Goodbye

1330 Words
"Hoy, Helena! Okay ka lang?" untag ni Filipinas sa akin. Dinalaw kasi muna namin sa bahay si Filipinas. At gustong makita ni Ysha si Janus. Bago ko siya ihatid sa bahay nila mamaya. "Okay lang, Filipinas," tipid kong sagot habang nakatingin kay Ysha at Janus. Tuwang-tuwa si Ysha, habang nakikipaglaro sa anak ni Filipinas. Parang kailan lang ang liit pa ni Janus. Napangiti pa ako sa tuwing naaalala ko kung paano tumuwid ang dila ni Filipinas, habang nag la-labor noon. At kinabukasan balik na ulit ang dati nyang dila. "Hoy! Hilina! Nakakatakot ka na. Kanina lang malungkot ka tapos ngayon masaya na." Iiling -iling n'ya pang sambit. "Masaya lang ako para sa inyo. Buo na ang pamilya mo. Maliban na lang sa inyo ni Jordan. Umamin ka nga sa akin, wala ka bang nararamdaman para sa bestfriend ko? Hindi mo na nakikita ang pagbabago n'ya?" pangungulit ko pa. Tumawa naman siya ng nakakaloko. Bago ako hinarap at mataman akong tinignan. "Wala , Hilina. Wala akong feelings para kay Jordan, para lang kay Janus, kung bakit ako pumayag na tumira kami sa iisang bahay," pag -amin n'ya pa sa akin. Kaya naman napatingin ako sa kanya. At bakas nga sa mukha nito ang pagsasabi ng totoo. Sabagay hindi mo naman mapipilit ang pag-ibig sa isang tao. Kahit pa anong tulak mo. Dahil hindi naman nadidiktahan ang puso. Akala noon kaya ayaw nyang sabihin kay Jordan ang lahat dahil natatakot s'ya sa magiging reaction nito. Pero sa nakikita ko ngayon itinago nito si Janus, hindi para doon. Kundi para sa sarili n'ya talaga. "Ikaw, Hilina?" Natigilan naman ako sa pagsubo ng cassava cake dahil sa sinabi n'ya "A-anong ako?" kunot noo kong tanong. Saka ko ipinagpatuloy ang pagkain. "Kamusta ka na? Kayo ni Sir Trevor, anong status nyong dalawa?" "Anong klase ng tanong 'yan? Alam mo Naman may bago na siya," malamig kong sagot. At saka ko binaba ang platito sa lamesita. "Sa nakikita ko kay, Sir Trevor. Mahal ka pa rin n'ya, Helena. Baka may malalim syang dahilan." Ginagap n'ya pa ang kamay ko at bahagyang pinisil. "Filipinas, matagal na kaming tapos. At aaminin ko, masakit pa rin hanggang ngayon. Pero ayaw ko ng umasa at masaktan. At may isang tao na handang mahalin ako…" "May nararamdaman ka ba para sa kanya? Wag kang magtago, Helena." Natigilan ako sa sinabi n'ya. May nararamdaman nga ba ako para kay Jariz? O kaibigan lang ang turing ko sa kanya. "Hindi ka makasagot, Helena." "H-hindi ko pa alam…sa ngayon." mahina kong sagot. "Sana para kay, Ysha. Maging maayos pa ang lahat. Mahal na mahal ka ng bata, Helena." Napatingin ako sa gawi ni Ysha. Paano na lang kaya kung dumating ang araw. Na hindi ko na s'ya makasama? Paano kung pagbawalan na ako ni Trevor? Kakayanin ko ba na hindi ko makasama si Ysha? "Mama…" nagulat pa ako ng biglang magsalita si Ysha. Malalim na pala ang pag-iisip ko, sa mga bagay-bagay. "Y-yes, Mahal ko?" pilit ko pang ngumiti sa kanya. Paharap pa syang umupo sa kandungan ko. At yumakap sa akin. Napansin ko rin na nakasimangot siya. "Why? Hmm." "Mama, let's borrow, Baby Janus. Please…" ungot n'ya pa sa akin. Natawa naman si Filipinas, dahil sa sinabi ni Ysha. Habang sinasayaw pa nito si Janus. Akala yata ni Ysha laruan ang anak ni Filipinas. Na pwedeng hiramin basta. "Mahal ko, hindi pwede. Walang mag-aalaga sa kanya." Natatawa ko pang sabi. "Me, po. I will prepare his milk and I know how, Mama, sige na. Ask, Tita Filipinas," pangungulit n'ya pa. "Mahal ko, hindi pwede. Iiyak siya pag wala sa tabi n'ya si Tita Filipinas," paliwanag ko. "Mama, pareho po kami ni Baby Janus." "Why?" "When you left me…I cried too." Saka s'ya muling sumiksik sa katawan ko. Nagkatinginan pa kami ni Filipinas. At umiling- iling pa siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi n'ya. Alam ko na may trauma na iniwan kay Ysha ang ginawa ko. Katulad kay Hale. Kaya hanggat maaari ayaw kong mawalay sa kanilang dalawa. "I-im sorry, Mahal ko." Hinalikan ko pa siya sa ibabaw ng ulo. "Don't worry pagbalik ko from work. We will invite them sa condo. Kaya wag ka ng malungkot," pangungumbinsi ko pa sa kanya. Habang kiniliti ko siya sa tagiliran. "M-mamaaaa! Stop na po!" saway n'ya habang tawa ng tawa. "I love you, Mahal ko." Saka ko siya pinupog ng halik. "I love you, Mama. Just only two days, Mama. Please come back soon," malungkot na sabi nya. May trabaho kasi ako out of town at hindi ko sila pwedeng isama ni Hale. Babawi na lang ako pag-uwi ko. "Say bye na kay, Baby Janus," utos ko sa kanya. "Bye, Baby Janus. Ate Ysha, loves you." Hinalikan nya pa ito sa kamay at pisngi. "Alis na kami, Filipinas." Humalik pa ako kay Janus, at bahagya ko pang kinagat at bigla naman umingit ito ng mahina. Kaya naman mabilis akong pinalo ni Filipinas. Habang natatawa lang ako. "Shhhh, Don't cry, Baby Janus," pang-aalo pa ni Ysha. "Mama, don't do that again." Nakanguso pang sabi ni Ysha sa akin. Habang inaalo si Janus. "Yes, Mahal ko. Sorry po." Nag-abang na kami ng tricycle papunta sa bahay ni Trevor. Habang nasa byahe kami, puro bilin si Ysha sa akin. Kaya naman napapangiti na lang ako. At nang makarating nga kami sa tapat ng bahay nila huminga muna ako ng malalim. Hawak-kamay pa kaming pumasok sa loob. Kahit medyo kinakabahan ako. Nang makapasok kami nagulat pa si Nanay Linda ng makita ako. Mabilis syang lumapit sa akin at yumakap. "Kamusta ka na? Sobra na kitang na-miss na bata ka!" "Nanay Linda, last week nagkita po tayo," biro ko pa. Kaya naman pinalo n'ya pa ako ng mahina. "Mas lalo kang gumanda," papuri n'ya pa sa akin. "Salamat, Nanay Linda-" "Papaaaa!" Sigaw ni Ysha. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. "Helena, ayos ka lang?" "O-opo, Nay. Aalis na rin po ako. Hinatid ko lang si Ysha." Para naman akong naninigas ng maramdaman ko si Trevor sa likuran ko. Amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango n'ya. Pilit kong ininda ang presensya na. At lakas loob akong humarap. Nagkatinginan pa kaming dalawa ngunit ako rin ang bumawi ng tingin. At hinarap ko si Ysha na karga ni Trevor. "Ysha, I'm leaving. Be good girl, Mahal ko. Pa-kiss si Mama,"" Bahagya pa akong lumapit sa kanya. At mukhang hindi magandang idea dahil mas nagkalapit pa ang katawan namin ni Trevor. Kaya naman mabilis akong lumayo. "I love you, Mama. Take care." "Where are you going?" tanong ni Trevor. "Work," tipid kong sagot. "Nay, alis na po ako," paalam ko pa. "Ihahatid na kita." "Wag na sasakay-" "Nay, kayo na po ang bahala kay, Ysha. Ihahatid ko lang si Helena." "Sige ingat kayo." Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto n'ya. Kaya naman nagpatiuna na akong lumabas. Pinagbuksan n'ya pa ako ng pinto ng sasakyan. "Thanks." Halos uminit naman ang ulo ko ng hindi ko maikabit ang seatbelt. "Ano ba?! Ang hirap mo naman!" inis ko pang kausap dito. Nagulat pa ako ng biglang yumuko si Trevor at tulungan akong ikabit ito. Nakangisi pa s'ya ng maayos n'ya ito kaya naman inirapan ko pa siya. Wala kaming naging imikan sa buong byahe. Itinuon ko ang paningin ko sa labas ng bintana at sa tuwing lilingon ako, nahuhuli ko pa syang natingin sa akin. Kaya naman naiilang ako sa titig n'ya at pakiramdam ko nanlalambot ako. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo ko. At itigil n'ya ang sasakyan. Walang gustong bumasag ng katahimikan sa pagitan namin dalawa. "Salamat sa paghatid." Akma na akong bababa ng kotse ng bigla syang magsalita. "My heart breaks into pieces. Sa tuwing umiiyak ka. At hindi ko gusto 'yon." aniya. "Pero 'yon ang nangyayari sa tuwing lumalapit ka. Goodbye." At mabilis akong bumaba ng kotse at tuloy-tuloy na pumasok ng building ng hindi ko s'ya nililingon. Nalilito na ako sa mga pinapakita n'ya. Dapat ko na talaga syang iwasan habang maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD