CHAPTER 25 “Kailangan pa po kami sa baba kaya hindi po ako pwedeng magtagal dito,” wika ko. Hindi pa rin ako lumapit. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Kaya siya na mismo ang lumapit sa akin. Pumwesto siya sa aking likod. Nilagay niya sa ibabaw ng aking balikat ang dalawang kamay niya. Sa unang hagod niya pa lang ay napapikit na ako. Dalawang araw kaming pagod dahil sa paghahanda kaya kailangan ng katawan ko ng masahe. Pero hindi ito ang tamang oras para magpamasahe sa kanya. Sa unang hagod niya pa lang sa aking likod ay napapikit na ako. “Alam ko pagod ka ngayon. Kanina pa kita gustong lapitan,” napapaos na sabi niya. Kahit gaano pa kasarap ang pagmasahe niya sa aking likuran ay may tungkulin akong kailangang gampanan sa labas. At paano kung hanapin na lang siya bigla ng pami

