Nakatingin lamang ang dalaga sa cellphone niya. Walang text or call mula kay Cross, nag-aalala na rin siya rito. Maghapon kasi siyang walang balita eh. “Mukhang balisa ka ah,” komento ng ina niya. Nginitian niya lang ito nang tipid at inilingan. “Okay lang ako, Ma,” sagot niya. “Sige, mag-lock ka ng bahay ha. Alis na ako,” paalam ng ina niya. Tumango naman siya. Nakaalis na ang ina niya subalit hindi pa rin niya ma-contact si Cross. “Ano kaya ang nangyari sa kaniya?” aniya sa kaniyang sarili. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa pintuan nang may kumatok doon. Tumayo siya at pumuwesto sa binata upang tingnan kung sino ang nasa labas. “Cross,” nakangiting saad niya at pinagbuksan ito. Pumasok naman ang binata at ibinigay sa kaniya ang paper bag. May laman iyong pagkain na m

