Hindi ako halos mapakali sa kinauupuan ko lalo na at nasa likuran lang namin sina Trevor at bisugo. Parang nandadaya talaga ang pagkakataon dahil sa pwesto namin ngayon. Pakiramdam ko naipit ako sa dalawang bato na nag-uumpugan. Isali pa ang pang-aalaska ng mga bakla. Talaga namang mapipikon ka at gusto mo na lang maglaho. Kaya naman huminga ako ng malalim at nagkunwari na hindi ko ramdam ang presensya nila dito. At wala naman akong pakialam sa kanila. Kahit tumambling pa sila sa harapan ko.
"Are you okay, Helena?" tanong ni Jariz. Mukhang nahalata niya siguro na balisa ako at hindi makakilos ng maayos.
"Okay lang ako, Jariz. Let's eat," nakangiti kong sambit.
"Love, eat more," maarteng sambit pa ni bisugo, very obvious na pinaririnig talaga sa akin.
"Sure, Love," narinig ko pang sagot ni Trevor.
"Love me like you do. Love me like you do." Kanta pa ng tatlong bakla. At talagang dinidiin pa ang salitang Love. Kaya naman pasimple ko pa silang sinipa sa ilalim ng lamesa.
"Helena, here." ani Jariz. Sabay lagay ng wala ng balat na hipon sa plato ko.
"1 down!" komento ni Teodoro. Kaya naman tinignan ko pa siya ng masama.
"Thank you, Jariz. Try this.' Nilagay ko naman sa plato nya ang isang hiwa ng fish fillet.
"How's it?" tanong ko.
"Taste good! Have you been here before?"
"Y-yes. One more?" alok ko pa. As long as possible ayaw ko na sana maalala ang tungkol sa nakaraan namin ni Trevor.
"Sure. Thanks, Helena." Nilapit n'ya pa ang plato sa akin.
Patuloy kami sa pagkain habang parinig ng parinig ang bisugo sa kabilang table.
"Wait, Helena." Nagulat pa ako ng punasan ni Jariz ang gilid ng labi ko.
"May sauce ka."
"S-sorry," nahihiya kong sambit.
"No worries. Okay na," aniya at ngumiti pa.
"Sana all!" Sigaw pa ng mga bakla. Gustong-gusto ko na talaga silang gulpihin sa mga oras na ito. Nagulat pa kami ng biglang magdabog si Trevor. At hindi ko alam kung sinasadya ba n'ya ito. Kaya naman napatingin kami sa kanila.
"Love, restroom lang ako," narinig ko pang paalam n'ya kay bisugo.
"Jelly ace." Bulong pa sa akin ni Teodoro.
"2 down goes to–" bago pa ituloy ni Ricardo ang sasabihin niya. Mabilis ko syang sinubuan ng kanin. Kaya naman halos magka ubo-ubo na sya.
"Tatahimik kayo ngayon, o habambuhay?" banta ko pa sa kanila. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Jariz. Kaya naman mabilis pa sa kidlat silang tumahimik.
"Mama, I want ice cream," lambing ni Ysha.
"Ysha, come here!" tawag pa ni bisugo kay Ysha.
Ngunit imbes na lumapit si Ysha umupo siya sa kandungan ko at yumakap ng mahigpit.
"Why, Mahal ko?"
"I don't like her, Mama. Dito lang ako please…" halos pabulong na sabi n'ya.
Nagulat pa ako ng makita ko sa harapan ko si bisugo at nakapaweywang pa.
"Ysha, Darling, come," pilit pa nitong pinapalambing ang boses n'ya.
Umiling-iling naman si Ysha at lalong sumiksik sa katawan ko.
"Excuse me. Hindi gusto ng bata, look at her, natatakot sa'yo," singit pa ni Jariz sa usapan.
"I'm not talking to you, shut up!"
"Helena, talagang ginagamit mo pa ang bata para makalapit kay, Trevor. Anong akala mo babalik siya sayo?" pang-uuyam n'ya pa sa akin. Kaya naman nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Imbes na sumagot ako sa kanya ngumisi lang ako. Na mas lalong ikinainis n'ya.
"Ricardo, samahan mo ang mga bata, sa may sweets section." Turo ko pa sa bandang kanan ng restaurant.
"Mahal ko, sama ka muna kay, Mamita. Diba you want ice cream?" Tumango naman siya. Nang makaalis sila si Jariz naman ang kinausap ko.
"Jariz, I will talk to her lang," paalam ko pa.
"Are you sure?" tanong n'ya.
"Yes. Sanay yata akong makipag-sparing hanggang ngayon nga ang huli kong nasuntok comatose pa rin," biro ko pa. Kitang-kita ko pa ang takot sa mukha ni bisugo.
"Oo, Papa Jariz, sanay na sanay si Helena, bumutas ng tagiliran!" biro pa ni Teodoro. At sinabayan pa ng nakakalokong tawa. Tumayo ako hinawakan ko s'ya sa kamay at hinila ko papasok ng CR. Pilit nya pang inaalis ang kamay ko. Pabalya ko syang binitawan kaya naman muntik pa syang matumba. At mukhang nahintatakutan naman s'ya ng makita nya na kami lang dalawa sa loob. Tignan natin hanggang saan ang tapang mo.
"Bakit parang takot na takot ka? Akala ko ba mahal ka ni Trevor? Akala ko ba secured ka?" nakangisi kong tanong.
"Y-yes! Mahal na mahal niya ako! Stop dreaming na babalikan ka pa niya," taas noo pa nyang sagot. Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis sa kanya.
"Hindi na ako bumalik sa mga napagsawaan ko na. Tapos napunta pa sa basura." Tinignan ko pa sya mula taas pababa.
"How dare you!" Tumawa lang ako sa sinabi niya. Kailangan kong ipakita na matapang ako.
"Pero alam mo ba…" pambibitin ko pa sasabihin ko.
"What?" tanong pa niya at base sa itsura nya ngayon mukhang asar na asar na.
Tumawa muna akong mahina at lumapit ako sa tenga n'ya at bumulong.
"Lahat ng nunal ni Trevor, sa buong katawan n'ya alam ko at bilang ko. From head… to toe," malanding sambit ko.
Tinitigan naman nya ako ng masama habang nakangiti lang ako sa kanya.
"Naalala ko pa nga kung paano niya sambahin ang buong katawan ko. He loves my body so much." Dahan-dahan ko pang hinaplos ang braso ko habang nakatingin sa kanya.
"You b***h!" Sigaw niya at akma pa akong sasampalin ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
"Yes. I am!" pang-aasar ko pa sa kanya. At mabilis ko syang tinulak.
"Trevor will know about this!"
"Go," walang gana kong sagot at mabilis ko syang iniwan. Paglabas ko ng CR pinalis ko pa ang luha sa mga mata ko. Kahit pala gaano ko ipakita na matapang ako. Sa tuwing naalala ko ang lahat masakit pa rin. Nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Trevor.
"Are you okay?"
Lumapit ako sa kanya at mabilis kong pinadapo ang kamay ko sa pisngi nya.
"Don't talk to me, na parang walang nangyari! Wala kang karapatan para kamustahin ako!" nanginginig pa ang boses ko. At ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng bumagsak. Saka ako mabilis na tumalikod sa kanya. Napatigil ako sa paghakbang ng hawakan nya ako braso.
"Let me go," mahinang sabi ko.
"Helena, listen-"
"Stop! Trevor." Inalis ko ang kamay nya at mabilis akong naglakad palayo sa kanya.
Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit napakadali para sa kanya na ipagpalit ako? Totoo bang minahal niya ako? O ako lang ang nagmahal sa aming dalawa?