sa sales lady.
When she look at Kyros ay tumango ito bago Nakangiting lumapit sa kanya, "Nood tayo ng sine?" He said tsaka hinwakan ang bewang niya. Magtatanong sana siya about sa mga damit na pinili niya nang makitang may iniabot ang saleslady na pinagbigyan niya ng damit sa bodyguard nila.
"I own this mall and Kara own this boutique." Kyros said na tila nababasa ang nasa isip niya. "This boutique is my gift to her on her 18th birthday." Dagdag na sabi nito kaya tumango nalang siya. Magugulat paba siya eh bilyonaryo ang napangasawa niya.
Hindi nadin siya nagtaka nang pumasok sila sa loob ng sinehan nang hindi bumibili nang ticket, Kara decided to go to a spa than joining them kaya sila nalang dalawa nang asawa at ang limang bodyguard nito.
Uupo na sana siya sa tabi nito nang hilahin siya nito at pinaupo sa kandungan nito.
"Its more comfy in my lap love tsaka malamig."he said bago siya niyakap.
"Dami mong alam Kyros." She said bago ito hinarap. This time nakangisi na itong nakatingin sa kanya habang may pilyong ngiti sa labi.
"You know me too well." He said before crushing his lips to hers. Halos mapaungol siya nang makapasok ang dila nito loob nang bibig niya at palalimin nito ang halik na pinagkaloob sa kanya.
When Kyros let her go ay parehas silang naghahabol nang hininga. He then lift up her face bago siya halikan nang magaang halik na dampi dampi lang sa noo, ilong at labi.
"eres hermosa mi esposa."
—————————-###———————————