Plan

1546 Words
Pagdating ko sa office nagtataka ako kung bakit pinagkakaguluhan nila ang isang magazine. Kaya naman hindi nila napansinan ang pagdating ko. "Hoy, Galledo! Anong number ni Helena?" bungad ni Becca sa akin. "Why?" kunot noo kong tanong. "I will invite her to my wedding." "Are you kidding me?" gulat kong tanong. Hindi s'ya sumagot bagkus tinuro lang nito ang tiyan n'ya. "Oh! Congrats!" bulalas ko pa. "Thank you. Give it to me now." Matapos kong maibigay ang number ni Helena. Humahangos naman lumapit si Alfred sa amin. "Pre, nakita mo na ba ito?" tanong ni Alfred sa akin. Habang pinapakita ang hawak nyang magazine. Pati si Becca ay nakiusyoso na rin. Isang women's magazine na si Helena ang cover. "Grabe! Ang ganda ni Helena," hindi mapigilan sambit ni Alfred. Habang iiling-iling pa. "Alfred, if I were you, liligawan ko si Helena," pambubuyo pa ni Becca. "You think I may have a chance? Galledo, okay lang ba?" may himig sa boses n'ya ng pang-aasar. "Oo naman! Pinagpalit na nga n'ya si Helana. Sa babaeng mukhang jellyfish pa!" inis pang sambit ni Becca. "At saka mabait si Helena at saka hindi marunong manakit," ani Becca na tila pinariringan n'ya ako. "Last week I saw Helena, sa isang Caffe. Goddammit! Halos hindi ko siya nakilala. She's hot damn gorgeous!" ani Sky. Kahit gusto ko silang sapakin dahil sa papuri nila kay Helena wala akong magawa kundi ikuyom ang palad ko dahil sa inis. "Diba, Galledo, dapat ikakasal na kayo? What happened?" usisa pa ni Alfred. Hindi ko pa nasasagot ang tanong n'ya si Becca naman muli ang sumingit sa usapan. Ganito ba talaga pag buntis masyadong madaldal? "Namaligno kasi si Galledo. Halatang salamat doc, naman ang jowa n'ya!" Saka sila nagtawanan sa sinabi ni Becca habang napapailing na lang ako at simpleng napapangiti. Kanya-kanya na silang balik sa table. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko ang social media account ni Helena. Kung may bago bang post. Excited ko pang tinignan ito at napamura pa ako ng makita ko na magkasama sila ng boss nito. Gusto kong basagin ang cellphone ko, sa sobrang inis. Isa-isa kong binasa lahat ng comments kaya naman mas lalo akong nainis. "Hindi sila bagay! Masyadong maputi ang bangus na 'to! At hindi gusto ni Helena ang mestiso!" inis ko pang sambit habang nakatingin sa litrato nilang dalawa. Kahit pa hindi si Helena ang nag-post naiinis pa rin ako. "Bagay sila," nagulat pa ako ng may magsalita sa likuran ko. "Becca, Shut up!" ani ko. "Why? Bagay naman talaga sila. Look oh!" Hinawakan n'ya pa ang screen ng cellphone ko. At i-zoom ang picture nina Helena at boss nito. Pilit ko pang nilayo ang cellphone ko sa kanya habang tawa s'ya ng tawa. "Becca!" mariin kong tawag sa kanya. "Bakit, Galledo?" nakangisi nyang tanong. "Go back to your table," inis kong turan. "Whatever! Excited na akong maging abay si Helena. At balak ko rin imbitahan ang boss n'ya," pang-aasar n'ya pa lalo sa akin. "No!" mariing tutol ko. "Bakit sinong ikakasal? Ikaw ba?" tanong n'ya habang natawa pa rin. "Becca-" "Sorry, Galledo. Hindi ka invited sa kasal ko. Baka magselos pa ang magiging asawa ko." "What?! No way!" gulat ko pang bulalas. Kaya naman napatingin pa lahat ng katrabaho namin. "Guys! Lahat ng may invitation lang ang pwedeng dumalo sa kasal ko," anunsyo n'ya pa. "Copy, Ma'am!" sabay-sabay nilang sagot. "Becca!" tawag ko sa kanya. Ngunit tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. No way! Hindi pwedeng wala ako! Kailangan kong kumbinsihin si Becca. Kaya naman pagdating ng lunch break nagpadeliver ako ng lunch ni Becca. "Ano ito suhol?" tanong n'ya ng ilapag ko ang pagkain sa harap n'ya. "Nope. Para sa baby mo 'yan," ani ko. "Thank you." Sabay bukas ng isang box. At mabilis nyang tinikman ito. "Ang sarap! Pero…hindi ka pa rin invited." At nagpatuloy siya sa pagkain. Habang nakaawang naman ang bibig ko laglag ang balikat ko na naglakad palayo. Hindi pwedeng hindi ako imbitahan ni Becca. Kailangan kong gumawa ng paraan para makapunta rin ako. Kaya naman muli akong bumalik sa table n'ya upang makipag-negotiate sa kanya. "What?" tanong n'ya. "How about a trip to Boracay?" Kunot noo naman n'ya akong tinignan at para bang nagtataka. "Galledo, adik ka? Nagbibiro ka ba?" natatawa nyang tanong. "I'm not. Please invite me sa wedding mo." "Let me think about it. Go away!" "But, Becca-" "No more but. Bumalik ka sa table mo. Busy akong kumain dito." Wala pa rin akong nagawa kaya inis na inis akong bumalik sa mesa ko. "Pre, don't worry I will send you some photos from there. God! I'm so excited na makita muli si