Chapter 2: Best Version of Self

1020 Words
*Briannah Cassandra* Isang linggo akong nag mukmok lang sa bahay at wala ng ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Alam na rin ng pamilya ko at pamilya niya ang paghihiwalay namin. Sobrang nasaktan din ang pamilya ko dahil napalapit na rin kasi sa kanila si Kurt at naging mag kaibigan na rin ang mga pamilya namin. Bago naman kasi namin na diskubre ni Kurt ang tungkol sa PCOS, napaka saya pa namin. Siya ang tipo ng kasintahan na maalaga at malambing. Palagi nasusunod ang mga gusto ko. Pati ang pamilya ko ay niligawan niya. Never ako gumastos sa mga dates namin. Hindi siya nahihiya maging sweet sa akin kahit nasa harapan pa kami ng mga kaibigan at pamilya namin. Dahil sa pag aakala ng pamilya namin na kami na talaga ang magkatuluyan, nag biro sila minsan na magpa kasal na kami or kung gusto daw namin ay magpa gawa muna kami ng bahay at mag anak muna. Naisip namin ni Kurt na mas praktikal nga yung ganoon para sa amin. Kaya last year, nag simula na kami magpatayo ng bahay na hindi naman kalakihan. Hati kami sa gastos pero ako lahat ang nag asikaso miski sa magiging itsura. Malapit na yun matapos ngayong taon. Ilang buwan na rin simula ng may mangyari sa amin at maraming beses na rin. Lahat yun ay sa loob niya ipinuput0k. Kaya labis na nagtataka siya kung bakit hindi pa ako nag bubuntis. Bagay na ipinag tataka ko rin. Naisipan naming magpa check-up parehas para malaman kung sino ang may problema and it turns out that it was me. I don’t know how kasi regular naman ang menstruation ko. I mean, no hint at all. May ibang mga laboratories pa ang ipinagawa sa akin ang doctor tsaka ako binigyan ng reseta. Mula din nang araw na yun ay parang may nag iba na. Binaliwala ko lang yun nung una, dahil hindi ko naiisip na magagawa akong iwan ni Kurt dahil ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Akala ko lang pala yun. Nang mga sumunod na araw ay nararamdaman ko na ang panlalamig niya. Lagi siyang umaalis pagkatapos ng trabaho at kahit pa day off namin. Para bang iniiwasan niya ko. Ayaw ko man isipin pero baka dahil sa kundisyon ko na ito kaya siya nanlalamig sa akin. Kaya mas pinaramdam ko lalo sa kanya na mahal ko siya. Lagi ko siya niyaya mag date pero lagi niya din tinatanggihan dahil pagod daw siya or masama ang pakiramdam niya o di kaya ay pupuntahan pa daw siyang kaibigan. Minsan ay tumatambay din ako sa bahay nila para maka bonding ko rin ang pamilya pero siya ay parang naiirita pag andoon ako. Hindi na gaya ng dati na para akong reyna na pinagsisilbihan pa niya at makikita mo talaga ang kasiyan niya. Hindi ko na iyon ginawang issue pa para hindi na namin pag awayan pa. Habang lumilipas ang mga araw mas lalo pa niya pinaparamdam sakin na hindi na ako mahalaga. Pag nagtatalik kami ay nakakaisang put0k lang siya at aalis na lang basta. Na para bang napipilitan na lang siya sa akin. Sobrang nasasaktan ako sa panlalamig niya sa akin. Pero ginagawa ko pa rin lahat ng alam kong paraan para bumalik kami sa dati. Hanggang sa isang araw nakatanggap ako ng text message at sinasabing may lihim na relasyon si Kurt at Elisse. Hindi ko kilala kung sino yung nagtetext dahil kada mag tatanong ako ay hindi na siya mag re-reply. Sinubukan ko din tawagan pero lagi lang pinapatay. Ayaw ko maniwala. Itinuring ko rin na kaibigan si Elisse. Hindi nila yun sa akin magagawa. Hanggang sa nag message ulit yung unknown number at may binigay siya na address. Kung gusto ko daw malaman kung nagsasabi siya ng totoo ay puntahan ko ngayon din ang address na iyon. At Mabuti na lang ay ginawa ko. Dahil kung hindi, hanggang kailan nila ako balak pag mukhaing tanga? Betrayal was what I felt, my heart broken not just by a guy I was in love with, but also by, as I once believed, a true friend. Alam niyo ba kung ano pa ang mas masakit? Alam halos lahat ng mga malalapit naming kaibigan at katrabaho ang tungkol sa dalawa. Ako lang talaga yung nag mukhang tanga. Sobrang sakit. Nakikitawa pa sila sa akin pag nag bibiruan kami ayun pala ay ka-plastikan lang ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko trinaydor nila ako. Hindi lang ng ex-boyfriend ko. Sa ilang taon namin na magkakasama sa trabaho kaibigan at pamilya na ang turing ko sa kanila. Ano bang kasalanan ko sa past life ko at ganito ang nangyayari sa akin? Iyak lang ako ng iyak ngayon at minsan ay bigla na lang matutulala. Hindi na rin ako makakain ng maayos dahil nawalan na ako ng gana. Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na hindi lang sa kanila umiikot ang mundo. Kailangan ko tulungan ang sarili ko makaahon dahil walang ibang gagawa noon kung hindi ako lang. Hindi na ako muling pumasok sa opisina. Wala na akong pakialam kung ma-aprobahan man o hindi ang resignation ko. Basta ayaw ko na silang lahat makita. I feel betrayed! After one week of mourning, dahil parang namatay na rin naman ang puso ko, nag hanap ako online ng mga magagandang isla na pwede ko puntahan at makapag unwind sa mga nangyari. Cabilao island ang napili kong puntahan. Part ito ng Bohol province. May kung anong enerheya ang nag sasabi sakin na dapat akong pumunta sa lugar na ito. I trust my gut feeling. I will go there for my peace of mind. Gusto ko bigyan ang sarili ko ng time makapag relax, bagay na hindi ko nagawa noon. Pagkatapos ay tsaka ako mag a-apply sa ibang kumpanya. May target na kumpanya na rin ako na gustong aplayan at sana ay matanggap agad ako. Ipinapangako ko sa sarili ko na babangon ako! Mag fo-focus ako ngayon sa career ko at ipapakita ko sa mga taong iyon na mas naging better ako nung nawala sila. I will be the best version of myself! *** -Cheating is a choice. Period. – End of chapter 2…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD