CHAPTER 26 Parehas kaming napalingon sa aming likuran kung saan nanggaling ang boses. Nakatayo si Ninong Leandro sa aking likuran. Madilim ang mga titig niya, lalo na sa katabi kong lalaki. Napayuko si Darwel at humingi ng pasensya kay Ninong. “Pasensya na po, Senyorito Leandro,” mahinang sabi nito. Gising pa siya? Nakabihis na siya ng isang simpleng itim na pajama at kulay white na t-shirt. Bagong ligo rin ito dahil napansin ko na medyo basa pa ang kanyang buhok. “Back to work,” utos nito sa amin. Naramdaman ko ang paghawak ni Darwel sa aking siko. “Doon na tayo sa kabilang mesa, Ligaya,” aya niya sa akin. Nililigpit namin ang bawat kalat sa mesa at tinatanggal ang mantel nun. Sa kanila kasi ‘yon. Tumulong na rin kami para mas mapadali nila ang trabaho nila. Baka abutin na lang kam

