"Helena, gusto mo ba ihatid ko kayo ng mga bata?" alok pa ni Jariz.
"Jariz, salamat. Pero masyado ng abala para sa'yo," nahihiya kong tanggi sa alok niya.
"Helena, sabi ko naman, hindi ka abala para sa akin."
"Much appreciated, Jariz. Pero baka mawalan ka na ng kompyana," biro ko pa. At tumawa lang siya ng mahina dahil sa sinabi ko.
"Hmm, Helena…"
"Bakit, Jariz?"
"Nevermind," nakangiti nyang sabi.
"Si, Trevor ba?" tanong ko. Hindi naman siya kumibo.
"Jariz, tapos na kung anong meron kami. Si, Ysha lang ang dahilan kung bakit nag-uusap pa kami."
Tumango- tango naman s'ya saka ako tinapunan ng tingin.
"Pero iba ang nakikita ko. Lalaki rin ako, Helena. Kaya alam ko at mukhang mahal ka pa rin n'ya," pagpapatuloy n'ya pa.
Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. At kung ilang ulit pa akong napalunok dahil dito.
"A-ano ka ba? Tapos na kami at may bago na s'ya," saad ko saka ko ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo ko, iniisip ko pa rin ang sinabi n'ya. Ngunit hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko tungkol dito. Lalo pa at alam kong may ibang mahal na si Trevor.
"Thank you, Jariz, ang dami ko na talagang utang sa'yo. Paano ba kita mababayaran?"
"Dinner date with me," nakangiting biro pa n'ya pa.
"Sure. Ikaw pa!" mabilis kong sagot.
Mukhang nagulat pa s'ya dahil sa naging ko. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap habang nakatitig sa akin.
Madalas kasi akong tumanggi sa tuwing yayayain n'ya akong kumain sa labas. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao kung may makita sa aming dalawa na magkasama.
"A-are you k-kidding me...?"
"I'm not." Tumatawa kong sagot.
"Oh... Shoot!" hindi makapaniwalang bulalas n'ya.
"Thank you, Helena, napasaya mo ako." Hinawakan n'ya pa ang kamay ko at bahagyang pinisil.
"Bye, Jariz, ingat ka huh!"
"Thanks have fun!" Kumaway pa siya at pinaandar na ang kotse palayo.
"Helenaaaa!" narinig kong sigaw sa pangalan ko.
Nagulat pa ako paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko ang tatlong bakla napasugod dito. Mabilis silang tumakbo palapit sa akin. At naglulundag pa sa galak ng makalapit sila.
"Helena, kanina pa kami dito. At alam mo ba ayaw kaming papasukin ng guard sa bahay mo!" reklamo pa ni Ricardo sa akin.
"Ricardo, magtaka ka pa. Mukha ka kasing kawatan!" buska ni Dominador.
"Ay wow! Dominador, hiyang-hiya naman ako sa mukha mong perfect. Walang bahid ng dungis at kapintasan!" sarkastiko pang wika ni Ricardo.
Bago pa sila mag away-away inawat ko na sila. Hanggang ngayon ang gulo pa rin nila at pasaway.
"Tumigil nga kayo! Magkakamukha naman kayong tatlo! At saka anong ginagawa niyo rito huh?"
"Miss ka na namin kaya dinalaw ka namin, Helena!" saad pa ni Teodoro.
"Nakita n'yo na ako. So pwede na kayong umuwi," taboy ko pa sa kanila.
"Hoy, Helena! Baka ipagkalat ko tamad kang maligo noon at may--" Mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya gamit ang kamay ko.
"Shutangina ka! Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan 'yon!"
Kaya naman nagkatawanan pa kaming tatlo habang inaalala ang kabataan namin.
"Tara na!" yaya ko sa kanila.
At tamang-tama ang dating nila may kasama ako na ipasyal ang mga bata.
"Wow! Yayamanin ka na, Helena!" mangha nilang bulalas.
