Matapos kumain ng dalaga ay bumalik naman agad siya sa opisina. Saktong kumain lang naman siya sa isang sikat na fast food restaurant. Pagbalik niya ay kumatok muna siya sa opisina ng binata at pumasok. Pagpasok niya ay nanlaki ang mata niya nang makitang may babaeng nakakandong sa binata habang naghahalikan ang dalawa. "S-sorry po," mabilis niyang wika at lumabas ng opisina nito. Napapikit ang dalaga at napahawak sa dibdib niya. Napakalakas ng kabog at nagdikit ang kilay nang maramdaman ang kakaibang hapdi nu'n. Tinitikis niya ang sakit dahil alam niyang hindi puwede. Hanggang ngayon naaapektuhan pa rin siya. Mahinang pinukpok niya ang kaniyang dibdib at napahinga nang malalim. Pabalik-balik lamang sa utak niya ang nakita kanina. Ang mahigpit na hawak ng binata sa beywang ng babae kan

