TOTOO nga ang sinabi ni Barry na wala ang kaniyang sasakyan. Dahil hindi niya iyon nakita sa garahe ng bahay ng binata. Bagkus, ay isang pick-up na revo ang naroon na kulay itim. Kung saan nakasandal ang binata habang hinihintay siya.
"Nasa school pa rin ba ang kotse ko?" tanong niya na hindi agad sumakay sa sasakyan nito kahit ipinagbukas na siya ni Barry ng pintuan ng sasakyan nito.
"Dinala ko sa Carwash para ipalinis."
"Huh! bakit?" aniya na nagtataka.
"Nagkalat ang mga suka mo sa sasakyan mo. At hindi maganda ang amoy na dulot nito kaya dinala ko na roon kanina. Dont worry, mamaya lang ay okay na iyon. But for now pumasok ka na sa loob at may daraanan muna tayo bago natin iyon daanan naman," saad ni Barry.
Pero hindi pa rin siya natinag sa pagkakatayo kahit bukas na ang pinto ng sasakyan nito. May gusto pa siyang itanong dito.
Agad na umikot papunta si Barry sa driver seat kahit hindi pa sumasakay ang dalaga roon. "What are you waiting for?! Sakay na aba."
"Nasaan si Ate Emelia? Bakit parang wala siya?" muling tanong niya sa binata.
"She's still in Dubai. Ako lang naman ang umuwi rito sapagkat unang natapos ang kontrata ko sa kaniya. Isa pa, may plano kaming itayong negosiyo ng Ate mo rito. At ako ang personal na mag-aasikaso since ako ang unang nakatapos ng kontrata. Tatapusin lang din ng Ate mo ang kontrata niya roon as a nurse, then napagkasunduan namin na mag-settle na rito for good."
Noon pa lang pumasok si Arsie sa loob ng sasakyan.
Agad na ini-start ni Barry ang makina ng sasakyan para mani-obrahin na paandar.
Habang nasa daan sila at abala na ito sa pagmamaneho ay hindi nakatiis si Arsie na mling magtanong pa sa binata.
"Saan ba tayo pupunta? Kailangan ba talaga na isama mo pa ako?"
"Oo at mamaya malalaman mo rin kaya huwag ka ng magtanong," saad naman ni Barry.
"Kung idiretso mo na lang kaya muna ako roon sa carwash na pinagdalhan mo ng kotse ko? Para makabiyahe na rin ako pabalik ng Manila. Baka tapos na rin nila iyon linisin."
"Hindi pa rin daw nila tapos dahil tumawag ako habang hinihintay ka," aniya sa dalaga na lang para hindi na ito mangulit pa. Pero nagkamali siya dahil muling nagsalita ang dalaga.
"Eh, 'di hihintayin ko na lang. Tapos ikaw naman dumiretso ka na sa pupuntahan mo."
"Hindi mo ba naintindihan ang isinagot ko sa iyo kanina nang nagtanong ka?"
"Baka lang naman puwedi. Tsaka, bakit kasi kailangan kasama pa talaga ako eh, noh?
"Dahil kailangan. At puwedi ba huwag ka na nga maraming tanong pa diyan?"
"Aba't bakit parang nagagalit ka? Masama na bang magtanong ngayon ha?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa binata na ni hindi man lang siya pinagka-abalahang tingnan.
Hindi ako nagagalit, okay. Actually, natatawa nga ako. Ang kulit mo pa rin pala kasi. Wala ka pa rin pinagbago sa ugali mo na iyan. Bukod sa makulit ka madaldal ka pa rin.
Sinamaan niya ng tingin ang binata pero useless naman iyon dahil hindi naman ito nakatingin sa kaniya. Natatawa raw ito eh, hindi naman kita sa mukha. Ang seryoso kaya nito. Ni wala nga ang bakas na tumawa ito.
Hindi na siya nagtanong pa ulit bagkus ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Wala naman siyang planong matulog nais lang niyang pumikit. Para na rin walang dahilan ito na sabihan na madaldal at makulit siya.
Noon pa lang sinulyapan ni Barry ang dalaga, sapagkat tumahimik na itong bigla. Iyon pala ay nakapikit na ito.
Hindi niya sure kung nakatulog na ba ang dalaga pero mas pabor sa kaniya na makatulog ito para atleast kung makarating man sila sa bahay ng mga magulang nito ay wala na itong magagawa.
Alam niyang magagalit ito sa kaniya pero nakahanda naman siya sa puwedi nitong pagsasabihin sa kaniya lalo at pinangunahan niya ito ng desisyon. At ni hindi man lang hiningi ang pagpayag nito muna.
Bago pa man sila pumunta nito roon ay nakatawag na siya kay Mommy Ester na mommy ni Arsie kanina habang hinihintay nga niya ang dalaga. Ito talaga ang tinawagan niya at hindi ang carwash.
Kailangan niyang dalhin ito roon sapagkat ang mga ito na ang bahalang magsabi sa isang katotohanan na dapat ay matagal na nitong alam. Ngunit dahil nga si Arsie mismo ang umiwas na mapag-usapan ang bagay na may kinalaman sa pangyayaring iyon na may kinalaman sa kanila ni Emelia. At kung bakit nito mas piniling mamuhay ng malayo sa magulang. At putullin ang kahit na ano'ng balita na may kinalaman sa kanila ni Emelia.
Kapag nagawa at natapos na nila Mommy Ester ang papel ng mga ito sa part na iyon ay tsaka naman ang kaniyang sunod na hakbang.
Alam niyang hindi madaling matatangap ni Arsie ang panibagong rebelasiyon na dapat na nitong malaman. Pero nakahanda naman siya mismo sa mga susunod na gagawin ng dalaga kapag nagkataon.
Habang nagmamaneho ay hindi niya tuloy naiwasan maalala ang kung paano naging gaano kasakit kay Arsie ang malaman na pakakasalan niya si Emelia. Althougt wala silang matatawag na relasiyon ni Arsie pero sapat sa batang isip nito ang lalim ng pagtingin nito sa kaniya noon at sugat na nagawa niya rito.
Hindi nga malabong mahulog ang loob nito sa kaniya noon sapagkat palagi niya itong sinusundo sa school noong elementary days nito. Madalas siya rin ang tumutulong sa mga assignment nito.
Ang pagtatapat ni Arsie ng nararamdaman sa kaniya noong grade five ito ay isang nakatutuwang pangyayari na inakala niyang puppy love lamang sa kaniya nito at sa paglipas ng panahon ay mawawala rin.
Gaya ng mga taong malalapit dito maging siya ay hindi niya inaasahan na magiging bokal ito sa pagkakaroon ng pagkagusto sa kaniya. Namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili noon na nagbitaw ng salita rito na kapag naging ganap na itong dalaga ay ito ang pakakasalan niya.
Nang mga panahong iyon ay panpalubag lamang sana sa batang puso nito. Ngunit iyon ang naging dahilan para mas lalong lumalim ang pagtingin nito sa kaniya.
Isang damdamin na naging daan para magkaroon ng puwang sa puso niya ang batang si Arsie. Ngunit sabi nga ng marami hindi mo masasabi at kahit na kailan ay hindi mo malalaman ang maaring mangyari sa paglipas ng panahon. Hindi mo man ito gustong gawin ay kailangan mong sundin.