*Briannah Cassandra*
Kakarating ko lang ngayon dito sa Cabilao island. Nag renta na lamang ako dito ng pansamantalang tutuluyan ko sa loob ng dalawang linggo. Napaka ganda ng lugar. Napaka ganda ng ambiance. Parang gusto ko na lang tuloy dito manirahan.
Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit ko upang makapag pahinga na ko saglit at maya-maya pa ay maglilibot ako. Malapit lang sa tabing dagat ang tinutuluyan ko kaya naman naririnig ko ang mahinang hampas ng alon. Masimoy din ang hangin sa paligid. Napaka sarap sa pakiramdam. Hindi ako nagsisisi na dito ang pinili kong puntahan.
Matapos ko mag ayos ng gamit at magpahinga saglit, lumabas muna ako para maging familiar ako sa lugar. Hindi ko na malayan na nakarating na pala ako sa bandang dulong bahagi ng isla. Mayroong magandang bahay ang nakatayo doon na sa palagay ko ay bahay bakasyunan.
Sabi ng isang staff na nakausap ko, sa may-ari daw ng isla na ito ang bahay na yun pero bihira lang daw ito makapunta dahil madalas itong nasa ibang bansa. Baka next week pa daw ulit iyon pupunta dito sa isla.
Mahigit isang linggo na ako dito sa isla ng Cabilao, at ilang araw na lang ay uuwi na ko sa amin para makapag apply ng bagong trabaho. May mga nakilala at bagong kaibigan na rin ako dito. Surely, I will miss here. I promise to myself na babalikan ko someday ang lugar na 'to. Masaya din pala dito tuwing gabi dahil sa malalakas at nakaka indak na mga tugtogin. May sayawan sa tabing dagat at pwede mag inuman.
Kasalukuyan akong umiinom ngayon ng beer. Nakakailang cans na rin ako at medyo tinamaan na pero kaya ko pa naman. Andito din ako sa tabing dagat at naka upo sa buhanginan. Medyo naaabot din ng alon ng dagat ang mga paa ko. Masarap din sa pakiramdam ang malamig ang simoy ng hangin. Habang nakaupo at malalim ang iniisp, may estranghero na bigla na lang lumapit sa akin ng hindi ko namalayan at nag tanong.
"Can I sit here?" He asked. Napatingin ako sa kaniya. Well, hindi ko naman pag-aari ang isla na ito, so I just nod at him at muli akong tumingin sa karagatan.
A"hmmm..., I’m Kel nga pala." He spoke. Hindi ako umimik at patuloy lang nakatitig sa kawalan. Kabastusan man pero wala talaga ako sa mood ngayon.
Kanina ko pa napapansin na parang malungkot ka at malalim ang iniisip. Nilapitan na kita kasi baka bigla ka na lang sumuong diyan sa dagat.
Doon ako muling na palingon sa sinabi niya at di makapaniwala na nakatingin sa kanya. My gosh! Iniisip ba niyang magpapaka lunod ako dito sa dagat? Broken hearted lang ako noh! Hindi ako broken minded!
Sa pag kaka titig ko sa kaniya, ngayon ko lang na pansin, napaka gwapo pala niya! Shocks! Kiffy, kalma ka lang! Biglang lumakas ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan nang bigla siyang mas lumapit pa sa akin.
"Are you okay?" May pag-aalala niyang tanong.
A"hmmm... yeah! Thanks for asking." Nahihiyang napa yuko ako ng ulo. My ghaaaaddd ba’t parang kinilig ako bigla?
Napasarap ang aming kuwentuhan at naparami na rin ang mga nainom naming beer. Hanggang sa hindi ko na namalayan na naging magaan at kampante na ang loob ko sa kaniya. Sandali akong nakalimot sa mga masasakit na nararamdaman ko.
"Anong hayop ang mahilig kumanta?"
Uhmm… Ano?" I asked.
E"h di PALAKAnta! Hahahaha"
Grabe! Ang gwapo niya tumawa!
