“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ng binata. “Cross, puwede ka namang umuwi na sa inyo. May pamilya ka at kaya ka nilang bigyan ng magandang edukasiyon. Nahihirapan akong nakikitang nahihirapan ka. Puwede naman nating ipagpatuloy ang relasiyon natin,” wika ni Shan. Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ng binata. “Ginagawa ko ‘to para sa sarili ko. Masaya ako sa bawat paghihirap ko, bakit ba hindi mo maintindihan ‘yon, Shan?” mahinang sambit ng binata. “Nahihirapan ako sa sitwasiyon mo. You have a bright future ahead,” sagot ni Shan. “Alam mong dahil sa ‘yo kaya ako nagpupursige. I want my future with you, hindi ko kailangan ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa akin,” tugon ni Cross. “Cross, your father is dying. Kailangan ka niya,” saad niya rito. Natigilan naman ang binata.

