CHAPTER 3
LEANDRO'S POV
I haven't been home to the Philippines for a year. I just don't want to be with my dad. But now, I need to go home because Mommy passed away. My mother, whom I love so much.
Many people like my dad because they say he's kind. But they don't know his true character, how bad he is as a person, and as a husband to my mom. That's the reason why I left our house. I want to prove something to my dad. I want to make a name for myself without asking for his help.
I became a successful eye specialist abroad. Mommy would visit me whenever there were special occasions.
As I walked into our house, memories with my mommy from when I was young gradually came back. It's sad to think that I'm coming home now that she's no longer here.
As I walked, I greeted and smiled at everyone I passed, meeting their eyes. But I spotted an interesting face. I quickly smiled at her and couldn't take my eyes off her.
“Mag-usap tayong tatlo, kuya kapag nailibing na si mommy,” wika ng pangalawang kapatid ko na si Alejandro.
Marunong pa rin naman akong magtagalog kahit matagal na ako sa ibang bansa. Of course, dito rin naman ako lumaki sa Pilipinas. Pero hindi ako fluent magsalita.
“I think something is wrong with her sudden death,” Isidro said.
I instantly elbowed him. Tumingin ako sa buong paligid takot na baka may makarinig sa kanya. Especially my dad.
“Shut up, Isidro. Let’s talk about this privitely,” Alejandro whispered.
Muli akong tumingin sa buong paligid at hindi ko maiwasang hanapin ang babaeng nakita ko kanina. She’s serving the people. I can’t help but to stare at her face. Well, I can say that she is pretty. Simple but elegant look.
Inasar na agad ako ng mga kapatid ko nang matalisod siya sa aming harapan. I have to admit it, I find this girl very interesting.
“What a nice move. Ganyan ka gumalaw sa mga babae mo sa ibang bansa, Kuya?” natatawang tanong sa akin ni Isidro. Sa aming tatlo, si Isidro ang pinakamapang-asar. Si Alejandro naman ang pinakatahimik at palaging seryoso ang mukha.
“Who is that girl?” interesadong tanong ko. Napangisi si Alejandro sa aking tanong. Si Isidro naman ay nagpipigil ng tawa niya.
Kung damit lang ang pag-uusapan, marami ako. I can just throw this shirt away. Pero dahil may kung anong nagtutulak sa akin na kausapin siya ay naisip kong ibalik na muna sa kanya ang damit.
Just to have a conversation with her.
LIGAYA’S POV
Namula ang aking buong mukha. For sure parang lalabas na ang mga mata ko ngayon sa sobrang laki.
“P-po? Bakit n’yo naman po ako bibihisan, Senyorito? Marunong naman po ako,” pabulong na sabi ko.
Humagalpak ito ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“By the way, is that my shirt? Can I get it now?”
Inabot ko iyon sa kanya. “Opo, nalabhan ko na po ‘yan. Malinis na po ulit. Pasensya na po talaga sa nangyari kanina,”
Napapansin ko, sa tuwing nagsasalita ako ay imbes na sa aking mga mata siya nakatingin ay nakatingin lang ito sa aking labi. Magkaharap lang kaming dalawa kaya mapapansin ko kung saan nga ba nakatitig ang mga mata niya. At sa labi ko talaga!
“Thanks, Ligaya.”
Muli akong namula nang inamoy niya sa harapan ko ang damit. Tumango-tango siya pagkatapos amuyin iyon.
“Babalik na ako sa loob. Thanks for this. Change your clothes,”
Wala sa sarili akong napatango.
Pinanood ko lang ang likuran niya hanggang sa makaalis siya.
“Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko?” bulong ko sa sarili ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas nga!
Siya lang ang laman ng isip ko habang nagbibihis ako ng damit.
Muli akong bumalik sa loob upang magtrabaho. Hindi na ako pinayagang lumabas pa para magserve doon sa mga bisita dahil ayaw ni Manang Lilet at baka raw pumalpak ako. Ako lang ang naghuhugas ng mga nagagamit nila.
Bandang alas dose ng gabi ay napapahikab na ako. Marami pang mga tao sa labas. Sumandal na muna ako sa sink at tumigil saglit sa paghuhugas. Minu-minuto ay dumadagdag ang hugasin ko kaya namumula na ang kamay ko dahil sa sabon at kulubot na rin iyon dahil sa tubig.
Tiningnan ko ang aking palad na magaspang. Ang palad kong ang dami ng pinagdaanang pagsubok sa buhay. Bata pa lang ako babad na ako sa trabaho. Hindi ka pwedeng maging tamad kapag mahirap ka. Kasi kung magiging tamad ka ay magugutom kayo. Tumutulong na ako kay Nanay kahit nung bata pa lang ako. Kaya marunong na akong maglaba at magluto sa murang edad. Tapos naaalala ko nung high school ako ay nagbebenta pa ako ng mga graham ball sa school para lang may dagdag akong pambaon.
May trabaho si Nanay at Tatay pero hindi naman kalakihan ang sweldo nila kaya sapat lang iyon sa amin. Minsan nagiging kulang pa nga kaya dapat manghiram ka ng pera sa ibang tao para lang may pang gastos kami.
Kaya nagsisikap akong makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ko na sa hirap ang mga magulang ko. Matanda na si Nanay pero nagtitiis pa rin siyang maglaba ng marami. Naririnig ko na siyang nagrereklamo na masakit na raw ang likuran niya.
Gusto ko ring ipagawa ang bahay namin. Luma na ito kaya tuwing umuulan ay kailangan pang maglagay ng mga balde sa tubig na tumutulo sa bubong namin na maraming butas. Ang haba na ng mga utang namin sa tindahan at minsan ayaw na kaming pautangin dahil aabot na raw sa ibang barangay ang listahan ng utang namin.
Papasok ako minsan sa school na saktong lang para sa pamasahe ang pera ko kaya kahit gutom na ay tinitiis ko na lang.
Napaayos ako ng tayo nang may pumasok sa loob ng kusina. Si Senyorito Leandro, may hawak na isang tasa ng kape.
“May kailangan po ba kayo, Senyorito?” tanong ko.
Tinago ko sa aking likuran ang aking kamay. Ang pangit tingnan ng kamay ko ngayon, parang isang matanda dahil kulubot na. Mas makinis pa ang mukha ni Senyorito Leandro kesa sa palad ko.
“You still awake? How old are you?”
Nandito siya para lang tanungin ako ng ganyan? Kahit nagtataka ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.
“May trabaho pa po ako kaya po ako gising. At bente na po ako,”
“Are you still studying?”
Ano bang klaseng mga tanong ‘to?
“Opo, third year college na po ako,” sagot ko ulit. Sasabihin ko ba sa kanya na inaanak niya ako? Sabihin ko kaya? Malay niyo may pera siyang ibibigay.
“I see. So, wala kang pasok bukas?”
“Opo,”
Natahimik kami saglit. Naiilang na naman ako dahil halatang-halata na siya sa pagtitig sa aking labi. May dumi pa ang labi ko?
“Bakit po kayo nakatitig sa labi ko? Kanina ko pa po napapansin ‘yan,”
“I was just wondering... because it really looks damn kissable. Can I have a try?”