Rain POV
Nakatingin ako kay achilles na papunta sa kinaroroonan ko kaso biglang humarang si sheena.
Leigh lunch tayo. si leo
Tumingin muna ko kila sheena at achilles bago ko sumagot kay leo. Ah sige tara.
Boy tawag daw ako saglit ni coach. si cash
Ako rin ba? tanong ko
Wala naman sinabe. aniya
Oh sige una na kame sa cafeteria sunod ka na lang.
Naglalakad kame ni leo papunta sa cafeteria nang bigla siyang huminto at isinuot niya yung sumbrelo niya sa ulo ko.
Mag sumbrelo ka masyadong mainit lalabas tayo ng campus sure ako na madaming tao sa cafeteria text mo na lang si cash sa madeline magpunta. inakbayan niya ko at papunta na kame sa may gate ng campus
Sure ka papalabasin tayo? tanong ko
Oo ako bahala kilala ko yung guard dito tropa ko yun text mo na lang si cash ako na din bahala sa kanya ibibilin ko siya kay guard para palabasin. aniya
Nagreply siya baka daw matagalan siya tayo na lang daw muna.
Patawid na sana kame ng may biglang humarang samin na limang kalalakihan itinago ako ni leo sa likuran niya.
Long time no see Master Kent. nakangisi sa amin yung lalaking naka faded jeans at mukang barumbado
Sabe ng kapatid ko ikaw pa din daw kinakatakutan dito sa Sylance. aniya
Nangengealam ka daw sa mga out law. nagsmirk ito at tumingin saken
Bagong babae nanaman? Mukang matinik pa din sa babae si Master kent ah. lumapit ito sa akin at akmang hahawakan ang buhok ko.
Don't you dare touch her. malumanay ngunit may awtoridad na nanggagaling sa boses nya
Naramdaman kong hahampasin si leo ng baseball bat ng lalaki na nasa likod namin hindi ata niya naramdam dahil nakatingin siya sa bwiset na lalaking nasa harapan namin mabilis akong kumilos at hinablot ko ang baseball bat sa lalaki.
Kent POV
Slow hand. si cash na nakatingin sa lalaking nagtangkang hampasin ako sa likod
Wow iba pala tong bagong side chick mo. si deither
Stop calling her my side chick deither! napipikon na sabe ko
Oh don't tell me nagbago na ang isang Kent Leo Avilez woah believe na ko sayo Miss napabago mo ang isang playboy. namamanghang sabe nya
Baka pwedeng hiramin si miss sayo Master kent. akmang lalapit ito kay leigh pipigilan ko sana siya ngunit tumakbo si leigh sa lalaking may hawak na b***l at nakatutok ito sa direksyon ko.
Nilihis ni leigh ang direksyon ng b***l para walang tamaan itinulak niya sa pader at inuntog nya ang ulo ng lalaking may hawak ng b***l lahat kame ay natulala sa bilis at lakas nya.
Don't move i can kill you in a minute dumbass. banta niya sa lalaking inuntog niya sa pader at medyo nahihilo hilo pang palapit kay leigh grabe kalmado pero mapanganib yun lang ang masasabi ko sa leigh na nakikita ko ngayon.
Lumapit ang mga tauhan ni deither at isa isa niyang pinaputukan sa paa ang mga nagtangkang lumapit sa kanya si deither na lang ang natitirang nakatayo buti na lamang at silencer ang b***l kundi ay nagsilabasan na siguro sa mga bahay nila yung mga tao dito medyo nasa may gilid kame ng daan at hindi pansinin masyado yung kinaroroonan namin.
I said i can kill you in a fuckin' minute. ngumisi ito at tumingin kay deither
Ma--matapang ka lang may b***l ka. si deither
Ngumisi si cash at tinanggal niya ang natitirang bala sa b***l at tinapon sa sahig.
Ikaw ba ang pinakamalakas sa mga mahihina? tanong ni leigh
Sinasagad mo pasensya ko Miss beautiful. lumapit si deither kay leigh akmang susuntukin ni deither si leigh kaya tumakbo ako sa direksyon nila ngunit huli nako dahil hawak na ni leigh ang kamao ni deither at unti unti niya itong pinilipit hanggang sa napaluhod si deither sa sakit itinulak niya ang siko at palad ni deither sa magkaibang direksyon rinig ko ang tunog ng buto ni deither.
Now tell me kid wala kong hawak na b***l kinaya mo ba ko? binitawan ni leigh si deither
Wag ka ng magpapakita saken dahil higit na mapanakit ako sa pangalawang pagkakataon sinira mo ang Good sa afternoon ko. hinawakan ni leigh ang kamay ko at hinatak ako palayo doon.
Nang makarating kame sa madeline nakatingin lang ako kay leigh anong klaseng babae to bakit napakalakas.
What?. tanong nya
Saan ka natutong lumaban?. tanong ko
Kailangan bang matutunan yon? lahat naman ata marunong makipag away. sagot nya
Iba ang galaw mo leigh akala ko nga nanunuod na ko ng action movie ng live. natatawang sabe ko
Sira! kumaen ka na nga diyan. Sino ba kase yong deither na yon?. tanong nya
Kuya ni dirk dating nag-aaral sa sylance at dating leader ng outlaw. sagot ko
Tss bakit ba natatakot sila don?. tanong nya
Sila yung kinakatakutan na g**g marami silang koneksyon kaya hindi sila takot mang bully but except me hindi ako takot sa kanila. sagot ko at humigop ako ng malamig na cranberry juice ko
Count me in. sagot nya
Huh? nagtatakang tanong ko
I mean hindi rin ako takot sakanila yun na yung g**g sainyo? sa babae nga pumapatol para saken napakahina ng mga ganung galawan. hindi ko alam kung saan siya bumili ng tapang parang gusto ko tuloy tanungin.
Iba ka talaga Master Leigh basta wag ka ng lalapit sa kanila pumapatay ng tao yun nakita mo kanina may b***l sila at hindi mo na dapat pinag aksayahan pa ng lakas mo. tiningnan niya ko at nagtataka siya sa sinabe ko
Huh? bakit naman? tanong nya
Hindi nila ko papatayin nananakot lang yon ikaw yung tinatakot nila ine-expect nila titili ka or iiyak kapag may nakitang b***l. aniya
Hindi ako takot sa b***l sa ipis pwede pa. sabe ko
Natawa ko kase kita ko sa itsura niya yung pandidiri. Yun lang malas nila wag mo na lang pansinin ang mga yon alam mo ba? tanong ko
Yung ano? tanong niya
Alam mo ba na I am more dangerous than them. kinindatan ko siya matapos kong sabihin yon
Tss don't tell me leo ganun din ginagawa mo gaya nila? tanong nya
Nope hindi ako nambubully takot lang sila saken hindi ko alam kung bakit. sagot ko at tinusok ko yung hotdog ng spaghetti ko at sinubo ko kay leigh buti na lang at kinaen naman nya.
Tss gangster. ang cute ng reaksyon nya
Tss cute. pang-aasar ko tumingin siya saken at tinapakan yung paa ko.
Aray! tss magandang cute pero medyo barumbado. natatawang sabe ko
Alam mo perfect tayo. tumingin siya saken na naka kunot yung noo
Poging kasama plus magandang kasama.
Tss siraulo buhat na buhat ang sarili. natatawang sabe niya
Galing mo sumayaw kanina napakadami mo naman atang talent meron pa bang iba? tanong ko
Meron. sagot nya
Ano naman? tanong ko
Ang manapak ng poging kasama dahil napakadaldal palag?. bahagya akong natawa sa sinabe nya
Kalma master ako lang to sabe ko nga tatahimik na si poging kasama. tumingin siya saken at piningot yung tenga ko.
Matapos namin kumaen bumalik na kame sa sylance dahil 1 pm ang laro ni leigh buti at maaga kame kumaen 11 am kaya nakapagpahinga pa kame bukas pa yung laban namin ni leigh sa archery.
Achilles POV
Nasa gym na kame at naghihintay sa laban ng women basketball nakatingin lang ako kay ash na nagwa-warm up ngayon.
Par ash is so beautiful noh?. si kev
Oo ang ganda niya bagay sa kanya yung jersey maganda na maangas napakalakas ng karisma nya. si juno at tumingin silang dalawa saken.
