Pagkatapos nilang kumain ay napagpasiyahan ng mga ito na maligo sa falls sa hindi kalayuan. Dahil mamayang gabi ay magbo-bonfire sila. Halos lahat naman sa nakikita ng dalaga ay sobrang saya sa kanilang team building. Bumalik naman si Shan sa room niya upang magpalit. Pawis na pawis siya kanina sa activities. “Shan,” tawag sa kaniya ni Cross. Kumuniot naman ang noo niya at nilingon ito. “Ano na namang ginagawa mo rito?” asik niya sa binata. Naiinis pa rin siya rito. Nilapitan siya nito at tinitigan. “I hate it when you’re close to, Mike,” anito. Kaagad na natigilan siya. Kahit kailan napaka-straight forward nitong binata kung magsalita. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya rito pero halata ang sarkasmo sa boses. “He likes you, and I saw him as a threat so please, stay away f

