Nagising ako ng mag alas sais na. Bumangon na ako at pinakiramdaman ang aking sarili. Bumaba na ang lagnat ko, naalala kong pina inom ako ni ate Sonya ng gamot kanina. Nawala din ang sakit ng aking katawan. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo upang maligo na at alam kong parating na si Jenny at Jay jey.
Naligo ako ng maligamgam na tubig at naginhawaan ako lalo na ang pechay kong nalamog ata sa Kevin na yon. Grabe, mukhang nawasak masyado. Anyway, nagpabili naman ako ng gamot kay Jenny dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin, nahihiya naman ako kay Jay jey at baka pagtawanan ako lalo. Hindi ko naman pwedeng sabihin kila ate Sonya at ate Maria at baka magsumbong sila kay kuya or sa mga magulang ko, mahirap na. Bumuti naman na ang pakiramdam ko yun nga lang hirap akong yumuko at masakit ang aking pechay.
Pagkatapos kong naligo, bumaba na ako at sinabi sa kanilang darating ang mga kaibigan ko. Nagpaluto na rin ako kay ate Maria ng pagkain. Exactly at nagluto din pala siya ng kakanin at puto.
"Kumusta ang pakirmdam mo "Glorina ineng wala na bang masakit sayo? Tinakot mo kaming bata ka. Tinawagan namin kanina ang kuya mo, sasaglit daw siya mamaya bago pumasok sa kanyang trabaho," tuloy tuloy na sambit ni ate Maria.
Natampal ko tuloy ang aking noo. Imbes na hindi pupunta yong tao, nabulabog tuloy.
"Ok ate, nasabi ko na lang." Mabuti at naka long sleeve ako ng pajama, hindi niya makikita ang mga chikinini sa aking katawan.
"Gusto mo bang kumain muna habang hinihintay ang mga kaibigan mo. Nagluto pa ako ng palitaw dito. Hindi ko alam kung gusto mo, hindi ko na sinabi sayo at baka ayaw din ng mga kaibigan mo. Tikman mo lang siya, masarap siya anak," sabi niya habang inaayos ang mga niluto sa lamesa.
"Dahil sa curious ako sa lasa sinabi ko sa kanya na bigyan ako.
"Parang narinig ko na ang pagkain na to ate somewhere na hindi ko lang maalala, I said.
"Hintayin na lang po kita sa sala ate at hindi pa gaano maayos ang pakiramdam ko," I told her.
Dinalhan niya nga ako ng palitaw at isang basong gatas, nag meryenda muna ako and I like this palitaw masarap siya. Sasabihin ko kay ate Maria na dalhan ako nito at meryenda namin habang nanonood sa netflix. Pinaalam niya rin sa akin na naluto na ang pagkain. Tinawagan ko sila kung nasaan na sila and they said on their way here. Naglalaro ako ng cellphone ng biglang tumawag si Jay jey, "papasok na kami diyan bess hintayin mo kami sa labas ninyo at may dala kami," lumabas ako at nakita ko na sila agad na papasok dito.
"Hello best friend," sabi ng kaibigan kong maarte at tiningnan ako ng nagtataka."Are you sick at bakit ganyan ang hitsura mo?" sunod sunod na tanong niya. Tiningnan lang ako ni Jenny ng walang reaction dahil alam niya na ang reason bakit ganito ang hitsura ko ngayon.
"I will explain later... now we need to move because I am starving really," sagot ko sa kanya.
"Me, also I am starving too. Take this with you and I will carry the pizza . Jay jey will carry the rest. Common let's get inside, naamoy ko na yung luto ni ate Maria," sabi ni Jenny at nauna ng pumasok.
"Ate maria, we are here. I miss you ate, ikaw din ate Joan. Jenny said na alam kong namimiss niya lang ang luto ni ate Maria.
"Ikaw talagang bata ka,"sabi ni ate Maria na tumatawa dahil sa niyakap yakap siya ni Jenny. Nangingiti ngiti na lang si Jay jey sa tabi niya.
"Bakit napakarami niyo namang dala na mga pagkain at alak ba to?, tanong ni ate Sonya
"Mag movie marathon kami ngayon ate, kung gusto mo kuha din kayo ni ate Maria at kainin niyo bago kayo matulog. Baka gusto niyo ding uminom po, may mga beer po diyan at wine na pang ladies" masiglang sabi ni jay jey.
"Kaya nga ate, manuod din kayo sa kwarto niyo bago matulog pamparelax,' kumento din ni Jenny sa kanila.
"Oh, siya at tara na sa kusina para makakain na kayo. Naayos ko na ang hapag kainan," sabi din ni ate Maria.
Pagdating sa kusina deretso nang umupo si Jenny at tumingin sa mga pagkain. Iiling iling na lang kami ni Jay jey basta pagkain talaga nauuna lagi tong babaeng to. Napakatakaw pero hindi naman tumataba.
"Mag dahan dahan ka naman Jenny, ano ka ba naman?," sabi ko sa kanya dahil derederetso kung sumubo. Ako tuloy ang na stress sa ginagawa niya.
"Mag dahn dahan ka nga para kang bata kung kumain, ano na lang ang sinasabi ni Nimer sayo?, dagdag sermon din ni Jay jey sa kanya.
"Problema niyo bang dalawa, kumain na nga lang din kayo.Ang sarap nito ate Maria," sabi niya sabay subo ng kare kare.
Hindi na lang kami umimik ni Jay jey at kumain na rin. Pagkatapos kumain, tumulong muna kaming nagligpit sa kusina kahit na pinagbabawalan kami nila ate Sonya. Natuto rin kase kami lalo na't naka stay kami sa sarili naming condo. I mean dalawa kami ni Jay jey, mayroon kaming sariling condo malapit sa paaralan. Si Jenny lang ang wala dahil sa mahirap ang kanilang pamumuhay. Working student lang siya at nakikitira sa kanyang tita sa Quezon city and take note napakarami niyang raket kala mo hindi napapagod.
"Sa likod na lang muna kayo sa may pool area at maghahanda ako ng desserts niyo," sabi ni ate Maria sa amin.
" Sige ate, gusto ko po yan. Ano pong desserts na ginawa mo?" tanong ni Jenny na binatukan ni Jay jey.
"Alam mo patay gutom ka talaga no...basta pagkain mabilis ka pa sa kidlat," dakdak ni Jay jey na tinawanan namin.
"Ano ka ba naman Jay jey, siyempre magtatanong lang ako. Kahit kelan talaga kontrabida ka. Ate Maria oh! pinag kakaisahan ako,"sumbong niya kay ate Maria.
"Hayaan niyo na, ano ba naman kayong mga bata? Gumawa ako ng kakanin, puto at lumpiang shanghai. Favorite kase ni Glorina yang mga yan. Mayroon din pala akong ginawa na palitaw, hindi niyo alam yon kaya ipakita ko na lang sa inyo mamaya at mahirap ipaliwanag," sabi ni ate Maria.
"Wow, gusto ko po yang mga yan ate favorite ko din po,"sagot ni Jenny na tinawanan ni Jay jey.
Iiling iling na lang ako sa kanila, nakakatuwa talaga ang mga kaibigan kong to. Dibale nang kaunti lang ang kaibigan basta totoo sila sayo at walang plastikan.