Pagdating ko sa bahay, dahan dahan akong pumasok at baka makita ako ni Ate Sonya. Mahirap na at baka isumbong ako, derederetso akong pumasok sa kwarto ko. Nag charge muna ako ng cellphone bago pumasok sa banyo at nanlalagkit ako lalo na down there, napuno ata ng pinaghalo naming katas. Tinanggal ko lahat ang aking saplot at tinimplahan ang bath tub, gusto kong magbabad muna. Tumingin ako sa salamin at napamura ako ng di oras.
"s**t, ang daming kiss marks lahat na lang pati singit ko ata meron. Hindi ako pwedeng mag suot ng short nito at sleeveless at makikita. Anong ginawa ng lalaking yon sakin, bampira ba siya. Kung makasipsip kulang na lang inumin pati dugo ko, gaganyan ganyan ka gustong gusto mo din naman sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Nag babad ako ng maligamgam na tubig, naglagay din ng bath soap para matanggal ang lansa sa akin. Tama nga ang sinabi ni Jenny at Glorina sa akin na duduguin ka, pero hindi ko naman akalain na ganito kasakit. Halos hindi ako makayuko sa sakit, nagin hawaan ako sa pagbabad ko ng tubig na maligamgam.
After 20 minutes na pag babad nag banlaw na ako at ako'y inaantok. Kakain muna ako bago matulog muli, bulong ko sa aking sarili. Habang nagpapalit ng pantulog kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Jenny. Ilang beses ko nang nai-dial ang kanyang number pero walang sumasagot. Kaya si Jay jey ang tinawagan ko, ilang ulit pa akong nag dial sa kanyang number bago niya sinagot.
"Beshy, nasaan ka? Bakit ang tagal mong sagutin? Magkasama ba kayo ni Jenny, I can't reach her!" bungad kong tanong sa kanya. "Nakauwi ba kayo ng maayos kagabi," dagdag ko pang tanong sa kanya.
"Beshy, naman ang aga aga pa. Inaantok pa ako, tawag ka na lang ulit mamaya ha," sabi ng bruha kong kaibigan sabay patay. Bwisit na yan. Nag aalala ako sa kanila tapos p*****n lang ako. Bahala na nga kayo sa buhay ninyo, sabi ko na lang at nag aayos ng lumabas at kumain para matulog.
"Good morning po ate Maria," pagbati ko sa taga luto namin.
"Good morning Glorina," halika na't kumain ng pang umagahan. Nandito kanina kuya mo tinatanong ka, sabi ko nakatulog ka pa at laging busy sa paggawa ng mga project niya sabi ko kaya hinayaan ka na lang na matulog.
Nakahinga ako ng maayos sa sinabi ni ate Maria, kilala ko si kuya. Hindi ako tatantanan nun kapag nalaman niyang lumabas ako at hindi nakauwi.
"Thank you ate," sabi ko.
"Wala ka bang lakad sa ngayon? Bakit ganyan ang hitsura mo? Maputla kang bata ka, may sakit ka ba?" sunod sunod na tanong ni ate Maria.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko ate at masakit ang katawan siguro sa pagod po," sabi ko na lang upang hindi na maghinala pa si ate.
"Oh siya, kumain ka na at uminom ng gamot mamaya. Sa pagod siguro yan napakarami niyo kaseng ginagawa,"sabi niya.
"Ok lan po ako ate, atleast natapos na lahat. Graduate na po kami next month, diba ang saya saya," sinabi ko na lang upang hindi na humaba pa ang usapan.
"Ate may naluto po ba kayong yung may sabaw sana at kanin. Nagugutom po ako," sabi ko kay ate Maria at talagang nagugutom ako. Ikaw ba naman ang makipag chukchakan ng magdamag tapos walang kain kain. Masarap naman diba, magdusa ka sabi ng isang bahagi ng isip ko. Iiling iling na lang ako sa naiisip.
"Glorina, bigla akong tinapik ni ate Maria. "Kanina pa ako nagsasalita dito, natutulala kang bata ka, ok ka lang ba talaga," tanong ni ate Maria.
"Ok lang ako ate, may iniisip lang po ako, ano nga po ba ang sinasabi mo ate?" yon na lang ang idinahilan ko.
"Yes, sabi ko kung gusto mo ba ng sinigang na baboy at adobong atay ng manok. Ulam natin yon kagabi niluto ko para sayo kaso hindi ka naman kumain.
"Gusto ko po ang mga yon ate, namiss ko po ang mga luto niyo.
"Dalas dalasan mo ang umuwi dito para lagi kitang ipagluto. Sa condo ka na lang lagi kase na namamalagi," sabi niya
"Huwag ka na magtampo ate at dito na siguro ako titira muna hanggang sa maka graduate ako, ilang buwan na lang po." sabi ko kay ate. Nakakamis din dito sa bahay lalo na ang mga luto ni ate Maria.
Kumain kami ng sabay nila ate Maria, ate Sonia{ taga linis} at kuya Mike ang driver at guard namin dito sa bahay. Sila na kase ang nag alaga sa amin simula bata at laging wala ang aming mga magulang. Nag kwentuhan at nagtatawanan kaming kumain, nakakamiss din sila as in. Simula ng malapit na akong grumaduate, lumipat ako ng tiraha sa mas malapit sa school namin. Binilhan ako ng condo ng aking mga magulang.
Pagkatapos kumain, binigyan ako ng gamot ni ate Maria at pinainom saakin bago umakyat sa aking kwarto at matulog muli. Pagkapasok ko sa kwarto, may tumatawag sa akin. Tiningnan ko kung sinong tumatawag and it was Jenny mabuti naman at nakaalala ang bruha.
"I have called you already many times but you haven't answer my call," sabi ng bruha kong kaibigan at siya pa talaga ang may ganang magalit ha!
"Hello, excuse me...ako kaya ang kanina pang tumatawag sa inyo pero walang sumasagot, sinagot nga ako ni Jay jey pero pinatayan din lang. Pagkatapos ngayon, magagalit kayo dahil sa hindi ko agad nasagot tawag niyo. Kung pag untugin ko kaya kayong dalawa ha," pagkahaba haba kong sinabi sa kanya.
" Sorry bess, nag worry lang naman ako sayo," sagot niya. "Kanina pa kase ako tumatawag akala ko kung napaano ka na," katwiran niya.
"Ok, lang ako bess. Kayo ang dapat kong tanungin ni Jay jey, paano kayo nakauwi kagabi? Care to explain? tanong ko na bigla siyang walang masabi. Sinasabi ko na nga ba eh, something wrong "mukhang tama ang sinabi sa akin ni Kevin kagabi."
"Ok, huwag ka ng mag explain pa. Punta kayo ni Jay jey dito sa bahay at mag sleep over kayo dito. Dito mismo sa bahay namin hindi sa condo ko ha. We need to talk," mahaba kong litanya sa kanya.
"Sige at tawagan ko si Jay jey mamaya at mag uusap tayo ng masinsinan. I want to tell you something," sabi niya.
" Ok, me too I want to confess something also. Sige na at matutulog pa ako, masakit ang aking ulo. See you tonight bess!!!
"