Melissa point of view Napakagat na lang ako sa kuko ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nawawala si Hannah. Naramdaman ko na lang na may kamay ang umakbay sa akin and it's Paul. "Magiging maayos din ang lahat, don't worry." Ngiting sabi nito at napatango na lamang ako sa sinabi niya. May parte talaga sa akin na natatakot na baka mapahamak si Hannah at iyon ang pinaka-ayaw ko. Bigla na lamang bumukas ang pinto at niluwa nito si Gray na hingal na hingal. "May nakakita sa kanya sa likuran ng school." habol hinga nitong sabi at tila nakaramdam ako ng luwag pero parang may mali sa itsura ni Gray. "Pero wala siya ro'n at nakita ko ito." Napatingin kami sa bracelet na kulay gold dala ni Gray. "Thats mine!" Napatingin kami kay Lucas ng magsalita i

