PLANO pa lamang sana ni Barry na gisingin si Arsie sapagkat nakarating na sila sa bahay ng mga magulang nito. Ngunit hindi na pala niya iyon kailangan pang gawin sapagkat nagmulat na ito ng tuluyan.
Umayos sa pagkaka-upo si Arsie at tinapunan ng tingin ang binata.
"Narito na ba tayo?" tanong niya.
"Oo, narito na tayo."
Sa sinabing iyon ng binata ay noon pa lang niya iginala ang kaniyang panigin sa paligid. Agad napaunat ang kaniyang likuran mula sa pagkakasandal. Tingin sa kaliwang dako niya sa paligid ganoon din sa kanang dako. Maging ang kaniyang dakong likuran ay hindi niya pinalagpas tingnan.
Bakit siya nandirito? Kahit naman napakaraming taon na ang lumipas na hindi siya nakapupunta na rito ay hindi naman sapat iyon para makalimutan niya ang lugar na ito. Idagdag pa na halos wala naman ipinagbago ang paligid.
Dahan-dahan niyang ipinaling ang paningin sa pinaka harapang bahagi ng sasakyan. At mula roon ay nakita niya ang kanilang bahay na gawa sa bato. Na kahit napaka habang panahon niyang hindi nasilayan ng matagal sa personal ay aaminin niyang bigla siyang nanabik na mapasok ito.
Hindi niya ipinahalata sa binata ang pakiramdam na iyon bagkus ay tinapunan niya ito ng masamang tingin at tsaka gigil na nagwika rito.
"So, kaya pala hindi mo sinasabi sa akin kung saan pa iyong sinasabi mo na daraanan natin ay dito pala iyon."
"I'm sorry, Arsie, but I have to this. Nakapangako ako kay Mommy Esther na madadala kita rito bago ka bumalik ng Manila. And puwedi ba, stop acting like a child!" Hindi na rin niya napigilan ang mainis sa ipinapakitang ugali ng dalaga sa kaniya.
"Alam mo kung gaano ako kadismayado ng malaman ko ang sa inyo ni Ate sa kabila ng mga pangako mo sa akin noon. At ganoon ang pakiramdam ko ngayon ulit sa iyo. Kaya nga mas pinili ko ang lumayo para bigyan ng kalayaan ang puso ko dahil sa pagpapa-asa mo sa akin noon. Hindi madali alam mo ba iyon? Marahil bata pa nga ako noon kaya madali lang sa iyo ang magpa-asa ng tulad ko. Pero hindi ang puso ko."
Pinigilan niya ang luha na nais sumiwang sa kaniyang mga mata dahil ayaw niyang makita iyon ng binata. Kaya mas lalo niyang pinanlisikan ito ng mga mata. Ayaw sana niyang balikan ang simula ng lahat. Pero ang binata mismo ang nagtulak 'non sa kaniya para muling ipaalala rito ang lahat.
At dahil sa pangyayari na ito ay isa lang ang napatunayan niya ngayon na inakala niyang matagal ng nawala sa kaniya. At aminado siyang hindi niya gusto ang kung ano man ang nadarama ngayon. At hindi ito maaari.
"Mommy Esther, is coming kaya ayusin mo iyang pagmumukha mo. Nababawasan ang ganda mo," saad ni Barry kay Arsie, bago nito binuksan ang pinto ng sasakyan para lumabas at salubungin ang ginang na papalapit na sa kanila.
Mas lalo naman nanggigil si Arsie sa inakto ng binata sa kaniya na tila wala lang para dito ang lahat ng mga sinabi niya. Tila mas siya pa nga ang napahiya sa sarili.
'Gaga! Ano ba kasi ang pumasok diyan sa utak mo Arsie at bakit kailangan mo pang ipaalala iyon kay Barry, kung hindi ka ba naman lokaret talaga? Ikaw na nga itong may sabi mismo na past is past nang tinangka niyang ibalik ang isang nakalipas sa inyo roon sa bahay nito kanina,' aniya sa isipan lamang.
Nakita niya nang magmano si Barry sa mommy niya at tila may sinabi ito. Naturalmente na hindi niya iyon marinig sapagkat nasa loob pa rin siya ng sasakyan.
Nang makita niya na palapit na ang Mommy niya sa kaniya ay nagpasiya siya na lumabas na at salubungin ito. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ng Mommy niya sa kaniya at tinumbasan niya iyon ng kaparehas na higpit din. Sa pamamagitan ng yakap na iyon ay ipinadama niya ang sobrag pagkasabik sa ina. Aaminin niyang na-miss niya ito ng sobra.
"I'm glad your here, baby. Tiyak na matutuwa ang Daddy mo kapag nalaman niyang nandirito ka," saad ng kaniyang ina matapos siya nitong yakapin ng mahigpit.
"Halina at pumasok na tayo sa loob," saad muli ng ina.
"Mommy, Hindi na po ako makapapasok sa loob at talagang inihatid ko lang si Arsie, rito tulad ng pangako ko sa inyo. May lalakarin po kasi ako na may kinalaman sa negosyong itatayo namin ni Emelia," saad ng binata.
"Ah, sige at mag-iingat ka Salamat ulit hijo sa effort mo."
Agad na-alarma si Arsie nang sabihin ng binata na aalis na ito. Kaya mabilis niyang hinarap ito bago pa man makasakay sa sasakyan nito.
"Babalik ka pa ba?" tanong niya sa binata.
May sumilay na matipid na ngiti sa labi ni Barry dahil sa tanong na iyon ng dalaga sa kaniya.
"Bakit mo itinatanong? Gusto mo bang bumalik pa ako?" sinadya niya na lagyan ng lambing ang tono niyon.
Nainis naman si Arsie sa lambing na tono nito. "Gago! Wala akong ibang ibig sabihin sa tanong ko. Ang sa akin lang gusto ko'ng malaman. Nakakabwiset pati iyan ngiti mo kaya alisin mo iyan," aniya sa binata.
"Bakit nga?"
"'Iyon sasakyan ko kasi. Kung puwedi pakisabay na rin pabalik dito."
"Dont worry about your car. Ako na ang bahala roon, okay. Dadalhin ko naman talaga rito kung iyan ang gusto mo. For now, hayaan mo na muna ma-enjoy ng Mommy at Daddy mo ang presensiya mo rito."
Sa bagay may punto naman ang binata sa sinabi nito. Pareho pa silang napalingon ng tawagin siya ng kaniyang Mommy.
"Si Barry na ang bahala sa sasakyan mo kaya halika na sa loob, baby."
Mas lamang talaga na tinatawag siya ng ina sa ganoon pangalan. Pinaka endearment nito sa kaniya. Siya na nga ang naiilang dahil she's not baby anymore. Pero para sa kaniyang parent siya pa rin ang bukod tanging baby ng mga ito. Dahil na rin siguro dalawa lang naman silang magkapatid at siya pa ang bunso.
Ginaya pa nga iyon ni Barry na itawag sa kaniya. Kinikilig pa nga siya noon kapag ganoon na ang tawag ni Barry sa kaniya. Pero ngayon inis ang nadama niya ng minsan siyang tawagin ng gannoon ng binata kanina.
Tutal narito naman na siya at talagang hindi na siya makaiiwas pa pagbibigyan niya muna ang kaniyang Mommy at Daddy. Mamayang hapon na lang siya babiyahe pabalik ng Manila.
Pagkapasok nila sa loob ng kanilang bahay ay agad niyang nakita ang kaniyang Daddy na naka-upo sa sa kanilang maluwang na sala na sadyang hinihintay ang pagpasok nila ng kaniyang Mommy. Lumapit siya rito para humalik sa pisngi at magmano na rin.
Niyakap siya ng mahigpit ng Ama. Mabababakas rito ang galak sa mga kilos at pananalita nang kumustahin siya.
"Halina at doon na tayo sa komedor para makapag-almusal na rin tayo. Doon niyo na ituloy iyan kumustahan niyong mag-ama." Nagpaling ng paningin ang kaniyang Mommy sa kaniya. "Sinadya ka talaga namin hintayin bago mag-breakfast at nasabi nga ng Kuya Barry mo na hindi ka na niya napakain muna roon at inihatid ka na nga rito agad," wika ng kaniyang Mommy.
Nang makarating sila sa Dining Area ay ipinaghila pa siya ng kaniyang Daddy ng upuan bago ito naupo sa katabi ng Mommy niya.
Iginala niya ang paningin sa nakahain sa mesa. Fried rice, fried egg na sunnyside, Fried hotdog at ham. May loaf bread din at hot chocolate na sa tingin niya ay katitimpa lang dahil umuusok pa iyon.
"Hindi ho ba masama sa inyo ang ganitong klase ng mga pagkain? Puro mamantika po lahat ito."
"Hindi naman, Anak. No need to worry," saad ng mommy niya.
Dahil sa nakaraamdam rin ng gutom bigla ay nag-umpisa siyang magsandok ng sinangag. Kung tutuusin kahit wala na iyon ulam dahil malasa na iyon.
Hindi niya namalayan kung gaano na karami ang nakain niya basta naramdaman na niyang nabusog yata siya ng sobra. Iba pala epekto ng nalalasing sa kaniya nakakaganang kumain. Hindi na rin ganoon kasakit ang ulo niya. nabawasan na rin ang pagkirot niyon kahit wala siyang iniinom na gamot para sa head ache.
"Arsie, anak. babalik ka na rin ba agad ng Manila talaga?" tanong ng kaniyang Daddy.
"Yes, 'Dad. Hihintayin ko lang matapos linisan sa carwash ang kotse ko."
"Hindi ba puwedi na mag-stay ka muna dito kahit mga isang linggo lang?"
"Oo nga naman, baby," Sigunda naman ng Mommy niya.
Syete! Sinasabi na nga ba niya. Na hindi puwedi na hindi ito hilingin sa kaniya ng kaniyang magulang. Ito pa naman ang iniiwasan niya. At ayaw niya ng kinukulit siya.
"Ahm, Mom, Dad. May trabaho po akong naghihintay sa Manila. Alam niyo naman na maliban sa Bookshop Cafe may iba pa ho ako'ng pinagkaka-abalahan, kaya hindi ho maaari."
Sinabi lamang niya iyon pero kung tutuusin ay maaari naman niyang pagbigyan ang mga ito ayaw lang niya. Ngayon pa na nandito rin Si Barry. Pero sa kabilag banda sa nakikita niyang reaksiyon ng magulang parang gusto niya tuloy ma-guilty. Lalo na nang muling maki-usap ang mga ito sa kaniya.
Napabuga siya ng mahina. "Okay, payag na po ako pero isang linggo lang. Hangang doon lang ang kaya ko," seryoso niyang saad sa mga ito.
"Salamat anak. Hindi mo alam kung gaano mo kami napasaya ng Daddy mo sa pasiya mo na iyan."
***Rhaime22***