Helena," pang-aalaska pa ni Sky sa akin. "Bastard!" ani ko. Tinapik n'ya lang ako sa balikat at naglakad na pabalik ng mesa n'ya. Muli kong hinarap ang laptop ko para sa presentation mamaya. Napatingin pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table ko. Kinuha ko ito at binasa ang caller. Mabilis akong tumayo at lumabas ng office. "Hello." "Galledo, clear na. Nakasunod na ako, sa kanya ito na ang pagkakataon pwede mo nang ilagay ang audio recorder. Wag kang mag-alala hindi nila mapapansin ito." "Sige, papunta na ako." "Ingat, Galledo. Hindi ka pwedeng sumablay dito baka makatunog sila masisira ang lahat ng ito." "Bro, copy paalis na ako." Mabilis akong bumalik sa loob upang magpaalam kay Sky. "Sky, okay na ang presentation natin may pupuntahan lang ako saglit. Emergency lang ito pakisabi na lang kay Boss," bilin ko pa. At nagmamadali pa akong lumabas ng building. Sa parking lot muna ako pumunta upang kunin sa kotse ko ang audio recorder. Hindi na ako nag-abala pang gamitin ang kotse ko. Oras ang kalaban namin ngayon kaya naman wala akong inaksayang panahit nag-abang ako ng taxi at mabuti na lang nakasakay kaagad ako. Pagdating ko sa bahay ni Claire nagmasid muna ako sa paligid kung may tao ba. Nang masiguro ko na wala bumaba ako ng kotse at tuloy-tuloy na pumasok ng gate. Nakahinga ako ng maluwag ng mabuksan ko ito ng walang hirap. Inikot ko ang paningin ko kung may CCTV bang nakakabit at mukhang wala naman. Kabisado ko ang kabahayan kaya naman sa likod bahay ako nagpasya na dumaan papasok sa loob. Halos wala pa rin itong pinagbago ganoon pa rin tulad noon. Maliban sa halos wala na ang mga mamahaling gamit dito katulad ng mga pigurin at mga antique na mga vase. Mabilis akong pumanhik sa taas kung nasaan ang study room ng bahay dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Naglakad ako papunta sa mesa at kaagad kung idikit sa ilalim ang audio recorder. Nang matapos ko ang una binuksan ko pa ang drawer sa tabi ngunit hindi ko mabuksan ito. Naghanap ako ng ibang bagay na maaari kong gamitin pambukas ngunit bigo ako. Nagulat pa ako ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong sinagot habang pilit kong binubuksan ang drawer. "Galledo! Make it fast! Pabalik na sila dyan!" "S-sige tatapusin ko na ito!" "Wag mong ibaba ang tawag. Bibigyan kita ng update, sinusundan ko na sila." Dali-dali akong lumabas upang pumunta naman sa kwarto niya. Naghanap ako kung saan pwede kong ilagay at nagdesisyon ako sa likod ng headboard ilagay ang isa. Mabilis kong nilisan ang kwarto n'ya at nagtuloy ako sa living area. Nilagay ko ang huling recorder sa ilalim din ng mesang kahoy kung saan hindi nila mapapansin ito. "Galledo! Galledo! Where are you? Nandyan na sila! At may kasamang mga lalaki!" "Palabas na ako-" napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang makina ng sasakyan sa labas. "s**t! Galledo!" Pinatay ko ang tawag at mabilis akong tumakbo pabalik sa taas. May exit dito na kami lang ang nakakaalam at sa pagmamadali ko nabundol ko pa ang isang flower vase kaya naman lumikha ito ng ingay. Muli akong nagtagpo sa likod ng pintuan ng marinig ko ang yabag paakyat halos maligo ako sa pawis sa matinding nerbyos at takot. Habang papalapit sa pinagtataguan ko ng biglang may mag-doorbell kaya naman narinig ko ang yabag nila pababa. Dito nakahinga ako ng malalim dahan-dahan akong lumabas at tinungo ko ang ang secretong daan ng bahay. Pagdating ko sa likod-bahay nakita ko pang kausap nila si Caraig. Ilang saglit lang ay pumasok na sila sa loob naghintay pa ako ng ilang minuto para masiguro na nasa loob sila. Bago ako lumabas sa pinagtataguan at dahan-dahan ko pang binuksan ang gate ng walang ingay. Paglabas ko nakaabang si Caraig sa labas mabilis akong sumakay ng kotse at pinaharurot n'ya ito palayo. Dito pa lang ako nakahinga ng maayos. Muntik na ma bulilyaso kung nagkataon mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan namin. "Bro, Are you okay?" natatawa pang tanong ni Caraig. Nang tumigil kami sa isang convenience store at bumili ng tubig. "Putangina mo! Talagang nagawa mo pa akong tanungin. Hindi pa ba sapat ang pawis ko? Wala nga akong planong maging action star!" "Here," abot nya ng isang bottled water sa akin. Mabilis kong inubos ang laman nito pakiramdam ko naubos lahat ng pawis ko kanina. "Bro, putangina! Ilang buwan na akong walang s*x dahil dito, malaki talaga ang sisingilin ko sa'yo," aniya. "Matapos lang ang lahat ng ito sagot ko na babae mo," natatawa ko pang biro. Sana nga matapos na ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD