Hannah point of view "Teka teka... tama ba ang naririnig ko? sa inyo natulog si Lucas?" Napakamot na lang ako sa batok na tumango. "Omygash,di ko inexpect na isang Lucas Hills ay kinayang matulog sa inyo? aba matinde nakadalawang beses pa talaga." Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa mga nangyari kagabi. Erase..erase.. "Melissa wag ka ngang sumigaw." Nanliit naman ang mga mata ni melissa. "Teka namumula ka ba?." Nanlaki ang mata ko na napaiwas. "H--hindi noh." Hinawakan ni melissa ang mukha o at hinarap sa kanya. "Hindi?pero kita ng dalawang mata ko,ano tingin mo saken may sore eyes?may hindi ka pa ba kinukwento sa akin hannah?." Sambit nito na may panliliit na mata. Ano ba ikukwento ko ba sakanya?o hindi jusko naman oh Lucas bwiset ka! *kringg Wah!para akong nakahinga ng

