CHAPTER 2

1236 Words
CHAPTER 2 “Sorry po! Hindi ko po sinasadya, pasensya na po talaga!” Umayos ako ng tayo at paulit-ulit na humingi ng paumanhin sa kanya. May dumalo sa aming mga kasamahan ko at may hawak na itong mop. Kulay puti pa naman ang suot niyang polo shirt kaya kitang-kita ang orange juice na natapon sa damit niya. “Lalabhan ko na lang po ang damit n’yo! Matatanggal pa naman po ‘y-yan!” nauutal na sabi ko. Pinagpawisan na ako dahil nagkaroon ng pinagtitinginan na kami ng iba. Ang tanga mo sa part na ‘yon, Ligaya! “That cost thousands, baby girl. Tapos tinapunan mo lang ng juice?” sabi ni Senyorito Isidro. Patay na talaga ako kung libo-libo ang presyo niyan! Habang-buhay ata akong magtatrabaho sa kanila para mabayaran ‘yan! At ano raw? Baby girl? Ganyan ba ang tinatawag niya sa mga babae niya? Kaya mabilis niyang nakukuha ang mga babae. “Don’t mind him. It’s okay, I’m gonna go upstairs and changed my clothes,” Senyorito Leandro said in a gentle voice. Nakadikit na ang damit niya kaya mas lalong naging kita ang hulma ng katawan nito. “Pasensya na po talaga. Lalabhan ko na lang po ng mabuti ang damit n’yo. Pasensya na po,” Tumulong ako sa paglinis doon sa ginawa kong kalat. Umakyat na muna si Senyorito Leandro sa taas para magbihis ng damit niya. Ang tanga-tanga, Ligaya! Buti sana kung natalisod ka lang pero dinamay mo pa talaga si Senyorito Leandro. Natapunan mo pa ng juice. Pumasok ako sa kusina at handa na sanang magkwento kina Manang Sana pero nang mamataan ko si Manang Lilet sa gilid ay hindi ko na lang natuloy. Sumenyas sa akin si Manang Sana at na parang sinasabi niyang patay ako. “Ang dami-daming mga bisita sa labas, Ligaya! Ngayon mo pa talagang naisipang magpakatanga?” madiing sambit nito. Napayuko ako at hindi na sumagot. Tumayo lang ako sa harapan niya. Sanay na akong pinapagalitan niya kapag may pinapagawa siyang pumapalpak ako. “Kapag ako nalagot kay Don Mariano ingungudngod ko ‘yang pagmumukha mo sa sahig! Ang simple-simple lang ng trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos! Nakakahiya sa mga bisita sa labas gumawa ka pa talaga ng eksena sa harap!” dagdag pa nito. Malaki ang kasalanan ko at alam ko naman ‘yon. Kaya nga hindi na lang ako nagsasalita at tinatanggap na lang ang pangangaral niya sa akin. “Kayo? Anong tinitingin-tingin n’yo d’yan? Magsilabas na kayo at gawin na ang mga trabahp! Uunahin n’yo pa ang pakikinig dito? Baka gusto n’yong lahat kayo pagalitan ko? ‘Wag n’yo akong simulan!” Nagtulukan na palabas si Manang Sana at Manang Flor palabas ng kusina at takot na madamay. “At ikaw,” Napaayos ako ng tayoat tumingin sa mga mata niya. Tinuro niya ako. “Dito ka na lang sa kusina at ‘wag na ‘wag kang lalabas dahil baka kung ano na namang kapalpakan ang gagawin mo. Naiintindihan mo ba ako?” “Opo, Manang. Hindi po ako lalabas,” sagot ko. Maghuhugas na lang ako ng plato rito sa kusina. Habang naghuhugas ako ay pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Tandang-tanda ko pa kung paanong hinawakan ni Senyorito Leandro ang bewang ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang kamay niya. Sinalo niya ako kanina kaya hindi ako nahulog sa sahig. Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. At ang boses na iyon galing sa isang taong nasa isip ko. “Where do I put this?” Napalingon ako sa nagsalita. I saw him lifting his white polo shirt. Iyon ang suot niya kanina. And now he is also wearing the same kind. Wow, ang dami niyang damit na ganyan. Bagong ligo siya, ang dulo ng kanyang buhok ay medyo basa pa. At kahit na malayo kami sa isa’t-isa ay naamoy ko ang mamahaling shower gel nito. “Senyorito, akin na po! Lalabhan ko agad mamaya kapag natapos na ako rito,” pinunasan ko muna ang kamay ko sa aking suot na pantalon bago iyon kinuha sa kamay niya. Pag-iigihan ko talaga sa paglalaba kesa naman magbayad ako. “Pasensya na po sa nangyari kanina. Hindi ko po sinasadya,” paghingi ko ulit ng paumanhin. “It okay. It was an accident. What is your name by the way?” Napaawang ang aking labi sa tanong niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinanong niya ang aking pangalan? Bakit? “Ako po si Ligaya Santiago, senyorito,” Mas lalong nalaglag ang panga ko nang inabot niya sa akin ang kamay niya. Tiningnan ko iyon. Matagal pa bago ko iyon tinanggap. Nag-aalangan ako. Pero nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang kamay niya. Muli kong pinunas sa aking pants ang aking kamay at sinigurado na hindi iyon madumi bago tinanggap ang kamay niya. “Ligaya...” tumatangong sabi niya habang may ngiti sa mga labi. Mabilis kong binitawan ang kamay niya na para bang nakukuryente ako. Naaalala mo pa ba na inaanak mo ako? Parang hindi. Hindi pa ba siya aalis? Magpapatuloy na ako sa paghuhugas. “Ahm... May kailangan po ba kayo, Senyorito?” tanong ko sa kanya. Humigpit ang kapit ko sa damit niya nang mahuli ko siyang nakatitig sa aking labi. Namamalikmata lang ba ako o talagang nakatingin siya sa labi ko? “No, nothing. So, where should I get my shirt?” “Isasabay ko na lang po sa mga damit nila ni Senyorito Isidro at Senyorito Alejandro,” magalang na sagot ko. My drier naman sila kaya matatapos ko rin 'to mamaya kapag nilabhan ko. Mabilis lang 'tong matatanggal dahil bago pa naman. “When is that? I need it now,” matigas na English niya. Galing nga pala 'tong ibang bansa, nakakaintindi naman siya ng Tagalog kaya hindi na rin ako mag-eeffort na mag English. “Kung kailangan niyo po ngayon lalabhan ko po 'to agad tapos ibibigay ko po sa inyo, Senyorito,” Favorite shirt niya ata 'to. “Bring it to me, okay? I'll come back here later to get my shirt,” Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kusina. Pero nasa b****a pa lang siya ay lumingon na ito sa akin at muling nagsalita. “By the way, change your clothes,” Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na siya. Jusko, sa buong minuto na magkausap kaming dalawa ay parang hindi ako humihinga. Kinailangan ko pang uminom ng tubig pagkatapos naming mag-usap. Tumingin ako sa aking damit at nakitang basa rin iyon. Hindi ko namataan kanina na natapunan din pala ako. Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ko. At sunod ko namang inasikaso ang kanyang damit. Pumunta ako sa likod kung nasaan ang washing machine nila. Nang matapos ko ng labhan at nang matuyo na ay tinupi ko iyon ng maayos. Naglakad na ako pabalik sa loob nang matapos na ako. Nasa bandang swimming pool na ako nang makasalubong ko si Senyorito Leandro. “Senyorito, bakit po kayo nandito?” Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. “You didn't change your clothes,” Sa pagmamadali kong unahin ang damit niya ay hindi na ako nakapagbihis at natuyo na lang din. Kulay blue at white ang uniform namin dito. Pants din na kulay blue sa pang-ibaba. Pwede naman magsuot ng palda pero minsan ko lang sinusuot iyon dahil naiilang akong gumalaw kapag nakasuot ng palda. “Change or else I'll dress you up,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD