Ngayon Ang last day nila at uuwi na sila bukas ng lunch. Napagkasunduan nilang i-explore pa lalo ang lugar. Napagpasiyahan nilang mag-hiking ng mga kasamahan niya. Bandang alas-singko na nga sila ng hapon nakauwi. Pagod subalit sobrang nag-enjoy ang dalaga. Kaagad na pumunta sila sa hapag para kumain ng dinner nila. Isa pang nagpapagod sa kaniya ay si Cross na walang ibang ginawa kung hindi ang samaan siya ng tingin, kindatan at kung anu-ano pang nakaka-bwesit sa kaniya. Pagod ang lahat at gusto niya ring mag-relax. Napagpasiyahan niyang pupunta siya ng hot spring mamaya para bumabad. Gusto ng katawan niya na kumalma. Pagkatapos nga nilang kumain ay pumunta na sila sa kani-kanilang rooms. “Shan,” tawag sa kaniya ng baritonong boses sa likod niya. “Bakit?” tanong niya

