Kinabukasan ay maaga ang dalaga sa eskuwwelahan nila. Umaasa siyang makikita niya ang binata. Gusto niya itong kausapin. Hindi kasi ito nagre-reply sa messages and calls niya. Subalit hapon na lang ay wala siyang Cross na nakita. Kaagad na nilukob ng lungkot ang puso niya pero hindi siya dapat sumuko. Nasaktan niya ang binata kagabi. Bandang uwian ay napagdesisyonan niyang puntahan ang binata sa dorm nito. Sumakay na siya ng traysikel at nagpahatid. Kahit na may mga ipinagbabawal ay kinausap niya nang maigi ang lalaking bantay ng dorm. Nag-log book siya at pumunta sa kuwarto ni Cross. Kumatok siya nang ilang ulit bago pinagbuksan. “Ano’ng kailangan mo, Miss?” tanong ng lalaki. Mukhang iyon ang dorm mate ng binata. Kinakabahan siya subalit tinitikis niya iyon. “Nandiyan ba si, Cross?

