*Briannah Cassandra*
5 years ago….
"Mga hay0p kayo! Ang bababoy niyo!" Sigaw ko sa boyfriend ko na kasalukuyang na sa ibabaw ng katrabaho naming malandi na si Maria Elisse Recto. Halos tumitirik naman ang mata ni Elisse na parang kala mo ay malapit na sa sukdulan ng langit.
Narito ako ngayon sa apartment na tinitirahan ni Elisse. Dito lang din ito sa Cavite. Malapit lang halos sa kompanyang pinagta-trabahuhan namin. At literal na dito rin siya tinitira ng walang hiya kong boyfriend!
Sa sobrang excited siguro nila maangkin ang isa’t isa ay hindi na nila nagawa pang mag lock ng pinto at nag kalat pa ang ibang mga damit at gamit nila sa sahig. Mga walang hiya talaga!
Hindi ko akalain na magagawa ito sa akin ni Kurt, ang boyfriend ko ng tatlong taon. At ang Maria Elisse na to, Maria pa naman ang pangalan niya tunog mahinhin kagaya ng kay Maria Clara tapos maraming kalandiang taglay pala sa katawan. Alam naman niya na boyfriend ko si Kurt pero bakit nakisawsaw pa sa relasyon ng iba.
Nakatanggap ako ulit kaninang tanghali ng text message mula sa unknown number at sinabi niyang may lihim na relasyon si Kurt at Elisse. Halos araw-araw nag tetext sa akin ang number na yun para sabihin na may relasyon nga ang dalawa na hindi ko pinaniwalaan noong una.
Sinabi din niya na palaging nag pupunta si Kurt sa apartment ni Elisse. Kaya pala lagi nagpapaalam ang walang hiya na yun na may pupuntahan lang daw siya na kaibigan dahil may malalang karamdaman daw ito. Hindi lang pala karamdaman kundi kakatihan sa katawan! Napaka sinungaling!
Gulat naman silang napatingin sa akin. Napatayo si Kurt habang takip-takip ang kaselanan niya gamit ang damit at tangkang lalapit sana sa akin para hawakan ako.
"Hon! Sandali! Mag papaliwanag ako!" Natatarantang sabi niya. Sinampal ko siya nang malakas habang umiiyak. Ang kakapal ng mga mukha nila!
"Ano pang ipapaliwanag mo? Nasa harapan ko na mismo ang ebidensya ng pagtataksil mo! Nakaka diri kayo! Pagka tapos mo isaw-isaw sa aking ‘yang alaga mo, isaw-isaw mo naman sa iba! Ibinigay ko naman lahat sayo ah. Halos wala na nga ako itira sa sarili ko! Bakit ito pa ang napala ko sa pagmamahal ko sa ‘yo?"
Malakas kong sabi habang patuloy din sa pag iyak. Nakita ko ding umiiyak na din si Elisse sa tabi habang nakatakip ang katawan sa kumot. Ha! Kapal niya naman prara umiyak na parang siya pa ang nawalan samantalang ako itong inagawan!
“Hon, Cassey, hindi ko itatanggi ang kasalanan kong ito. Patawarin mo ko, alam mo naman na gustong gusto ko na magka anak at…."
“At hindi ka na makapag hintay na gumaling ako? Kaya ginag0 mo na lang ako, ganun ba?“ Putol ko sa kaniyang sinasabi.
“Hindi naman sa ganun, hon…” Tangkang paliwanag niya.
"Hindi sa ganun? Pero ganun ang ginawa mo! Kurt naman! Hindi naman sinabi ng doctor na baog ako! Kailangan ko lang sundin ang payo ng doctor para magka anak tayo! Nakita mo naman lahat ng hirap at sakripisyo para lang gumaling agad diba? Bakit hindi mo ko maantay? 24 years old pa lang naman ako, hindi naman siguro tayo aabot ng 40 na wala paring anak."
