Cashmere POV
Maaga akong nagising dahil sportfest na namin ngayon at kailangan ko pang gisingin ang dragon.
Ashleigh Raina!!!!!! Gumising ka na!!! magagalit si coach pag na-late tayo. sigaw ko.
Oh! eto na! kalma mo lang pepe mo diyan!. aba't sinigawan din ako.
Dumiretso na ko sa banyo para maligo na nauna na din akong kumaen dahil mamamatay na ko sa gutom sa sobrang tagal niyang magising.
Nakapag ayos na ko at ganun din si rain putcha bilis naman neto oh baka matagal lang talaga ko sa banyo.
Tara na. aya ni rain
Nang makarating na kame sa campus dumiretso kame sa gym nakita na namin yung mga ka team namin.
Bakit di pa kayo nakajersey Imperial at Monteverde?. tanong ni coach
Ah coach member po kame ng DT sasayaw po kame sa opening ceremony. sagot ko.
Ah ganun ba sige bilisan niyo after nun bumalik kayo agad dito lalo kana Imperial di ka pwedeng mawala ikaw ang shooting guard ko. si coach
Tumango lamang kame ni rain at pumunta na sa mga ka-grupo namin.
Oh nandito na pala kayo magbihis na kayo guys dala niyo damit niyo baka nakalimutan niyo ah. si teten
Nandito sa bag namin kumalma ka. natawa siya at hinatak na kame sa rest room para mag bihis.
Naka black shirt kame na may logo ng school at may nakalagay na Sylance DT naka sweat pants kame na gray at sapatos na black.
Matapos namin magbihis ni rain lumabas na kame agad upang makapag practice pa kahit isang pasada.
Wow ang gaganda niyo. si dy
Ash ang angas mo talaga. si lancelot
Hay nako cash as usual lagi kang cute sana all. si dons
Ano ba kayo kame lang to kalma niyo lang mukha nyo. Napuno ng tawanan ang buong studio
Halika na isang pasada Ok 1 2 3 and 4 tugs tak slide tugs tugs slow mo tak tak. si andreng
Matapos ng isang pasada pinagpawisan kame nag ayos kame ulet at dumiretso na sa quadrangle kung saan magaganap ang opening ceremony at ang sayaw namin.
Rain POV
Nasa quadrangle na kame at napakadameng studyante eto ang pinaka ayaw ko yung masyadong maraming taong nakatingin saken.
Hoy tara na sasayaw na daw tayo. si cash
Nasa likod ako at si lancelot dahil magkapartner kame sa isang verse ng wedding dress.
Some say it ain't over till it's over
But I guess it's really over now
There's something I gotta say before I let you go
Listen...
Can't believe what's goin' on
Gotta keep my cool, be calm
When I heard you and he was screamin' out of control
All I can think about is "No, no, no... he won't
hurt the one I've cared for so long, long... Hell, no."
I know we're done, and now it's none of my concern but how
can two be windin' out from only weeks in goin' out
Just makes me feel that what we had was real
Could it be or is it too late? (Oh, oh baby)
Sa verse na ito lahat ng kagrupo namin sinayaw to kame lang ni lancelot ang wala.
Kinakabahan ka ba? si lance
Medyo. tipid na sagot ko
Saken ka lang mag focus at sa steps wag mong pansinin ang mga manunuod para hindi ka ma-distract. nginitian niya ko at kinurot sa pisngi.
Medyo nawala yung kaba ko dahil dinadaldal ako ni lance oo tama siya magfocus lang ako sa tagal ko ng hindi sumasayaw nakalimutan ko ng masanay sa harap ng maraming tao parang bago ako ulet sa larangan na ito.
Napatingin ako kay lancelot ng hawakan niya ang aking kamay.
Let's go its our turn. tumango lamang ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
Puro tilian ang aking narinig sa paglabas namin ni lance sa kinaroroonan namin.
Omg lancelot baby
Gosh ang hot nya talaga
Omg is that the new student
She's beautiful naman
Ang hot pre nung partner ni lance
Baby!
Listen to your heart, won't let you down
Sa part na ito nakatalikod ako kay lance at iniharap niya ko sa kanya at itinapat niya ang kamay niya sa may dibdib ko mga 5 inch ang layo ng kamay niya sa dibdib ko kasabay ng pagtibok ng aking dibdib sinusundan naman ito ng kamay niya matapos iyon umikot ako.
Cause you should be my Lady!
Now that we're apart love will show how Life carries on...
Sa pag ikot ko hinablot ni lance ang bewang ko at muling kameng nagkaharap dahan dahan niyang hinahaplos ang pisngi ko.
