Weekend ngayon kaya nasa bahay lang nila ang dalaga at inaalagaan ang kaniyang ina. Nilagnat kasi ito, tinawagan niya rin ang kaniyang pinsan na dalaga at walang trabaho. Ito na lang muna ang magbabantay sa ina niya habang nagtatrabaho siya. Mahirap mang iwan ang ina niyang nasa hindi maganda ang kalagayan ay kailangan dahil hindi pa sapat ang naipon niya. Matapos maluto ang nilutong lugaw ay pumunta na siya sa kuwarto ng ina niya. Pagpasok niya ay lalo lamang nanghina ang katawan nito kaysa kanina. “Ma,” tawag niya rito. “Hmm,” mahinang sagot nito. “Ma, dalhin na kita sa hospital,” kinakabahang aniya nang makitang hindi maganda ang situwasiyon nito. Tumawag siya sa emergency hotline ng hospital na malapit lang sa lugar nila habang hawak-hawwak ang kamay ng ina. Kumuha siya ng bag