Sobrang sakit ng dibdib ko! Parang gusto ko na lang mawala sa mundo para hindi ko na maramdaman yung sobra sobrang sakit na binigay ng taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Walang tigil sa pag agos ang mga luha ko ngayon.
“At ikaw namang malanding babae ka! Kahit alam mo na nga na may ka-relasyon yung tao, pinatulan mo pa din! Hindi babaon sa’yo ang lalaking ‘yan kung hindi mo binuka yang mga hita mo! Malandi ka! Hitad! Traydor! Itininuring pa man din kitang kaibigan, ahas ka pala!”
Nang gigil kong sigaw ko sa kaniya. Tangka ko sana siyang susugurin ngunit pinigilan ako ni Kurt para lang ma-protektahan ang babae niya. Mas lalo lang ako nasaktan nang dahil doon.
“I’m sorry Briannah! Sorry, sorry. Patawarin mo ko. Sobrang mahal ko lang talaga si Kurt. Kaya hindi ko mapigilan ang tukso nung lumapit siya sa akin. Matagal ko na talaga siyang gusto.” Umiiyak niyang paliwanag sa akin.
“Mahal? Ang sabihin mo makati ka! Hindi mo siya kailangan mahalin dahil nasa akin ang role na yan. Ako ang gagawa niyan! Ano? Ha? Masarap ba tikman ang sa akin?” Ngisi kong tanong sa kaniya.
Sinabunutan ko siya at pinipilit kong hilahin ang kumot na pinipilit niyang itakip sa makasalanan niyang katawan. Nang gigil ako ng sobra sa kaniya. Bakit kailangan na kapwa babae ko din ang magiging dahilan ng tuluyang pagka sira ng aming relasyon.
Naiintindihan ko ang part na kaya nanlamig sa akin si Kurt dahil hindi ko siya mabigyan ng anak agad. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa kami pag sabayin? Bakit hindi na lang niya sabihin ang totoo at makipag hiwalay ng maayos. Bakit kailangan pa manloko at pag mukhaing pang tanga? Napagod siya mag hintay sa akin pero sinipag sa iba?
Kung ang boyfriend ko na kasama ko ng tatlong taon at kasama ko bumuo ng pangarap, hindi ako sinamahan sa laban kong ito at hindi matanggap ang kalagayan ko, sino pa ang tatanggap at magmamahal sakin ng totoo?
Hindi ko maiwasan tanungin pa ang worth ko. Pakiramdam ko wala akong silbi dahil hindi ko si Kurt mabigyan ng anak. Nagawa niya akong lokohin dahil lang sa iniisip niya na hindi ko maibibigay ang anak na hinihingi niya kaya sinayang niya ang tatlong taon naming relasyon.
Hindi naman makapag salita si Kurt, nakayuko na rin siya at umiiyak. Para saan pa ang iyak niya? Nasaktan na niya ako ng sobra. Sirang sira na ako, durog na durog na. Pakiramdam ko kahit kailan ay hindi na kaya pang buohin. Ipapa sa Diyos ko na lang lahat ng ginawa nilang pananakit sakin. Ayaw kong gumanti dahil hindi naman ako masamang tao at hindi gaya nila, may konsensya pa ko.
Hirap man, pinilit ko pa rin humakbang palayo sa kanila. Pinipilit ko ayusin ang sarili ko habang palabas ako. Ayaw ko naman makakuha ng atensyon ng ibang tao. Pumara na lang ako ng taxi at doon impit na muling umiyak. Grabe! Awang awa na ako sa sarili ko.
Halos isang linggo din akong hindi nakapasok sa trabaho. At tuluyan na nga ako nag file ng immediate resignation letter. Hindi ako martir para tiisin makita araw-araw ang landian nila at ipakita sa lahat kung gaano sila kasaya sa isa’t isa habang ako naghihirap ang kalooban.
***
-Cheating is a choice, not a mistake-
End of chapter 1…