Achilles POV
Ngayon ko lang nakita ng harapan na sumasayaw si ash dahil nung last time na nakita ko siya sa studio saglit lang yon at umalis ako agad naiinis ako sa mga sigawan ng mga babae dito ngunit hindi ko matatanggi napaka galing swabe at napakalinis ng galaw nya.
Omg bagay sila pero mas bagay kame ni lance
Nakakakilig
Ang swerte ni girl
waaahhhhhhhhh bagay sila
Ang hot nung babae pre ang galing gumalaw nasasabayan niya si lance
Akala ko dati si lance at andreng ang pinakamagaling
Kaya nga par iba ang galaw ng transferee na to
Matapos hawakan ni lance ang pisngi ni ash naghiwalay sila at pumasok ang iba pa nilang mga kagrupo at sabay sabay silang sumayaw sa sumunod na verse.
Anong bagay hindi naman tss mukang bakla. mahinang sabe ko.
Sinong bakla? tanong ni juno
Ikaw gago. inis na sagot ko
Hoy umayos ka may game tayo mamaya bakit parang badtrip ka. si juno
Hindi ako sumagot at nakasimangot akong nakatingin sa Sylance DT.
Don't tell me par jelly ka? kay lance ba? may spark nga sila ni ash. tumingin ako ng masama sa kanya
Spark? eh kung kuryentihin kaya kita jan. inis na sagot
Oyyy obvious ang bebe boy ko. si juno
Tumigil ka lulumpuhin kita. nababadtrip ako sa juno na to umalis muna ko dun at nag cr saglit.
Nang makarating ako sa cr nag hilamos ako at tumitig sa salamin. Kailangan kong kumalma may laro kame at baka mawala ko sa kundisyon at pumangit yung laro ko.
Paglabas ko ng cr nakita ko si ash na naglalakad at hinawakan siya sa balikat ni lance.
Ash wait lang yung panyo mo nakalimutan mo. kinuha yun ni ash at kinurot ni lance yung pisngi ni ash
Rain POV
Kinuha ko ang panyo ko na inabot ni lance at nagulat kameng dalawa ng may tumapik sa kamay niya.
Tama na yan kurot ng kurot sa pisngi malinis ba kamay mo? si unggoy siraulo tanungin ba naman si lance kung malinis yung kamay nya.
Ah ba.... hindi pinatapos ni achilles yung sasabihin ni lance at hinatak niya ko palayo dun at ngayon nandito na kame sa garden.
Bakit mo ginawa yon?. tanong ko
Sabe ko diba wag kang didikit dun? inis na sabe nya.
At bakit? tanong ko
Dahil gusto kita ayokong nakikitang may lumalapit sayo!. sigaw niya nabigla ako at nainis dahil ang lakas ng boses nya
Bakit ako gusto ba kita?! sigaw ko sa kanya.
Tumahimik siya tumingin siya sa aking mga mata at yumuko nasaktan ko ata siya hindi ko rin naman sinasadyang sabihin yun.
O--oo nga pala ako lang pala ang may feelings sa ating dalawa. malungkot na sabe nya na parang may kumurot din sa puso ko ano ba tong pasmadong kong bibig kung ano ano sinasabe.
A--achilles hindi sa ganun sorry nabigla lang ako. tumalikod ito sa akin at akmang aalis
Wait sorry di ko sinasadya nadala lang ako ng galit dahil sinagawan mo ko tapos hindi ka pa namamansin nung mga nakaraang araw pagkatapos mo kong sabihan ng gusto mo ko tapos bigla bigla kang manghahatak tapo.....hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang humarap saken.
Nakatitig siya saken at ang lungkot ng kanyang mga mata. Sorry kung nasigawan kita badtrip kase ako kanina kaya nung nakita kita natuwa ako kase ikaw yung dahilan kung bakit sumasaya ko ayoko kaseng pumangit ang laro ko mamaya kaso nakita ko kayo ni lance nagseselos ako ash pero alam kong wala kong karapatan. malungkot na sabe nya
Natahimik ako at nakatingin sa kanyang mga mata. So--sorry achilles hindi ko talaga sinasadya sabihin yon.
Lumapit siya saken at hinatak ang bewang ko. Sapat na yung sorry mo para mapanatag ako na hindi totoo yung sinabe mo kanina na meron pang pag asa na magustuhan mo ko at hihintayin ko yung araw na yon. Hinalikan niya ang aking noo at ngumiti.
Panuorin mo ko para gumanda yung laro ko. nakangiting sabe nya
A-aahh sige. sagot ko at bakit nauutal ako nakita kong tumulo ang luha niya pinunasan ko ito at nakatitig lang siya saken.
Sorry wag ka ng umiyak. hinawakan niya ang kamay ko at napatigil ako sa pagpunas ng luha niya
Nagkakamali ka hindi ako umiiyak dahil sa lungkot tears of joy to. aniya
Huh? nagtatakang tanong ko
Give me 5 mins wag kang umalis nagchacharge ako. aniya
Charge? dun sa cafeteria may saksakan doon samahan kita. sagot ko
Ako yung lowbat ash at sayo ko kumukuha ng lakas napakaganda naman ng charger ko. ngumiti siya napakagwapo niyang ngumiti hindi ko alam kung maiinis ako dahil mukha ba kong charger.
Tara na punta na tayo sa gym. aya nya sa akin.
Una ka na achilles magbibihis pa ko ng jersey ko. sagot ko
Ah sige hatid na kita sa cr. magkahawak kamay kameng nagpunta sa cr ok na to wala naman tao na makakakita samin ayoko naman tanggalin kamay niya baka masaktan ko nanaman sya bakit ba ayoko siyang masaktan ano ba siya saken hays.
Una na ko ash kame first game habol ka dun ah gusto kita makitang pinapanuod ako. aniya
Tumango lang ako at pumasok sa cr tumitig ako sa salamin at humawak ako sa aking dibdib bakit napaka weird naman ng ritmo ng t***k nito.
Matapos kong magbihis dumiretso nako sa gym at nakita ko sila achilles na nag wawarm up na hinanap ko sila cash at ang mga kagrupo ko.
Rain dito! si cash sa may bandang gilid ng gym lumapit ako sa kanya
Tara na sa isang room doon kakausapin tayo ni coach. aniya
Matagal ba yon?. tanong ko
Ha bakit? nagtatakang tanong nya
Ah kase ano. kamot ulong sabe ko di ko masabe na manunuod ako ng laro ni achilles baka kase kung anong isipin nito.
Ano? simangot na tanong nya.
Ano daw manuod tayo ng laro nila juno oo tama si juno sabe nya kase saken kanina. tiningnan niya lang ako ng masama at hinatak na sa isa sa mga room dito sa gym
Ano ka ba manunuod din ako dahil classmate at kaibigan na rin natin yung mga yon suportahan natin sila, teka dati wala ka naman pake sa iba ah. taas kilay niya kong tinitigan.
Sabe mo diba kaibigan natin sila support syempre ako nga pinanuod nila kahit practice pa lang yon. palusot ko
Matapos kameng kausapin ni coach lumabas na kame sa room at pumunta na sa first game ng sportfest section emerald vs section sapphire ang naglalaban ngayon.
Achilles POV
3 mins na simula nang mag umpisa yung game namin pero wala pa din si ash.
Hoy par bakit ba di ka nakafocus umpisa pa lang ng game naagawan ka na ng bola hindi ganyan yung achilles namin. si juno
Kalma par eto na aayusin na. sagot ko napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko si ash na naglalakad at umupo sa may malapit sa kinaroroonan ko ngumiti ako sa kanya at parang tinatambol itong puso ko.
Eto na par papakitaan na kita na isang malupit na galawang achilles. tinapik ko siya sa balikat at kinindatan.
Ipinasa saken ni kev yung bola at boom sa isang iglap 3 points agad. Nagtilian ang mga studyante naririnig ko nanaman ang ingay ng buong gym.
Go achilles babe
Waaaah galing nya talaga
Go bebe denzelle
Keith my loves anakan mo ko
Sorry girls isa lang gusto kong anakan yung naka jersey na no. 22 at nakatingin saken ngayon at yung kahit naka busangot napakaganda pa din bulong ko sa sarili ko
Ngiti ngiti ka jan ah inlove? si juno
Gago masaya lang. natapos ang game namin at kame ang nanalo tambak ang kalaban.
Lalapit na sana ko kay ash pero humarang si sheena.
Babe punasan ko pawis mo. hinawi ko ang kamay niya at pinatabi ko siya pero wala na si ash saan kaya yon nagpunta.
Sheena kaya ko na to and please don't call me babe ok. umalis nako dahil naiinis ako sa ginawa ni sheena
Where is she? tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako.
Who? si kev
Hindi ko sya sinagot pero napatigil ako dahil sa nakikita ko ngayon saglit lang ako nawala may umaaligid nanaman sa kanya. Nakatalikod si ash at may kasamang lalaki na naka sumbrelo sino naman kaya tong lalaking to.