What? kunot noong tanong ko
Par crush mo si ash noh? si kev
Manahimik ka. sagot ko
Kanina ka pa nakatitig sa kanya eh aminin mo na par pormahan mo na din baka maunahan ka pa ng iba ikaw din boto naman kame sa kanya eh. si juno
Kung ayaw mo par ako na lang. si kev
Anong ikaw tang ina mo subukan mo lang lumapit sa kanya. sagot ko
Sabay tumawa yung dalawa. Hule crush mo talaga noh. si juno
Sabe ko par kung ayaw mo ako na lang pormahan mo yan tayo eh selos ka agad eh spell obvious A-C-H-I-L-L-E-S. nag beautiful eyes saken si kev at kumindat
Bakla. singhal ko
Tumahimik na din yung dalawa dahil nag simula na yung game kalaban nila ash sila Trisha.
Mukang magandang laban to ah. si juno
Sa unang game lamang sila ash pati sa pangalawa lamang pa din.
Pota wrap around sabay 3 points sobrang smooth. si juno
Damn angas ni ash akala ko slow mo video yung nakikita ko ngayon. si kev
Ang galing niya mag basketball dati unang kita ko sa kanya nayayabangan ako sa kanya ngayon ok na saken dahil may ipagyayabang naman talaga sya.
Potaena tapos na dinurog sila ni ash ng ganun kabilis? si juno
Damn ang smooth ng assist ni cash sila na favorite duo ko. si kev
Rain POV
Good game ash and team. si coach na inakbayan pa ko at tinapik sa balikat
Ikaw pa lang ang babaeng player ko ng basketball na mas nalamangan pa ang lalaki kong player iba skills mo. aniya
Salamat coach. sagot ko
You're not a pro player but damn girl you got skills. si kev
Hi cash and ash ang galing niyo grabe talo niyo pa ata kame. si juno
Sinabe ko naman sayo mas magaling ako sayo diba. si cash na tinarayan si juno.
Bakit kaya tahimik tong unggoy na to abnormal.
Tara dinner tayo samgyupsal sagot namin ano G?. si juno
Arat. si cash
Kunin lang namin gamit namin. sagot ko
Lumabas kame ni cash ng gym at naghihintay ang tatlong ugok samin.
Alam nyo yung Mr. Lee samgyupsal sa pangatlong kanto dun tayo kita guys. si juno
Tumango lang kame at sumakay na sa aming motor sila sa kotse nila.
Nang makarating kame sa Mr. Lee Samgyupsal nag cr yung dalawa at si cash namimili ng ice cream at kameng dalawa lang ni achilles ang naiwan sa table.
Tumingin ako sa kanya at kinalabit ko sya. Tumingin siya saken na nakakunot ang noo.
What? tanong nya
Sungit mo naman kanina lang ok tayo bakit ang sungit mo may red flag ka ba?. tanong ko
Tss. anong inaarte nya
Binatukan ko siya at lumayo ako ng konti dahil lumingon siya saken at naka kunot ang noo. Inangat niya ang kamay nya.
Oh teka gaganti ka sige subukan mo. hamon ko sa kanya
Hindi kita sasaktan wag kang lumayo dito ka lang sa tabi ko baka mamaya may lumapit nanaman sayo at suotan ka ng sumbrelo. Hinila niya ko palapit sa kanya at nag pout siya ang cute niya
Ah kaya pala ganyan ka nagsabay lang kame mag lunch ni leo mag kausap kase kayo ni sheena kaya siguro di mo napansin pag alis ko. sagot ko
Bakit selos ka?. tanong nya
In your dreams. sagot ko
Wag ka mag selos dun mas maganda ka dun. aniya
I know. proud na sabe ko
Mas cute ka dun. aniya
I know. sagot ko
Mahal kita pero sya hindi. aniya
I kno... napatigil ako sa sasabihin ko at tumingin sa kanya na ngayon ay nakangisi na.
Uyyy Proud na proud na mahal ko siya. kumindat siya saken at nagsidatingan na ang mga kasama namin
Oh mukang seryoso kayo ah baka magrambulan kayo diyan. si cash
Kase yung kaibigan mo prou...hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil kinurot ko ang kamay niya ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga ito.
Ano daw gutom na yung kaibigan mo. natatawang sabe ni achilles
Pilit akong pumipiglas ngunit ayaw niyang bitawan nang makita kong hindi nakatingin samin yung tatlo binulungan ko siya. Sasakalin kita pano ko kakaen?
Susubuan kita. sagot nya
Tumigil ka. tiningnan ko siya ng masama buti na lang at nadaan naman siya sa tingin.
