Nagluto naman ang dalaga ng sardinas na may itlog. Paborito niya iyon. Nang matapos ay kumain na siya. Hinihintay na lang niya na matapos ang Mama niya sa shift nito. Matapos kumain ay naghugas na siya ng pinagkainan at pumunta na sa kuwarto niya. Kailangan niyang mag-aral nang mabuti dahil graduating na siya. Ayaw niyang mapagod at mamroblema ang kaniyang ina kapag nag-college na siya.
Kinabukasan nga ay maaga pa siya. Napatingin siya sa gate nila nang makitang isang tulak na lang bibigay na. Bumuntong hininga siya.
“Aayusin kita mamaya,” aniya at naghintay na ng traysikel. Hindi na siya nakapagpaalam sa ina dahil alam niyang pagod ito. Nagluto lang siya ng pagkain para hindi na nito kailangan pang magluto. Binati niya ang guard ng eskuwelahan na si Mang Nikolas. May anak itong kasama sa guard house niya at nag-aaral din sa naturang paaralan.
“Magandang umaga po,” nakangiting aniya.
“Magandang umaga rin, Shan,” sagot nito habang nagluluto sa gilid. Maaga pa kasi pero kailangan na niyang gawin ang mga dapat. Magsu-survey siya sa paligid at tingnan kung ano ang kailangan ayusin. Nagsulat muna siya sa log book nila. Palaging best in attendance siya. Naglakad na siya papunta sa maliit na SSG office nila at tiningnan ang mga nakasulat.
Kailangan niya pa lang magbantay ng mga late, non-wearing of uniforms, mga piercings and right shoes.
“Morning Pres,” bati ng Vice niya. Tinanguan niya lamang ito. Ilang sandali lang naman ay nagsidatingan na rin ang iba. Napakunot noo siya nang malapit na ang flag raising ceremony ay nagsilagayan na ito ng liptint.
“Huwag gawing floorwax ang liptint. Labi niyo iyan hindi semento,” saad ni Shan. Kaagad na nagsitanguan naman si Bei at Carly.
Matapos ang flag raising ceremony at hindi siya masaya sa nakikita. Kaunti lang ang naka-attend. Dala ang meter stick niya ay busangot na pumunta siya sa harap ng gate. Nandoon na lahat ng SSG officers at pinaglinya ang mga late. Ang kaninang maingay at tawanan ay natahimik nang makita siya. Nakatayo lamang si Shan at nakatingin sa kanila. Pumunta siya sa lower years at kaagad na nagngalit ang ngipin.
“Pangalan mo?” tanong niya rito.
“Paulo po, Ate,” sagot nito. Tumango naman siya.
“Tanggalin mo iyang piercing mo sa dila at taenga. Ilagay mo rito sa maliit na absket na dala ko,” matigas niyang saad.
“Kabibili ko pa lang nito kahapon,” sabat niya.
“Wala akong pakialam kung kailan mo nabili. Tanggalin mo at nagmumukha kang fetus na tambay sa kanto. Nasa eskuwelahan ka kaya tanggalin mo,” sambit niya. Napakamot naman sa ulo niya ang bata at inilagay iyon sa basket na dala niya.
“Pangalan?” tanong niya sa batang nasa huling linya ng grade seven.
“Sandra, Ate,” sagot ng babae.
“Tanggalin mo iyang piercing mo sa taenga. Wala ka sa Miss Universe kaya tanggalin mo,” saad niya. Kaagad na kinantiyawan naman ito ng iba. Nagpantig ang taenga ng dalaga at hinarap ang grupo na nangangantiyaw.
“Nakakatuwa iyon ha? Nakakatuwa iyon?” asik niya sa mga ito. Kaagad na nagsitahimik naman ang mga ito. Lahat kayo pumunta sa oval. Bumunot ng damo. Titigil lang kung time na para sa first period,” inis niyang wika. Kaagad na nagsiungutan naman ang iba.
“Shuta kayo!” reklamo ng mga grade nine sa grade eight na nangantiyaw.
“Grade seven, puwede ng umalis at pumunta sa rooms niyo,” aniya. Kaagad na napangiti naman ang mga ito. Sumunod ay pumunta ang dalaga sa mga Senior high at Junior high. Napahawak siya sa ulo niya nang makitang ganoon pa rin. Same face ang nakikita niya. Mabuti na lang din at wala si Zhen.
“Good morning, Pres,” bati ng mga ito. Gumalaw ang panga niya.
“Hindi ba ang sabi ko maging punctual kayo? Ang tatanda na hindi pa rin maitatak sa kokote ang lagi kong sabi. Bilis, doon sa stage. Tanggalin niyo iyong mga maliliit na vandals doon. Kapag tapos na puwede nang umalis. Samahan niyo ang mga ulopong,” wika niya at sumunod naman ang ibang officers.
“Bilib talaga ako sa ‘yo, Shan. Nakaya mong pagandahin ang pamamalakad ng eskuwelahan, may posibilidad kang maging politiko at mabuting tagapagsilbi ng sambayanan,” wika ni Mang Nikolas. Kaagad na natawa naman si Shan.
“Hindi naman po,”aniya at ngumiti. Naalis lang ang ngiti sa labi niya nang makita ang binatang kabababa lang ng traysikel. Si Cross Zhen at talagang kulay green na naman ang panloob nito.
“Poging binata,” komento ni Mang Nikolas sa kaniya. Kaagad na napangiwi naman ang dalaga.
“Morning Pres,” bati nito habang nakangiti.
“Akala mo madadala mo ako sa pangiti-ngiti mo?” malditang aniya rito. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Cross at nginitian.
“Hindi, alam ko namang hindi ka kagaya ng iba eh,” sagot nito at nginisihan siya.
“Mahirap ba paamuin pogi?” tanong ni Mang Nikolas sa binata. Kaagad na kumibot naman ang labi ni Shan.
“Mang Nikolas,” aniya rito. Ngumiti lamang ang guwardiya sa kaniya.
“Pumunta ka sa stage. Hakutin mo ang mga upuan papunta sa rooms. Iyong mga nagamit nu’ng nakaraan,” malditang saad niya at nauna nang maglakad. Nakasunod naman ang binata sa kaniya.
“Init ng ulo mo ah,” anito.
“Pakialam mo?” sagot niya.
“Siguro dahil mint green ang bra mo,” komento nito. Napahawak naman sa dibdib niya ang dalaga at hinarap ito.
“Manyak ka,” saad niya sa matigas na boses. Nginisihan lamang siya ng binata showing his perfect set of white teeth. Kaagad na iniwas naman ng dalaga ng tingin niya rito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Napatingin pa siya sa gilid nang makita ang iilang estudyanteng nakatingin sa kanila.
“Ano’ng tinitingin-tingin niyo ha?” asik niya sa mga ito.
“Mga chismosa, pasok sa loob,” dagdag pa niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakita niyang apat na bangko na lamang ang nandoon.
“Ayan, buhatin mo. Tingnan mo sa likod kung anong grade,” utos niya. Tumango naman ang binata at basta na lang ibinigay sa kaniya ang bag nito. Kaagad na nanlaki ang mata niya.
“Inatay!” aniya at napatingin sa bag nitong maliit at wala yatang laman sa sobrang gaan. Tinataasan niya rin ng kilay ang iba. Nang mag-bell na ay kaagad na nagsialisan ang ibang estudyante sa stage. Sakto namang tapos na ang binata. Nakangiti na naman ito.
“Huwag kang ngumiti, nakakairita ang pagmumukha mo,” asik niya rito. Tinaasan lamang siya nito ng kilay. Natigilan si Shan nang makita ang iilang butil ng pawis sa noo nito. Pogi pa rin naman at mabango.
“Ang ganda nga raw Pres, t’saka ang ganda mo rin. Huwag ka na maging bad mood,” wika nito. Napairap naman ang dalaga.
“Alis na,” aniya rito at ibinato ang bag nito sa mukha ng binata.
“Iyan na ang bag mong walang laman,” asik niya rito.
“May katabi naman eh,” sagot ng binata. Inis na tiningnan lamang ito ng dalaga.
“Bahala ka sa buhay mo,” saad niya at tinalikuran na ito.
“Okay, kung gusto mo ako na rin bahala sa buhay mo,” tukso ng binata sa kaniya.
“Mukha ka namang pittbull,” sagot nito at hindi na nilingon pa ang binata. Nakapamulsang ngumiti lamang si Cross habang nakatingin sa likod ng dalaga.