CHAPTER 20 “Ninong, hindi ka pa ba uuwi? Malapit ng gumabi,” Ilang oras na itong nasa bahay namin. Nakatulog na lang ulit ako pero siya nandito pa rin sa kwarto ko, nakaupo sa gilid ko at nakasandal sa aming dingding. Hindi ito lumabas, naglalaro lang siya sa cellphone niya nang magising ako. Kanina nag-uusap lang kaming dalawa pero nakaidlip ako. Ngayon ko lang napansin na nakahiga pala ako sa mga hita niya habang may yakap-yakap na unan. Unan naman ang hinihigaan ko kanina at hindi hita niya. Ililipat ko na sana ang aking ulo sa isang unan ngunit pisngi ko para hindi ako makaglaw. Kinapa ko ang aking noo at may naramdaman na akong bimpo na nakalagay doon. “Hindi ka na ganoon ka init. Pumapasok ba ang mga nagdedeliver ng food dito?” tanong nito. “Pumapasok naman, Ninong. Bakit? Nag

