HTP 2

1255 Words
Naglalakad si Shan papunta sa clinic ng eskwelahan nila at kaagad na bumati sa nurse. “Good morning po,” aniya. Tiningnan siya ng nurse at nginitian. “Nasa loob si, Cross. Nagvo-volunteer ka naman sa red cross puwede bang ikaw na muna ang gumamot sa kaniya? Kailangan ko kasing umuwi saglit may meeting pa kasi sa faculty mamaya naiwan ko iyong planner ko,” wika ng nurse at kinuha ang kaniyang bag. Akmang magsasalita pa si Shan nang nagba-bye na ito sa kaniya. Napatingin siya sa unahan kung saan naroroon si Cross. Inis na pinuntahan niya ito at binuksan ang blue na kurtinang harang. “Natulog pa ang hinayupak,” mahinang saad niya. “I heard it,” sabat nito. Napairap naman si Shan. “Buti naman, kasi sinadya ko talagang marinig mo,” sagot niya at kumuha na ng bulak at alcohol. May kaunting sugat ang gilid ng labi nito. Pagtingin niya sa binata ay natigilan siya. Nakatitig lang ito sa kaniya. Kaagad na kumunot ang noo ng dalaga. “Ang ganda mo pala sa malapitan, Pres,” wika nito at nginisihan siya. Nag-abot naman kaagad ang kilay niya at mabilis na nilagyan ng alcohol ang bulak at ipinahid sa gilid ng labi nito. Kaagad na napaaray ang binata sa hapdi. Hinawakan nito ang kamay niya. Pakiramdam niya ay may kung ano’ng kumuryente sa kamay niya nang hawakan iyon ng binata. Mabilis na hinila niya ang kamay niya. Ngumiti lamang si Cross na parang tanga. “Dahan-dahanin mo kasi,” wika nito. “S-sorry,” sagot niya at dahan-dahang ginamot ang sugat ni Cross. “Huwag mo akong titigan,” malamig niyang saad. “May muta ka kasi,” sagot ni Cross. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang mata. “Wala naman ah,” aniya. “Joke lang,” sagot ng binata at ngumisi na naman. Naiinis talaga ang dalaga kapag nakikita ang ngiti ni Cross. Tumayo na siya at tinalikuran ito. “Kaya mo na ‘yan, may klase pa ako,” aniya at naglakad na palabas. Naiwan naman si Cross na nakangisi. Lumabas siya ng clinic at nakapamulsang naglakad papunta sa room nila. Habang naglalakad ay napapansin niyang sumusulyap ng tingin sa kaniya ang mga babaeng hindi naman lingid sa kaalaman niya na gusto siya. He doesn’t care anyway. Pumasok siya sa room nila at kaagad na naupo sa upuan niya. “Kumusta, pre?” tanong ni Bernard. “Buti at maliit na sugat lang ang natamo mo,” ani Dunkin. Sumandal siya sa upuan niya at napangiti. “Si, Shan ang gumamot sa ’kin,” pagmamalaki niya. Kaagad na kumunot ang noo ng dalawa. “Crush mo si, Pres?” tanong ni Bernard. Ngumisi lamang si Cross at hindi sumagot. “P*ta! In love ka pre,” ani Dunkin. “Bakit kay, Pres pa? Wala ‘yon, ang taas nu’n. Maganda nga maldita naman. T’saka matalino ‘yon, eh tayo? Wala kang pag-asa roon,” natatawang wika ni Bernard. “Oo nga, sumama ka na lang sa ‘min mamaya. Birthday ng jowa ni, Bernard may inuman daw eh. May mga kaibigan ‘yong mga chicks. Magaganda at sariwa pa,” ani Dunkin. Kaagad na binatukan ni Bernard ang kaibigan. “Gagong ‘to,” ani Bernard. “Bakit? Sariwa pa naman talaga ang grade 7 at grade 8 ah. Baka may tipo ka roon, Cross. Hindi katulad sa ulopong na ‘to na mahilig sa college takot naman makabuntis pero hindi nagko-condom,” ani Dunkin. “Kayo na lang, may lakad ako mamaya. Pinapauwi ako ng mama ko,” saad ni Cross. Natigilan naman ang dalawa. “May mama ka?” tanong ni Bernard. “Gago,” ani Cross at napailing. “Papa mo nag-anak sa ‘yo?” ani Dunkin kay Bernard. Napakamot naman sa batok niya si Bernard. ------------------------------- Naglakad palabas ng classroom nila si Shan. Nagra-rounds siya sandali dahil may nakikita siyang mga taga lower years na nagdi-date pa sa likod ng classroom. Sa tingin niya nga ang iba ay hindi pa nireregla. Napapailing na lamang siya. Isinukbit niya ang kaniyang bag sa balikat niya at naglakad na. Kaunti na lang ang mga estudyante. Paglabas niya ay nakita niya si Cross na nakatayo sa gilid at kumakain ng fishball. “Hi Pres,” ani nito at nginisihan siya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at tinalikuran na. Papunta na siya sa sakayan pauwi sa bahay nila. “Kain nga,” ani Cross at hinawakan ang kamay niya. Natigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Natigilan siya nang makita ang napakaguwapong mukha nito. “B-bitiwan mo ang kamay ko,” kinakabahang sad niya at napaingin sa ibang dieksiyon. Ngumiti si Cross at binitiwan ang kamay niya at ibinigay ang basong gawa sa plastic na may lamang fishball. Tinanggap naman iyon ni Shan at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod pa rin si Cross sa kaniya. May mga estudyanteng napapatingin sa kanila. Mukhang mga nasa lower years ang mga iyon. Kumakain din ng mga street foods. “Uwi ka na, Pres?” tanong ni Cross. Mahinang tumango naman siya. Pagdating nila sa sakayan ay hinarap ito ni Shan. “Salamat, babayaran kita bukas,” mabilis niyang saad at mabilis na sumakay sa traysikel. “Domingo Street po,” ani niya sa driver. Pinipilit niyang huwag lingunin si Cross. Nakatingin lamang siya sa labas at napatingin sa hawak na baso. Napangiti siya at inubos na ang laman nu’n. Naiwan naman si Cross na nakangiti. Ilang saglit pa ay nagsilapitan na ang ibang estudyanteng babae para makipagkaibigan sa kaniya. Samantalahin na lang niya ang panlilibre para makatipid na rin siya. Tama na rin iyon at hindi na siya bibili ng pagkain mamayang gabi. Matutulog na lang siya. Nang makababa si Shan ng traysikel ay nagbayad na siya at dumeritso sa bahay nila. Pumasok na siya at umupo sa couch nilang gawa sa kahoy. Wala pa ang mama niya. Paniguradong overtime na naman iyon. Pumunta siya sa kusina at nagluto ng kanin sa rice cooker. Bibili na lang siya ng 555 na sardinas sa tindahan ni Aling Dina. Kumuha siya ng singkuwenta sa baon niya at lumabas nang makapagbihis na. “Isa pong sardinas, Aling Dina,” ani niya sa matanda. Nakita naman niya ang mga kaibigan nitong kilalang chismosa sa lugar nila. May mga records na ito sa barangay hall. Pinasadahan pa siya ng tingin na akala mo naman ay ang pe-perfect. “Ikaw pa rin pala ang top 1 sa overall ng mga Senior High, Shan,” wika ni Aling Vilma. Hinarap niya ito at tinanguan t’saka tipid na nginitian. “Mabuti naman, sana lang ay huwag kang magaya sa Mama mo na naka-graduate nga ng nursing buntis naman, nakakahiya ‘yon,” komento naman ni Aling Matilda. Napakunot noo naman si Shan. Bigla ay nainis siya sa sinabi nito. Wala na talaga itong nagawa kung hindi ang pansinin ang buhay ng iba. “Oo nga, hindi pa pinagutan. Mabuti sana kung pinagutan kaso hindi,” sang-ayun ulit ni Aling Dina. Nang makuha ni Shan ang sukli at sardinas niya ay hinarap niya si Aling Matilda. “Pinapasabi po pala ng guidance ng school na magpakita po kayo bukas sa office niya. Nakita po ang anak niyong grade eight na nakipaghalikan sa jowa niya sa likod ng classroom. T’saka Aling Vilma, pakisabi pala sa anak mong si, Gargol pakitigil na ang kaka-smart alert sa akin,” wika niya. “Una na po ako,” mahinang saad niya at umuwi na sa bahay nila. Naiwan naman ang tatlo na natahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD