*Briannah Cassandra*
"Ma, kailan ba namin makikilala si Papa? Gustong gusto ko na talaga siya makilala." Tanong ng apat na taong gulang kong anak na babae na si Meerah Briella. Habang tahimik lang na nanood ng T.V ang kakambal niyang si Khiel Maximo pero pasimpleng nakikinig sa pinag-uusapan namin.
"Anak, eh hindi rin alam ni mama eh. Alam niyo naman na hindi ko rin alam ang buong pangalan ng Papa niyo. Itsura niya lang ang alam ko. At masasabi kong napaka gwapo niya." Turan ko naman sa kaniya habang nakangiti ng matamis.
"Sayang naman po mama. Wala ka po ba kahit isang picture niya? "
"Hindi na kailangan anak, dahil kamukhang kamukha niyo siya." Sabay ngiti ko sa aking anak.
Napatingin naman sa amin si Khiel at muling binalik ang tingin sa pinapanood. Hindi masyado madaldal ang anak ko na yun na kabaligtaran naman ng kambal niya.
Limang taon na ang nakalipas simula ng gabing nakilala ko ang estrangherong iyon. Ang tanging alam ko lang ay ang kaniyang nick name na Kel.
Please don’t judge me kung iniisip niyong nagpa buntis agad ako sa lalaking nick name lang ang tanging alam ko. Miski naman ako ay hindi ko rin akalain na mabubuntis ako.
Kaya nga ako niloko at iniwan ng ex-boyfriend ko ay dahil akala niya wala na akong pag-asang mabuntis pa at mabigyan siya ng anak. Ayun din ang akala ko. Pero miracles happened!
Isang gabi lang ako trinabaho ng estrangherong yun pero nakabuo agad. Ngayon ko lang napag isip-isip na baka sadyang maliit lang talaga yung kanya! Hmmp! Letse siya at ang kabit niya!
Plus size talong lang pala ang solusyon sa problema ko na hirap mabuntis dahil sa sakit kong PCOS. Hehehe kidding aside, hindi talaga biro ang magkaroon ng PCOS. Ang dami kong gamot na iniinom noon na nireseta sakin, magastos at matagal tagal na gamutan din. Kaso ang walang hiya kong ex-boyfriend hindi nakapag hintay kaya naghanap ng ibang perlas! Sa kanluran siya naghanap at iniwan ang perlas ng Silanganan!
Laking pasalamat ko kay Mr. Stranger dahil sa kanya nagkaroon ako ng miracle babies. Kaya pinangalanan ko silang Meerah at Khiel. Sobrang saya ng puso ko bawing bawi lahat ng pighati at pasakit na naramdaman ko noon sa ex-boyfriend ko.
Ang tanong ko na lang ngayon kung mag tatagpo pa kaya kami ng ama ng mga anak ko? Mamahalin o tatanggapin niya kaya ang mga anak namin kung sakaling malaman niya? Pano kung may ibang pamilya na siya? Paano ba ang gagawin ko? May pag-asa kaya na maging isang pamilya kami?