Hoy kayong dalawa wag kayong magsimula ng g**o dito ah pag untugin ko kayo para kayong mga bata walang ginawa kundi mag away. si cash na sinubuan ako ng pork na sinawsaw niya sa cheese.
You know cash way nila yon ng lambingan. si kev
Pareho kameng tumingin kay kev ng masama.
Oh guys chill si kev lang to. nag pogi sign siya
Ikaw kaya iluto ko dito. si achilles
Yung buong gabe na yun puro kwentuhan at tawanan lang ang naganap mas lalo namin silang nakilala mabait naman pala may sayad lang pa minsan minsan.
Achilles POV
Maaga ako nagising at nagtungo sa condo nila cash hindi ko na kaya yung selos sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba kaya isasabay ko na siya sa school.
Nagdoor bell ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto dahil alam ko naman ang password binuksan ko na lang at umupo sa sala nila.
Waaaaaahhh magnanakaw!!!!!. nagulat ako sa sigaw ni cash at pagharap ko nakatutok na yung b***l sa noo ko ang ganda ni ash kahit nakapanjama at magulo ang buhok.
Oy ako lang to. kumalma si cash at ibinaba ni ash ang b***l nya
Hayup ka achilles ginulat mo ko bakit hindi ka muna nag doorbell ha or kumatok man lang? puro babae kaya nakatira dito tss. inis na tanong nya
Nakatatlong doorbell nako pero walang nagbubukas. sagot ko
Bakit ka nandito aber? tanong nya
Susunduin ko lang kaibigan mo gusto mo sumabay ka na din. sagot ko
Ano? kelan ka pa namin naging driver. tanong nya
Ah kase ano ano. di ko masabe yung gusto kong sabihin
Ano? tang ina mo!. si cash
Galit na galit gusto manakit? manliliga---gaw ako kay ash. nahihiyang sabe ko
Whatttttt?!. nanlaki ang mata ni cash at tumingin kay ash.
Matagal na niyang sinabe gusto daw niya ko ewan ko kung ano trip ng isang yan. si ash
Sumingkit ang mata ni cash at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at umikot pa ito sa akin. Seryoso ka ba? kase kung hindi ako makakalaban mo. mataray na sabe nya
Oo seryoso ko kilala mo naman ako cash hindi naman ako pupunta dito at maglalakas ng loob sabihin yon kung trip ko lang. sabe ko
Ok sige isabay mo na sa school hindi nako sasabay sa inyo para may time kayo sa isa't isa. aniya
Damn binubugaw mo ba ko Cashmere Jimenez Monteverde?. kunot noong tanong ni ash
Manahimik ka Ashleigh Raina Imperial pumasok ka na sa banyo at maligo male-late na tayo. mataray na sagot ni cash
Tss. umalis si ash at itong si cash ay nakatingin lang saken na parang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko.
Hoy aso wag mo nga kong tingnan ng ganyan alam kong gwapo ako. sabe ko
Anong aso baka masampal kita!. masungit na sabe niya
Aso asungot. natatawang sabe ko
Hoy Mr. De Ocampo manahimik ka at nasa teritoryo ka namin kung ayaw mong barilin ko yang ulo mo. aniya
Grabe ka naman parang di tayo friends. sagot ko.
After 1 hr natapos na mag ayos si ash ang ganda talaga nya.
Oh siya umalis na kayong dalawa. tumingin ito kay ash at tinaasan niya ng kilay at naglipat ng tingin sa akin. Ihahatid mo to sa school ng isa lang siya wag mong iuuwe dito ng dalawa na yan nagkakaintindihan ba tayo Mr. De Ocampo. itinutok niya yung dalawang daliri nya sa mata niya at itinutok niya naman sa mata ko.
Ah eh Ms. Monteverde nanliligaw pa lang po ako hindi po kame bagong kasal na mag ha-honey moon. sagot ko
Tumahimik na nga kayong dalawa baka pag untugin ko kayo ang oa nyo. si ash na nauna ng lumabas.
Rain POV
Nasa parking lot kame at pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse nya.
Araw araw na kita susunduin ha. aniya
Depende tanungin mo muna ko kung pwede baka kase may lakad ako ayoko naman din na matambak lang si dos doon sa parking lot. sagot ko
Sige itetext kita. aniya
Stop staring at me mabubunggo tayo sa ginagawa mo. sabe ko at tumawa sya
Cute. nakangising sabe nya
Seryoso ka ba? dati galit na galit ka saken tapos ngayon gusto mo na ko anong trip mo? nagda-drugs ka ba? tanong ko
Hindi ko rin alam kung bakit nagustuhan kita kailangan pa ba ng dahilan? tanong nya.
