Huminto ang sasakyan sa isang restaurant at sumunod naman ang dalaga sa binata na kanina pa tahimik. Sinadya niya talagang pikunin ito dahiil naiinis na siya rito. Buti nga at tumahimik na ang gago. Pagpasok nila sa loob ay kaagad na namangha ang dalaga. Binati sila ng magandang babae. Sobrang ganda talaga nito. “Wow,” mahinang wika ng dalaga. “Welcome to Khadessi’s restaurant,” nakangiting bati nito. Nakatingin lamang si Shan sa dalaga. Napailing siya dahil talaga namang mai-speechless kahit sino kapag nakita ito. “Thank you,” nakangiting saad ni Cross. Napatingin naman siya sa binata at napakunot noo. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mata nito sa dalaga. Tila masayang-masaya ito. Napairap naman si Khadessi at binalingan ng tingin si Shan. “Hello, welcome sa restaurant namin ng