"Oh, ito pa! Bakit bawal umutot sa Apple store?" Natatawa niyang tanong.
"Ha? Kasi nakakahiya?" sagot ko naman
.
"Hahaha Kasi... hahaha" Tawa siya ng tawa habang nakahawak pa sa kaniyang tiyan at namumula na ang kaniyang mukha.
"Eh kasi walang Windows! Hahaha" Natawa naman ako. Ang sarap sa pandinig ng tawa niya, parang may halong pang-aakit. Ano ba yan! Kung anu-ano napapansin ko. Umayos ka talaga diyan Kiffy!
"Bakit tuwing buwan ng July sini-celebrate ang nutrition month?"
"Ah, eh, tuwing July ba yun? Akala ko tuwing month of August yun. Nag bago na pala? Sorry, di ako na inform." Napngiwi naman ako sa tinuran ko.
Napa titig siya sa akin sandali na para bang hindi makapaniwala at bigla na lang tumawa ng pagka lakas-lakas. May mali ba sa sinabi ko? Eh sa hindi ko nga talaga alam eh!
"You’re so funny! Hahaha! Joker ka din pala." Napa pout na lang ako. Edi siya na gwapo!
"Eh bakit nga tuwing July ang nutrition month?" Curious kong tanong sa kaniya.
"Hahaha eh kasi ang tagalog ng vegetable ay JULY! Hahahha!"
Ha? Hindi ko gets! Nag loading ako doon saglit at bigla na lang tumawa nung ma gets ko ang joke niya. Tawa ako ng tawa!
Sumasakit na rin ang panga ko kakatawa. Hahaha grabe lasing na talaga kami. Napatigil ako sa pagtawa noong mapansin kong seryoso siyang nakatitig sa akin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Baka kasi napangitan siya sa akin dahil sa pag tawa kong parang dinig sa kalawakan. Ang OA ko ba tumawa? Na conscious tuloy ako bigla baka nakita niya ang ngala-ngala ko! Gosh! Nakakahiya!
"You’re so beautiful." He said while intently looking at me. Napatanga naman ako bigla sa kaniya at hindi makapag salita. Nabingi ata ako. Ano yung sinabi niya? Ano daw?
"You’re so beautiful Mon Amour!" Kel said.
"Ha?" Mag sasalita pa sana ako ng bigla na lang niya ako hapitin sa baywang ko palapit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa aking batok at hinalikan ng mariin. Para akong natuod bigla. Hindi ko alam kung tutugon ba ko sa halik niya o itutulak siya palayo. I’m confused!
"Kiss me back, baby please." Saad niya ng mapansin niya na hindi ako tumutugon.
And so, I did! I kissed him back without thinking na stranger nga pa rin pala itong humahalik sa akin ngayon. Pero bakit ganito? Ibang-iba yung pakiramdam kaysa noong si Kurt ang humahalik sa akin?
Not really my intention, pero hindi ko maiwasan na ipagkumpara ang halik ni Kurt sa halik sa akin Kel. May kung ano sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Napaka sarap sa feeling at mas masaya ako ngayon. Bago sa akin yung ganitong pakiramdam.
"Mon Amour." Salita niya sa gitna nang aming halikan. Pero hindi ko naman maintindihan kung ano yun. Obviously, may lahi siyang foreigner dahil hindi naman siya mukhang pinoy pero magaling siya mag salita ng tagalog.
"Hmmm…" Nauubusan na ako ng hangin kaya bahagya ko siyang itinulak para maghiwalay ang mga labi namin dahil parang wala siyang balak! Grabe naman si Mr. stranger parang nag mu-mukbang lang ng sugpo!
"W-wait! Wait! Wait!" Hingal kong sabi.
Natawa naman ng mahina habang may matamis na ngiti sa labi na parang akala mo naman ay nanalo sa lotto. Hmmp! Mokong na ‘to! Nakuha pa talagang tumawa eh hindi na nga ako halos makahinga kanina.
***
-Don’t talk to strangers, you might fall in love!-
End of chapter 3…