Ewan ko. sagot ko
Bigla na lang na naramdaman kong gusto kita protektahan kapag nakasuot ka ng maikling uniform skirt ng sylance tapos gusto rin kitang ipagdamot kahit si dos nga pinagselosan ko ng 1 second akala ko kase tao yon motor pala. aniya
Nababaliw ka na. sagot ko
Oo sayo baliw na baliw na ko sayo. sagot nya
Achilles kabahan ka nga sa sinasabe mo nasan na yung maangas at kinakatakutan na King ng Sylance? sabe ko
Ako pa rin yon ash lumalambot nga lang pagdating sayo. kumindat ito saken at lumapit
What are you doing? tanong ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Calm down ash tatanggalin ko lang seatbelt mo nandito na tayo sa school. nakangising sabe niya.
Tss manyak. bulong ko pero narinig pala nya
What? bawiin mo sinabe mo hindi ako ganon. bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Bawiin mo yung sinabe mo. kunot noong sabe nya
Tss male-late na tayo. sagot ko
Omg is that King Achilles and Ashleigh?
Waaaahhh sila ba?
Omg!
Bakit sila magkasama
Ako na magbubuhat ng bag mo. pipigilan ko sana siya ngunit huli na dahil nakuha na nya.
Achilles naman. pabulong na sabe ko
Don't mind them. inakbayan niya ko at umakyat kame ng hagdan buti na lang walang tao dito.
Wait lang nanliligaw ka diba bakit may paakbay akbay pa tss minus 50 points ka na saken. bulong ko sa kanya mabilis niyang tinanggal yung kamay niya na naka-akbay saken.
Sorry grabe ka naman sa minus 50 agad. kamot ulong sabe nya
Dumiretso na ko sa room at iniwan ko siya sa hagdan umupo na ko sa upuan ko at nakalimutan kong nasa kanya pala yung bag ko pumasok siya sa room at nakatingin sa kanya ang lahat hanggang sa huminto siya sa harap ko at binigay niya yung bag ko.
Uyyy may love team na sa classroom
Hala bakit dala ni King yung bag niya
Omg sila ba?
Nakita ko sila kev at juno na gulat na gulat at nakatingin samin hindi na sila nakapagsalita dahil dumating na yung prof. namin.
Matapos ang pangatlong subject namin vacant na kaya inayos ko na yung gamit ko at nilagay sa bag ko. Nagulat ako ng umupo sa table ko si juno at nakatingin saken.
What? tanong ko
Anong meron bakit parang wala kame sa eksena?. si juno
Nanliligaw yang tropa niyo kay rain. si cash
Damn si bebe boy namin totoo ba yan?. si kev
Congrats par umamin ka din deny pa more. si juno
Dalhin niyo sa mental yang kaibigan niyo baka nasiraan na ng bait. sabe ko
Oo baliw ako baliw sayo at hindi mental ang sagot sa kabaliwan ko kundi ikaw. aniya
Humalakhak ng napakalakas yung tatlo at ako? naka poker face lang.
Pffffffttt...Tang ina achilles. si cash
Shit is that my bebe boy achilles? si kev
Potaena par nakakabaduy talaga kapag inlove eh noh di ko ine-expect na sasabihin mo yun ilan taon na tayong magkasama ngayon ka lang gumanyan cute mo par pakiss nga. si juno na mamamatay na kakatawa.
Nag walk out si achilles iniwan kameng apat sa classroom.
Anong nangyare sa kaibigan nyo? si cash
Hindi kase yon sanay ng inaasar sa mga bagay na nakakapagpababa ng pride niya bilang King ng Sylance kilala niyo naman siya siguro. si juno
Tss baduy. sabe ko
Tara kaen na tayo nasa cafeteria lang yon sagot ko na dahil sa wakas umamin din tropa namin. natatawang sabe ni juno.
Nasa pinto na kame ng cafeteria at nakita namin si achilles sa table nilang tatlo na madalas nilang upuan yung for Three Kings daw tss. Pinagtitinginan siya ng mga students dito hay nako nasiraan na nga talaga sya ng bait.