Gusto ko pang matawa ng maghubad ng tsinelas si Dominador bago kami sumakay sa elevator.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit bitbit mo ang tsinelas mo?" Tumatawa kong tanong. Kaya naman napatingin din ang dalawang bakla kay Dominador.
"Bobo ka talaga, Dominador! Paglabas pa natin saka mo huhubarin ang tsinelas mo!" seryoso pang sabi ni Teodoro kaya naman napahagalpak ako ng tawa.
"Alam n'yo kayong dalawa, puro talaga kayo kabobohan. Hindi nyo dapat hinubad ang tsinelas n'yo. Wait nyong sabihin kung kailan huhubarin," sabi pa ni Ricardo. Hindi ko mapigilan hindi matawa sa mga kalokohan nila.
"Mga hayop kayo! Ang sakit ng tiyan ko. Hindi na kailangan hubarin ang tsinelas. Saan bang bundok kayo galing?"
Hanggang sa makalabas kami ng elevator manghang- mangha pa rin sila.
"Wow! Helena, ang ganda dito huh! Apply na kaya ako sa'yo na PA mo?" suhestiyon pa ni Ricardo.
"Pwede kayong dumalaw dito. Kahit kailan n'yo gusto," sabi ko pa.
"I'm so happy for you, Helana, You deserved it all!" sambit pa ni Teodoro. Kaya naman napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan kaming tatlo. Hindi kami makapaniwala na may salitang banyaga na alam si Ricardo.
"Ricardo Camacho, anong expired ang nakain mo?" tanong ni Dominador.
"For your information English is one of my favourite subject," proud n'ya pang saad.
"Ay, Helena! Big time 'to!" bulalas ni Teodoro.
"What are the eight parts of speech?" tanong ko.
"Sorry, Helena, walang tanungan ng number!" reklamo n'ya pa. Kaya naman mabilis kong pinadapo ang kamay ko sa ulo n'ya habang tawa ako ng tawa. Samantala sabay pang sinabunutan ng dalawang bakla si Ricardo.
"Lintik ka! Akala ko ba favourite mo ang English?"
"Kayo naman...Hindi na mabiro! Science talaga ang favourite ko-"
"What is science?" hirit ko pa.
"Helena, gusto mo talaga akong pinapahiya rito?" tanong pa ni Ricardo.
Bago kami makapasok sa loob ng bahay ko, nabugbog muna namin si Ricardo dahil sa mga pinagsasabi n'ya. Ngayon lang yata ako muling natawa ng ganito. Sobrang na-miss ko talaga sila.
"Mamitaaaa!" Tili ni Ysha nang makita ang tatlong bakla na kasama ko.
Sinalubong n'ya pa ng yakap ang mga ito. Halos lahat ng malapit sa akin, gustong-gusto ni Ysha.
Tuwang-tuwa pa sila sa muli nilang pagkikita. Mabilis nilang binuhat si Ysha at naglulundag pa.
"I missed you all po," sabi pa ni Ysha sa tatlong bakla.
"Na-miss ka rin ni Mamita ang ganda pa rin ng baby namin," papuri pa nila.
"Mahal ko, wag na tayong pumunta ng Zoo."
"Why, Mama?"
" Kasi dinala ko na lahat ng mga hayop dito!" sabi ko pa saka ako nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlong bakla.
"Where's Mama?" nagtataka pang tanong ni Ysha.
"Just look around, Mahal ko," Natawa pa ako sa reaction ng mga bakla ng makuha nila ang ibig kong sabihin. Habang tawa lang ako ng tawa dahil sa kanila.
Ilang saglit pa ay umalis na rin kami at dahil hindi trapik mabilis kaming nakarating sa Zoo. Tuwang-tuwa ang mga bakla at parang sila pa yata ang dapat kong bantayang mabuti!
"Mama, look..." Turo pa ni Ysha sa isang Nanay na monkey na may karga na baby monkey.
"Mama, buti pa po siya may bagong baby." Sabay yakap sa binti ko at natigilan ako sa sinabi n'ya. At may bakas pa ng matinding lungkot sa boses n'ya. Yumuko ako upang buhatin siya at umupo kami sa kahoy na bench na nasa tabi. Hindi naman siya makatingin sa akin.
"Mahal ko, bakit ka sad? Hmm?" malambing kong tanong sa kanya. Umiling-iling lang siya habang nakayuko pa rin.
"Look at me..." Dahan-dahan naman syang nag-angat ng tingin.
"Mama, loves you so much. Always remember that." Niyakap ko pa s'ya at hinalikan ko ang ulo n'ya.
I know na hindi pa rin okay kay Ysha ang lahat. Kaya s'ya nagkakaganito at wala akong magawa para sa kanya.
"I love you so much, Mama," mahinang sambit niya.
"Hmm, how about let's have a dinner at GRACE? Love mo ang pasta nila right?" pang aaliw ko pa sa kanya.
Kaya naman pansamantala nawala sa isip n'ya ang lungkot at ngumiti na rin.
"Yes, Mama! I love pasta!"
At muling bumalik ang sigla n'ya at s'ya na mismo ang nag-yaya na mag patuloy kami sa pamamasyal.
Ilang oras pa kaming nag- ikot ikot sa Zoo at umalis na rin kami. Kagaya ng sinabi ko sa kanya, restaurant kami kakain ngayon.
Mabilis kaming nakarating sa GRACE, dahil malapit lang naman 'yon dito. Hawak-kamay pa kaming pumasok dalawa habang si Ricardo naman ang may hawak kay Hale. Tuwang-tuwa pa ang mga bakla dahil first time raw nilang kumain sa restaurant. Pagpasok namin, sinalubong kaagad kami ng may-ari at laking gulat pa n'ya nang muli n'ya akong makita.
"Ms. Helena, long time no see," nakangiting bati ni Hayden.
"Kaya nga Chef Hayden. Congratulations! Sobrang sikat na ng restaurant n'yo," papuri ko pa.
Tumawa pa siya ng mahina na tila ba nahihiya sa sinabi ko.
"Thank you, Ms. Helena. By the way... Architect Galledo is here," aniya.
Kaya naman ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko nga si Trevor. He's not alone. At mukhang sweet na sweet pa sila ng kasama n'ya!
"Mabulunan sana kayo o kaya 'wag matunawan!" mahinang bulong ko.
"Yes, Ms. Helena, may sinasabi ka?" untag ni Chef Hayden. Kaya naman medyo nagulat pa ako.
"W-wala, Chef Hayden. Table for 6 please," sabi ko na lang.
"Sure."
Nagulat pa ako ng may humawak sa balikat ko. Kaya naman kaagad akong napalingon.
"J-jariz…? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.
"M-magkakilala kayo?" takang tanong pa ni Chef Hayden.
"Yes, bro!" sagot ni Jariz.
"Visiting my long lost friend, Chef Hayden," sagot sa akin ni Jariz.
"Kuya Jarizzz!" Tili ni Ysha kaya naman biglang napatingin si Trevor sa pwesto namin ngayon. Nagtama pa ang paningin namin dalawa at kitang-kita ko pa ang madilim na ekspresyon sa mukha n'ya.
Pati ang kasama nitong babae na mukhang may kaliskis napatingin din sa amin.
"Hi, Ysha," nakangiting bati ni Jariz. At bahagya pang ginulo ang buhok ni Ysha. Samantala nag apir naman sila ni Hale.
"Helena, if mind... pwede ba akong mag-join sa table n'yo?"
"Sureeee, Papa Jariz! Kahit mag-mukbang pa tayo," singit pa ng tatlong bakla sa usapan. Kaya naman pinadilatan ko sila ng pasimple at for sure nakita nilang narito rin si Trevor.
Bigla tuloy sumikip ang mundo ko dahil sa presensya nilang dalawa. Bahala na si batman, superman at gun man!